Chapter 19: Danger is here

13 5 0
                                    

    Chapter 19:  Danger is here

   

    Third Person's POV

    "WALANG fingerprints na nakita sa crime scenes. Ilang oras bago inilabas ang video ay matagal ng patay ang mga biktima. Nakumpira ito ng forensic laboratory matapos i-examine ang katawan ng mga biktima. May flashdrive at laptop na pagmamay-ari ng dalagang biktima na si Jade Manzon ang nakita malapit sa pinangyarihan ng krimen. Mukhang iyon nga ang ginamit ng salarin upang maisagawa ang kanyang plano," Ang mahaba at detalyadong salaysay ni SPO2 Tedeo Bartolome Prinston habang isa-isang inilapag ang ebedensiya na kanilang nakita na ngayon ay nakabalot ng transparent cellophane.

    Sunod na inilapag niya ang forensic medical report. Agad na kinuha iyon ng kanyang kausap at binasa. "Wala na bang iba kayong nakita?"

    "Wala na, chief." Mabilis na saad niya sa Police Campus Officer na si Chief Yuen Galvez. May katandaan na ang nasabing Chief. Naglalaro ang edad nito sa kwarenta ngunit kapansin-pansin ang pagiging makusladong pangangatawan nito. Palibhasa, maalaga ito sa katawan kung kaya't hindi na kataka-taka pa.

    "Ayon din sa sinabi ng staff comittee, nakita nila ang usb na isinaksak sa computer rason na magkaroon ng broadcast. Sa oras na 'yon hindi nila naagapan ang live broadcast dahil naka-lock ang broadcast room. It was all found out na-recorded pala ang nangyari, chief." ang report ni SPO2 Frier V. Jaminto. "Sa tingin namin, pinlano ang krimen." dagdag nito na seryoso ang tingin.

    Napatingin siya sa kanyang kasama at bumalik ang tingin sa kanilang chief. "May kinalaman ba ito sa sinabi ni Chief Yazenco?" Ang nagtatakang tanong niya sa dalawa.

           Naka-receive sila ng information doon sa Hartlon City Police Department. Matapos matanggap nila ang first crime report sa Hartlon University doon sa dalagang si Aika Lamerez na minurder, isinaka nila ito sa Police Head Department.

    Ngayon-ngayon lang na buwan sila nakahawak ng ganitong kabigat na kaso. bullying at suicide ang lagi nilang naikukwentro sa nagdaang buwan ngunit hindi nila aakalain na may krimen na mangyayari sa Hartlon University ngayong buwang 'to.

   

    Napansin ni SPO2 Tedeo Bartlome ang paghinga ng kanilang Chief ng malalim bago siya tignan sa mata. "Iyon din ang  iniisip ko." Anito sa mababang boses.

   

                "Nagkaroon ng krimen sa Hartlon University sa kauna-unahan at tugma ito sa nangyaring krimen noon tatlong taon ang lumipas. Higit pa doon, iisa lang ang maaaring gumawa ng ganitong krimen: si Naiah Del Vera. Isang buwan ang lumipas ng makatakas ito ay gumawa ito ng bagong krimen. Sa parehong araw at... kung paano niya pinaslang ang mga biktima at kung ano ang palatandaan niya," aniya sa nababahalang boses.

    "Anong gagawi natin, chief? Nasa loob ito ng unibersidad at doon din nag-aaral ito. Tiyak na magkakaroon ng takot ang mga studyante lalo pa ay nagpakilala na ito.," ang dagdag ni SPO2 Jaminto. Nabalutan sila ng pagkabahala at pag-alala. Hindi biro ang kaso na kanilang hinawakan.

    "Sinubukan namin makipag-ugnayan sa Hartlon University Registar Department, chief. Sinubukan namin na hanapin ang data ng salarin pero bigo kami. Hindi din mahanap ang face identification nito, hindi naka-registered tunay nitong pagkakilanlan," ulat niya.

   

    "Paanong nangyari 'yon?"

   

    "Iisa lang ang maaari nating sabihin ngayon, chief. Matalino ang suspek natin kaya hindi agad natin mahahanap," ang sabi nila sa kanilang chief.

Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon