Megan's Pov:
Halos hindi ako magkanda-ugaga ngayon dahil pinagsisisihan ko kung bakit ko sinabi na hintayin ako ni James mamaya.
Anong rason bakit ko ginawa iyon?
Dahil ba ayokong magkita sila ni Yvette mamaya? Hindi, wala naman akong pake sa kanila eh.
Tama, kaya walang rason para kabahan ako.
Matapos ko kausapin ang sarili ay agad na akong umupo at tinapos ang aking mga naiwan na trabaho. Ilang oras ang nakalipas ay naramdaman ko na tumunog ang aking alarm hudyat na uwian na. Kaya naman inayos ko na ang aking mga gamit at naglakad papunta sa elevator para bumaba.
Habang nasa loob ay nagda-dalawang isip ako kung sisiputin ko pa ba si James sa lobby o i-ttext ko nalang siya na 'wag na kaming magkita, pero naalala ko na wala nga pala akong number niya, dahil doon ay napilitan akong pumunta nalang sa lobby para kitain siya.
Habang papalapit sa lobby ay naaaninag ko na ang kanyang bulto, naka-upo siya sa upuan habang nakatutok sa kanyang cellphone. Nang maramdaman niya na papalapit na ako ay nag-angat siya ng tingin sabay tumayo at bahagyang ngumiti.
"Hello" sabi niya
"Hi, so uhm kaya kita pinatawag ngayon is because of..." sabi ko habang nag-hahanap pa ng excuses na sasabihin
"Kasi ano?" Tanong niya, tila naghihintay ng aking sunod na sasabihin
"Uhm may bibilhin kasi ako sa mall, and mabigat yung mga bibilhin ko. If it's okay with you can you help me? I will pay you for your extra service don't worry." Sabi ko, hindi ko sure kung maniniwala ba siya sa palusot ko pero wala na akong ma-isip na ibang sasabihin.
Tila naguluhan naman siya sa aking sinabi pero agad din yung nawala at napalitan ng ngiti.
"Okay naman sa akin Ma'am, kahit 'wag niyo na akong bayaran." Sabi naman niya
"No, I insist, inabala kita ngayon." Sabi ko
"Kahit 'wag na talaga Ma'am, sasamahan ko lang naman kayo doon eh." Sabi naman niya, dahil mukhang wala siyang balak magpatalo ay hinayaan ko nalang.
"Let's go sa parking lot." Saad ko at nagtungo na kami doon.
Sumakay na ako sa kotse habang siya ay nasa passenger's seat. Habang nasa byahe ay kita ko sa aking peripheral vision na nagtitipa siya sa kanyang cellphone, tinatry ko na huwag iyon pansinin ngunit biglang naka-agaw ng pansin ko ay ng biglang may tumawag sa kanyang cellphone. Agad naman niya itong sinagot.
"Hello Ma'am?" Sabi niya, napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya, mukhang may ideya na ako kung sino ang kausap niya.
"Nag-paalam na naman ako sa staff ng temptation club na hindi kita masasamahan ngayon." Sabi nito
"Alam ko naman po na nasa kontrata na kung kailan mo gustuhin na pumunta ako sayo ay dapat na nandon agad ako. Pero tulad po ng sinabi ko, nagpaalam na ako club na may importante akong lakad ngayon. Sana po maintindihan niyo." Dugtong nito at tila ramdam ko ang inis sa kanyang boses.
Ilang minuto pa lumipas ang kanilang tawag at halos panaka-naka nalang siya na nagsasalita.
"Okay, thank you Ma'am." Huling sabi nito bago ibinababa ang tawag.
"Sorry, kung naistorbo ka sa tawag." Paumanhin ni James bigla
"Ah hindi okay lang." Sabi ko naman
"Uhm, sa temptation club ika--" pinutol ko ang kanyang sasabihin dahil alam ko ang kanyang tatanungin. Kung ako ba yung nasa tenptation club noon.
BINABASA MO ANG
Caught In Your Romance (Completed)
RomanceA self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but her friends do. So they plotted a plan, to have their friend go to the club and get laid. James Coron...