Megan's Pov:
Andito ako ngayon sa office at subsob sa trabaho dahil sa planong expansion ng Company sa BGC, nasa kalagitnaan ako ng pag-rreview ng mga papeles ng marinig kong may kumatok sa pintuan at doon ay pumasok ang aking secretary.
"Ma'am you have an invitation from Ms. Yvette Sanchez." Saad nito at inabot sa akin ang invitation card na kulay gold, binuksan ko ito at doon ko nakita ang card na may nakalagay na Yvette's 50th Birthday Party.
Tila napahawak naman ako sa aking sentido at hindi ko malaman kung sasakit ba ang aking ulo o matatawa, paano ba naman ay tila 18th birthday party ang nasa card, andon ang malaking picture ni Ms.Yvette at nakagown pa, wala naman kaso sa akin ang mga ganito pero iba pa rin pala kapag nakita mo na ng personal.
"Are you planning to attend Ms.?" My secretary asked.
"I need to, dahil dapat natin siyang makuha na investor so as much as I don't want to, I need to go." Sabi ko naman sabay buntong hininga. Tinignan ko ulit ang invitation card; next week na pala ang party niya kailangan ko na magbook ng apointments sa salon and to buy my outfit.
WEEK passed at eto ako ngayon nasa salon habang ang isa ay inaayos ang aking buhok at ang isa naman ay nagm-make-up sakin, tinignan ko ang sarili sa salamin at hindi maipagkakaila ang eyebags ko na lubog na lubog, ilang araw na kasi ako walang maayos na tulog dahil sa dami nang gawain sa office.
"Ms. Okay na po ang hair at make-up niyo, pwede na po kayo magpalit ng damit." Sabi ng hairdresser sa akin.
"Okay, thank you." Sabi ko naman at tumayo na para pumunta sa loob ng restroom, malawak ang loob nito at may malaking salamin kaya naman tamang-tama lang na dito na ako nagpalit. Sinot ko ang white na silk bodycon dress at ganon na lamang ang relief ko ng makita na maayos pa ang estado ng katawan ko. Kung hindi lang tatanungin ang aking edad ay tiyak na mapagkakamalan akong nasa 20's lamang dahil sa aking katawan, hindi kasi talaga ako tabain at noong dalaga pa ako ay inaalagan ko ang aking katawan. Umikot pa ako ng bahagya upang tignan ang aking kabuuhan at napansin ko na medyo nakikita pala ang aking cleavage dahil sa suot, hindi naman ito ganon kalakihan ngunit hindi rin naman ganon kaliitan, nasa katam-taman lang. Umupo naman ako sa isang upuan sa loob ng restroom at tayaka sinuot ang aking 2 inches heels, hindi kasi ako sanay sa mataas na taking baka matapilok pa ako sa party ni Ms. Yvette, ini-isip ko palang nakakahiya na.
Matapos kung mag-ayos ay sumakay na ako sa kotse at nagdrive papunta sa venue, hindi ko na inabala pa ang sarili na kumuha ng driver dahil kaya ko naman pumunta doon ng mag-isa. Sa kabutihang palad ay hindi traffic kaya nakarating ako ng maaga sa venue, doon ay sinalubong ako ng isang staff at agad ko naman kinuha ang invitation card sa purse kong dala at agad itong pinakita sa kanya.
Pagpasok ko sa loob ay sobrang ganda ng venue, hindi mo aakalain na isang 50 years old na matandang dalaga ang nag-ccelebrate ng kaarawan.
"Ms. Montefalco? This way please." Sabi ng staff na nag-approach sakin kaya naman agad ko siyang sinundan at dinala niya ako sa isang round table at nakita ko ang pangalan ko doon kaya naman agad akong nagpasalamat sa staff at dali-daling umupo. Tinignan ko ang mga katabi kong upuan ngunit walang nakalagay na pangalan kung sino ang makakatabi ko, baka wala.
ILANG minuto lang ang nakakakilipas at narininig ko ang dagundong na music kasabay ng pagdilim sa kalahati ng venue at ang spotlight ay nasa stage. Mukhang magsisimula na ang party.
"Good evening ladies and gentleman, today we have a beautiful woman who celebrates her birthday today. Let's welcome Ms. Yvette Sanchez" pagkatapos na pagkatapos sabihin ng host ang mga katagang iyon ay bigla nalamang may dagundong na music kasabay ang confetti na sumabog sa buong stage, at doon nga ay lumabas si Ms. Yvette na ball gown pa na pink habang nasa tabi niya ang makisig na lalaki na hindi ko pa gaano masilayan ang mukha dahil natatakpan ito ni Ms. Yvette, pero ganoon nalang ang gulat ko nang makita na ang lalaking escor nito ay si James. Nanlaki ang aking mga mata at tila hindi maproseso sa aking utak kung anong ginagawa ni James sa lugar na ito at lalong anong ginagawa niya sa tabi ni Ms. Yvette na ngayon nga ay malambing na nakatingin dito. Parang gusto ko ata masuka.
BINABASA MO ANG
Caught In Your Romance (Completed)
RomanceA self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but her friends do. So they plotted a plan, to have their friend go to the club and get laid. James Coron...