James's Pov:
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Megan sakin.
"Basta makikita mo nalang kapag nandon na tayo." Sabi ko naman.
Papunta kami ngayon sa garden park, kung saan balak ko siyang surpresahin.
"Kung madapa lang talaga ako sinasabi ko sayo, may pa-blindfold ka pang nalalaman dyan." Saad niya.
"Hindi kita hahayaang masaktan ano ka ba." Sagot ko naman, nakita ko siyang napangiti dahil sa aking sinabi.
Papalapit na kami sa venue at nakita ko ang aking pamilya, mga kaubigan niya na si Sophie habang buhat ang kanyang anak at si Alleah, nasa tabi naman nila ang kanilang asawa. At ang huli sa lahat ay ang Mom and Dad niya.
"Andito na ba tayo?" Tanong niya ng maramdaman na nakahinto na kami.
Tinanggal ko naman ang blindfold na nakatali sa kanya, "Ano ba kasing--" naputol ang kanyang sinasabi ng makita ang paligid.
"Anong meron? Bakit nandito silang lahat?" Nagtatakang tanong niya.
Hinawakan ko naman ang kanyang mga kamay at ngumiti.
"Isang taon na simula ng maging mag-kasintahan tayo. Gusto kong malaman mo na sobrang saya ko sa mga panahon na iyan. Mahal na mahal kita Megan bukod pa sa inaakala mo. Kaya nandito ako ngayon..." Panimula ko.
Lumuhod ako at inilabas ang singsing, "Para hingin ang kamay mo at para magsama na tayo habang buhay. Megan, my love. Will you marry me?" Kinakabahang sabi ko.
Nakita ko namang naluluha siyang tumingin sa akin at sa paligid.
"Yes! Mahal na mahal kita." Naluluhang sabi niya, agad ko namang sinuot ang singsing na matagal kong pinag-ipunan para sa kanya.
Matapos ay tumayo ako at siniil siya ng halik at narinig namin ang hiyawan ng aming kamag-anak.
"Hindi ko inaakala na mag-ppropose ka, kaya pala ang weird ng kinikilos mo nitong mga nakaraang araw." Sabi ni Megan.
Hinalikan ko siya sa noo sabay sabing, "Gusto ko maging memorable sayo ang araw na ito kaya pinaghandaan ko talaga."
"Halata nga eh, kita mo iyon napag-sama sama mo ang angkan natin ngayon." Nakangiting sabi niya.
Maya-maya lang ay pumunta muna siya sa kanyang kaibigan para maki-pagkwentuhan, malayo pa lang ay rinig ko na ang kanchawan ng mga ito na siyang ikinangiti ko.
Megan's Pov:
5 years after...
"James! Sabi ko ng huwag mo bigyan ng chocolate ito naka-ilan na iyan ngayong araw." Sigaw ko sa asawa ko ng makita kong patagong binigyan niya ng chocolate si Jayden.
Binuhat naman niya ang kanyang anak at mabilis na tumakbo palayo. Napahawak ako sa aking sentido dahil sa kanyang ginawa. Masyado niyang ini-spoiled ang anak at lahat ng gusto ay binibigay.
"Mama." Rinig kong sabi ni Hyacinth na nagsisimula pa lang mag-salita.
Sa limang taon mag-asawa kami ni James ay naka-dalawa agad kami. Pagkatapos ng kasal ay agad kong nalaman na buntis ako kay Jayden na ngayon nga ay 4 years old na. At nitong nakaraan lang ay nanganak ako kay Hyacinth na ngayon nga ay 10 months na.
Buhat-buhat si Hyacinth ay pumunta kami sa kusina para kunin ang kanyang gatas. Habang papalapit sa kusina ay narinig ko ang mahinang usapan ng mag-ama.
"Buddy, last na chocolate na talaga iyon ngayon. Baka mag-transform na sa dragon ang mommy kapag nakita niya tayo." Rinig kong sabi ni James.
