Rhexyl's P.O.V
Dumako ang tingin ko sa buong paligid ng isang warning sound ang siyang namayani sa buong kailaliman ng tubig.
Mabilis na idinako ko ang aking tingin sa timer. Namilog at napamura na lamang ako sa gulat nang makita ko ang oras na tapos na.
Nilingon ko ang isang tunog sa likuran ko at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang papalabas na pating.
Amputa! Hindi nga sila nagbibiro.
Wala sa sarili akong tumingin sa mga nakalutang na shape. Bawat isa ay tiningnan ko at naghablot na lang ng shape. Bahala na kung sumabog ako.
Segundo ang lumipas hanggang sa naging minuto ay wala namang nangyari sa akin. Ngangahulugang safe ang nakuha kong shape.
Mabilis akong pumailalim para maghanap ng pinto.
Damned it! Tumingin ako sa shark na lumabas. Kasalukuyan na siyang abala sa paghahabol ng makakain niya. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ko. Hinahanap ko ang mga kasamahan ko pero lahat sila naging abala na.
I saw Sylvester. Nakahanap na siya ng pinto. Diamond door ang nasa harapan niya. Nag-sign language siya sa akin. Naintindihan ko naman kaya tumango ako.
Tinuro niya sa akin kung saan makahahanap ng pinto. Mabilis akong kumilos bago pa ako mapansin ng pating.
Sa pader ay mayr'on akong nakitang heart shape na maliit. Tiningnan ko ang hawak ko at ang nakita ko. Kapareho ng hawak ko ang nasa pinto. Wala akong sinayang na oras. Inilagay ko ang hawak ko at agad na mayr'ong lumitaw na pintong rehas na nakabukas.
Lumingon ako sa aking likuran. Nanlaki ang aking mga mata nang mabilis na pumupunta sa kinaroroonan ko ang pating. Kaagad akong pumasok sa pinto at nagsara naman ito kaagad.
Nagulat ako ng malakas na humampas ang pating sa pintong rehas. Pilit siyang pumapasok. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil kahit anong gawin niya ay hindi nasisira ang pintong rehas hanggang sa sumuko siya.
Ngunit napansin ko na hindi nag-iisa ang pating.
Shit!
Mabilis akong lumangoy paitaas pero dead end. Mayr'ong maliit na pating na kasama iyong dambuhalang pating at kasyang-kasya ang mga ito sa pintong rehas.
Hinampas ko nang hinampas ang parang tiles na siyang humaharang sa itaas. Kailangan ko na ring lumabas dito dahil kung tatagal pa ako ay baka hindi ko na kayang pigilan pa ang aking hininga.
Hinampas ko nang hinampas ang tiles para masira ko ito. Nagpalipat-lipat ako ng area baka sakaling mayr'ong secret button akong mapindot.
Natigil lang ako sa aking ginagawa dahil parang mayr'on akong narinig mula sa aking likuran. Sa aking paglingon sa aking likuran. Isang malutong na mura ang nagawa ko sa aking isipan nang makita ang anim na baby shark na nakahelera pa. Lahat sila ay nakatingin sa akin na animo'y nagtataka sa aking ginagawa.
Anak ka ng tinapa! Maliit man 'yang tingnan pero syota! Pating pa rin ang mga 'yan. Muli akong nagpatuloy sa aking paghahampas at panay ang tingin ko sa anim na baby shark.
Natigil ako sa aking ginagawa nang tuluyan na silang lumapit sa akin ngunit bago pa sila makalapit sa akin ay mayr'ong humila sa akin paitaas.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko nang mawala ako sa tubig. Umuubong hinahabol ko ang sarili kong hininga.
"You okay, baby?" Kaagad kong tiningnan ang nagtanong sa akin.
Nakahinga ako nang maluwag ng si Sylvester ang nasa harapan ko. Kaagad ko siyang niyakap na sinuklian naman niya agad.

BINABASA MO ANG
TAD BOOK II: Caught and Die
AcciónRhexyl is a woman that is deceitful and manipulative. She's the woman you shouldn't fool with because she'll make you lifeless if you touch her. Because of her plan to exact vengeance, she entered the university of Der Mord. She went to a school she...