Chapter 35: The Witness3rd Person's POV
8AM. ABALA ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Kabilang na doon si SPO2 Tedeo Bartolome na inihanda ang sarili mamaya. Bakas sa kanyang mukha ang seryoso doon na maging si Celine ay pinapanuod ang kanyang Uncle Tedeo.
Nandito sila sa Hartlon Police Station. Matapos ang nalaman niya kagabi kay Hanns ay agad niyang tinawagan ang kanyang Uncle Tedeo para sa nalaman niyang impormasyon.
At kani-kanilang lang ay nag-text sa kanya si Hanns at ibinigay ang address nito kung saan pupunta ang kanyang Uncle Tedeo. She was intense. She feeling nervous all the time.
"Just relax, Ce." Napalingon ang dalaga ng pilit siyang pinapakalma ng kanyang pinsan na si Kliff.
"Paano ako kakalma Kuya kung may mangyari kay Hanns?" Bakas sa boses niya ang pagkabahala.
"He'll be alright, okay? Just calm down."
"What about her?" Tanong niya dito.
Tinignan siya ni Kliff. "Police will looking after her. So, you don't have to scare." Sa narinig ni Celine ay kahit papaano ay nakatulong iyon upang maging mahinahon siya.
Mamaya pa'y lumapit sa kanila ang kanilang Uncle. "Dito lang kayo at 'wag kayong aalis. Mas ligtas kayo dito." Utos nito sa kanila.
"Uncle... Si Hanns." Aniya.
Tumingin sa kanya si Tedeo. "Hindi namin siya sasaktan. Pero hindi dapat tayo maging kampante, Celine. Hindi ibig sabihin na wala siyang kasalanan ay malinis ang pangalan niya hangga't hindi namin siya makakausap,"
"I trust you, Uncle. Paano si Azi?" Ang tanong ni Kliff dito.
"Kumikilos na ang iba sa 'min para hulihin siya. Gaya nga ng sabi ko, manatali kayo dito." Mabilis na sagot ni Tedeo sa kanyang mga pamangkin. Bumaling ang kanyang tingin kay Celine, "Lalo kana." Aniya.
Hindi sumagot si Celine bagkos napatango siya bilang tugon.
"Tedeo!" Bumaling ang atensiyon ni SPO2 Tedeo Bartolome ng tawagin siya ni SPO2 Frier Jaminto. Nandoon iyon sa may pintuan, hinihintay siya.
Napatango si Tedeo kasabay ang pagsulyap niya kay Kliff na noo'y nakatingin sa kanya. Tinanguan niya ito ng makahulugan bago ito tumango.
"Tedeo! Halika ka na!" Mabilis na kumilos si Tedeo ng tinawag siya ulit ng kanyang kasama. Sa labas ay naghihintay ang kotse na kanilang sasakyan.
Agad na pumasok sa loob silang dalawa habang si SPO2 Frier Jaminto na ang nag-presentang magmaneho.
"Bakit ka pa sumama sa 'kin?" Tanong niya dito.
"Bakit ayaw mo ba?"
"You should come with Chief." Aniya.
"Nandoon na si Alex. Alam ko naman na kaya nila 'yon. Tsaka, hindi naman makakatakas ang Azi na 'yon lalo't wala siyang alam na alam natin ang lahat." Sagot nito sa kanya.
Hindi na sumagot si Tedeo dito. Habang si Frier naman ay patuloy na tinunton ang daan kung saan ang address na ibinigay sa kanila ng binatilyo.
"Naisip ko lang, hindi ito ang unang beses na magkasama tayo Tedeo. Lalo na sa ganitong kaso." Panimula ni Frier sa kanya.
Napatango naman si Tedeo. "Alam ko."
"Sa tingin mo... walang gagawin sa 'tin ang lalaking 'yon?"
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Gizem / GerilimHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...