Megan's Pov:
Papasok na ako ng opisina at nakita ko si Manong guard kaya naman binati ko siya, nagtuloy-tuloy ako ng lakad papasok hanggang makapasok ako sa loob ng elevator. Nang malapit na akong makarating sa aking office ay saktong nakita ko naman si James na nag-mmop ng sahig.
"Good morning Ma'am" nakangiting bati sa akin ni James.
"Good morning din." Sabi ko naman at nilagpasan na siya. Dahil mukhang busy siya sa kanyang ginagawa ay nauna na akong umalis.
Agad naman akong nagtrabaho hanggang sa mapansin ko nalang na panay ang tunog ng aking cellphone. Tinignan ko ito at punong-puno ng notifications galing sa gc naming magkakaibigan. Binuksan ko ito at binasa ang mga message nila.
Sophie: Megan! pupunta kami ngayon dyan sa office mo ha
Alleah: Ang tagal na nating hindi nagkita-kita, miss ka na namin
Basa ko sa kanilang mga mesahe, agad naman akong nag-tipa ng mensahe sa aking keyboard.
Ako: Mag-set nalang tayo ng date kung saan at kailan, ginawa niyo nanamang playground itong opisina ko.
Alleah: OTW na kami 'no
Sophie: Dyan na tayo, okay na iyan!
Dahil mukhang desidido na ang mga ito ay pumayag nalang din ako. Pagkalipas ng kalahating oras ay rinig ko na ang mga halakhak nilang dalawa hudyat na nandito na sila.
"Megan, i miss you!" Pabungad na sabi ni Alleah sakin sabay yakap
"I miss you girl! Tagal na nating walang bonding." Sunod naman na sabi ni Sophie at yumakap din
"I miss you rin guys, anong gusto niyong kainin papa-order ako." Sabi ko naman
"Kahit dyan nalang tayo sa cafeteria kumain." Suggest ni Sophie
"Oo nga, masarap din naman pagkain sa cafeteria niyo." Sabi ni Alleah
"Okay, kung iyon ang gusto niyo." Sabi ko naman
"So, kamusta na?" Tanong ni Alleah, ngunit kilala ko siya, iba ang pinapahiwatig ng kanyang mensahe.
"Ako? Okay naman." Sabi ko naman, tinatry na ibaling ang topic sa iba.
"Grabe ha, pa-safe answer ka pa dyan, alam mo naman yung tinutukoy namin." Sabi ni Sophie
"Ha? Pinagsasabi niyo dyan." Maang-maangan kong sabi, nakita ko naman si Alleah na napa-roll eyes dahil sa aking sinabi.
"Yung lovelife mo, musta na?" Sabat naman ni Sophie
"Akala ko ba hindi niyo na ako tatanungin tungkol sa lovelife ko dahil pinagbigyan ko na yung favor niyo na pumunta ako sa temptation club." Sabi ko
"Oo nga, pero syempre hindi pa rin maaalis sa amin ang pag-aalala." Sagot naman ni Alleah
"So ano nga, any changes sa lovelife mo? May nagpapakilig na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sophie
"Hay nako, gutom na ako kumain na tayo." Pagbabaling ko ng atensyon nila
"Umiiwas ka nanaman sa topic, pero sige punta muna tayo sa cafeteria niyo at siguraduhin mong ibubuka mo na iyang bibig mo ha." Pangungulit naman ni Alleah.
Nakangiting tumango-tango nalang ako sa kanila at sabay-sabay kaming sumakay ng elevator para pumunta sa cafeteria. Dahil hindi pa lunch break ay wala halos na tao dito kaya agad naman kaming nakahanap ng mauupuan. Pagtapos ay nag-order na kami, ilang minuto ang tingal bago namin nakuha ang aming pagkain mabuti nalang at mabilis lang namin itong nakuha.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at pag-kkwentuhan ng napahinto sa pagkain ang dalawa at nakatingin sa aking bandang likuran.
"Omg." Gulat na sabi ni Alleah
"Bakit?" Tanong ko naman, habang nakatingin sa dalawa.
