Chapter 12: not okay
Lenn's POV
"LENN…" bungad sa 'kin ni Maia saka agad niya akong nilapitan. "Buti nakarating ka. Kanina ka pa namin hinihintay,"
"Nasaan si Havey?" Ang tanong ko na hindi maikakaila ang pag-alala sa aking boses.
"She's in her room, Lenn. Kanina pa siya nandoon at ayaw niya kaming papasukin," sumbong ni Maia na parang bata. "pero nandoon naman nakabantay si Ambrose sa labas ng kanyang kwarto." Ani ni Maia para hindi na ako mag-alala pa..
Lumibot ang aking tingin sa paligid at nagkalat sa labas ang mga pulis. Nakita ko pa kanina ang pulis na nag-interview sa akin. May kausap itong dalawang lalaki, nakatalikod ang mga ito kaya hindi ko makita ang mukha. Nang mapansin nitong nakatingin ako agad din akong bumawi ng tingin at bumalik ang tingin ko kay Maia.
"Bakit sila nandito pa?" Taka kung tanong.
"Ayon sa mga pulis, nakatitiyak silang dito isinagawa ng suspek ang krimen. Dito niya sa parking lot dinukot ang biktima nang gabi sa party at lumakas ang hinila nila ng may nakita silang butas na ginawa ng killer para makapasok dito sa loob doon sa likod," salaysay ni Maia habang nakatingin sa mga pulis.
Sa isang iglap, agad akong natigilan sa sinabi ni Maia. Napaatras ako sa gulat at nanlaki ang aking mata sa sinabi niya.
"Ano? May nakita silang butas?" Ang hindi makapaniwala kung tanong.
Lumingon sa akin si Maia at napatango. Nakatitiyak akong hindi siya nagbibiro dahil napaka-seryoso ng kanyang mukha.
Mas lalo akong kinabahan at tila nabuhusan ng malamig na yelo ng may naalala ako bigla. Noong nakita ko kagabi sa party... posible kayang…
"Is there something wrong, Lenn?" Sa sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib hindi ko pinansin si Maia at agad akong napatakbo.
"Lenn! Anong nangyari?" Nalilitong anas ni Maia ngunit patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang likod ng building. Hinawi ko ang mga halaman at halos mawalan ako ng hininga ng makitang may nakalagay na cross line sa paligid at malinaw kung nakita ang butas na sinasabi ni Maia. May kalakihan ito na sapat na upang makadaan ang isang tao kapag nakayuko.
Shit.
Napaatras ako sa gulat.
Hindi! Imposible!
"Bakit, Lenn? May alam ka ba sa mga nangyari?" Tanong ni Maia na sa aking likuran. Nanlaki ang aking matang napalingon sa kanya at napakurap-kurap sa magkahalong gulat.
"Imposible..." Wala sa sarili kung sambit.
"Ano bang nangyayari sa 'yo, Lenn?" Nalilitong anas ni Maia. Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo gayundin ang kanyang ginawa. Hindi siya nagsalita at ramdam namin dalawa ang tensiyon na bumabalot sa pagitan namin.
"Nakita ko ang killer…" Wala sa sarili kung bulong. I remember the scene what I saw last night. Hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Totoo lahat iyon.
"What? Nagbibiro ka ba?" Mia asked me in disbelief.
Sunod-sunod akong napailing kay Maia. Kinabahan ako sa nalaman ko. "I saw the killer last night, Maia!" Deklara ko kaya nanlaki ang mata niya. "Nakita ko pa nga may hila-hila siyang kung ano mula sa itaas kung saan ako nagpahangin kagabi!"
"Pa... Paanong nangyari 'yon?" She stuttered, trying to find words to speak up.
"Hindi ko alam..." Napalunok ako ng laway dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko. Napahinga ako nang malalim at napatingin sa ginawang butas ng killer upang makadaan ito.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mistério / SuspenseHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...