"Bakit nandito si James?" Pabulong ngunut nay diin na tanong sakin ni Sophie.
Agad naman akong napatingin sa aking likuran at doon ko nakita si James na naglilinis.
"We demand an explanation, ngayon na!" pigil na tili na sabi ni Sophie
Napapikit naman ako at napabuntong-hininga dahil hindi ko alam kung saan magsisimula ng pag-kkwento.
"Nag-ttrabaho siya dito sa Company ko." Panimula ko
"Tapos? Anong sunod pabitin ka naman." Biglang sabi ni Alleah, napa-irap nalang ako dahil sa sinabi niya
"Parehas namin hindi alam na ako ang may-ari nitong company at ako naman huli ko na rin nalaman na nag-ttrabaho siya dito. So, ayon wala na rin akong nagawa kundi hayaan nalang, alangann namang alisin ko siya dahil lang sa nangyari sa bwisit niyong plano sa temptation club." Litanya ko sa kanila
"Hehe sorry na." Sabi ni Alleah sa huli kong sinabi.
"Anyways, edi ang set-up niyo ngayon ay employee - employer relationship? Hindi ba kayo nag-kakailangan?" Tanong ni Sophie
Dahil sa tanong niya ay napa-isip ako, kung komportable ba siya sa ganitong set-up namin matapos ang nangyari. Naiilang din ba siya o ako lang ang nakakaramdam non?
"Huy nagspace-out ka, based sa reaksyon mo mukhang hindi mo alam ang sagot sa tanong namin ha." Sabi naman ni Sophie
"Sa totoo lang, wala akong ideya kung anong nararamdaman at naiisip niya sa set-up namin. Kasi in the first place hindi naman na namin naiungkat ang nangyari at naturally na proffesional work set-up ang nangyari." Pag-amin ko naman
"Ay ganon pala, edi mas pabor iyon sayo kasi walang awkwardness sa inyo ngayon." Sabi ni Alleah
"Hala, paano pala kung hindi ka niya naaalala nung nasa temptation club kayo kaya iba ang turing niya sayo." Biglang sabi ni Sophie
Dahil sa sinabi niya ay tila napa-isip din ako.
"Or, baka naman eh sinasadya niya lang na magkunwaring hindi kilala si Megan kasi boss niya ito now. Diba parang ang akward nga naman kung si James at Megan na boss niya eh muntik na mag one night stand." Sabi ni Sophie, agad naman akong nataranta at tinakpan anv bibig nito at naglinga-linga sa paligid, mabuti na lang at wala na si James sa kanyang pwesto kanina.
"Pwede ba prenuhin mo iyang bibig mo, baka kung sinong makarinig!" Gigil na sabi ko dito, nagsenyas naman ito ng sorry
"Eh basta, kung naalala man niya o hindi wala na akong pakealam, mas mabuti na nga iyon at hindi na ako ma-iistress." Sabi ko naman.
"Talaga ba? Sure ka bang ayos lang sayo na hindi ka niya matandaan?" Pang-aasar ni Alleah
"Oo naman, parang iyon lang eh at tyaka wala naman akong pake sa kanya." Sabi ko naman
"Talaga ba?" Pang-aasar ni Sophie
"Oo nga! Kumain na nga kayo diyan." Sabi ko naman at nagsimula nang kumain.
Matapos ang aming pag-bbonding aya gad na umuwi na ang dalawa at ngayon nga ay naiwan na ako sa aking office.
"Hindi niya ba talaga ako naaalala o nagpapanggap lang siya? Sa ganda kong ito sure akong hindi basta basta mabubura sa isip niya ang mukha ko." Sabi ko sa aking sarili, ng marealize ko na walang kwenta ang aking pinag-iisip ay agad kong ibinaling ang aking atensyon sa aking computer.
Empleyado ko lang siya at hindi siya ganon ka-importante para pagtuunan ng pansin.
BINABASA MO ANG
Caught In Your Romance (Completed)
RomanceA self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but her friends do. So they plotted a plan, to have their friend go to the club and get laid. James Coron...