"Katakot Mommy kapag angry, kaya tago tayo mabuti kapag kakain chocolate." Sabi naman ni Jayden sa Ama.
"At ano iyang pina-plano niyo ha." Sabi ko sa kanila, nakita ko pa kung paano napatalon sa gulat ang dalawa.
Magkamukhang-magkamukha talaga ang dalawa at parang kahit ni-isang feautures sa akin ay walang nakuha. Kabaliktaran naman ito ni Hyacinth dahil maraming nagsasabi na ako raw ang hawig ng anak ko.
"Wala iyon, ang baby girl ko halika sa Daddy." Sabi ni James at kinuha sakin si Hyacinth.
Kinuha ko ang bote ni Hyacinth, sunod at binuksan ko ang ref para kunin ang refrigerated breast milk ko bago ito nilagay sa heater. Habang nag-hihintay ay nakita ko naman na kinakausap ng dalawa si Hyacinth.
"Love na love ka ni Kuya baby girl." Sabi ni Jayden sa kapatid at niyakap ito, gusto pa nga niyang buhatin pero dahil may kalakihang bata si Hyacinth ay hindi niya makaya.
"Eh si Mommy love mo ba?" Singit ko sa kanilang usapan at niyakap si Jayden.
"Yes Mom, pero mas love kita ng mga one hundred plus kapag binigyan mo ako chocolate ngayon." Sabi ni Jayden na siyang ikinatawa ko.
"Mautak ka anak ha." Tila proud na sabi ni James.
"May pinagmanahan eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Pati ka-gwapuhan sa akin nagmana iyan." Pag-mamayabang pa niya.
"Ewan ko sayo, atleast ang baby girl ay kay Mommy nagmana ano." Sabi ko sabay kuha kay Hyacinth.
"Ngayon lang iyan kasi baby pa, pero kapag lumaki na siya ako na ang kamukha niya." Sabi naman ni James.
"Hindi, ako pa rin ang kamukha niya hanggang lumaki." Saad ko.
"Paki-kuha nga ng gatas ni Hyacinth mahal." Utos ko sa kanya.
Agad naman niyang sinunod ito at inilagay ang napa-init na na gatas sa bote. Naghintay siya ng ilang minuto bago ipatak sa likod ng kanyang palad ang gatas. Nang masiguradong hindi na ito masyadong mainit ay naglakad na siya papalapit samin.
"Ito na po ang dede mo kamahalan." Sabi niya kay Hyacinth, tumawa naman si Hyacinth na akala mo ay naiintindihan ang ama.
Hinawakan ko ang kanyang dede at isinubo sa kanya.
"Parang ilang taon na hindi pinakain iyan ah." Gulat na sabi ni James habang nakatingin sa anak na mabilis dumedede.
Malaking bata si Hyacinth kaya alam ko na na matakaw talaga dumede pero minsan ay nagugulat pa rin talaga ako sa kanya.
"Mom, Dad, I want to sleep." Sabi ni Jayden na ngayon nga ay halata na sa mata na gusto ng matulog.
Binuhat naman ito ng ama. Napag-desisyunan ko na tumaas na kami para patulugin ang dalawa. Naunang makatulog si Htacinth kaya agad ko siyang inayos sa higaan, habang si Jayden ay nasa bisig ng ama habang sinasayaw para makatulog.
Ilang minuto lang ay ibinaba na ni James si Jayden sa tabi ni Hyacinth at inayos ang higaan.
Napatingin kami ni James sa dalawa naming anak na mahimbing na natutulog.
"Hindi ako makapaniwala na may sarili na akong pamilya." Sabi ko, naramdaman ko naman na tumayo si James at pumunta sa akin para yakapin ako.
"Ako rin, nagpapasalamat ako na dumating kayo sa buhay ko." Saad niya at hinalikan ang aking labi.
"This all happened because I'm caught in your romance. I love you." Sabi ko sa kanya.
"I love you too, mahal ko." Tugon naman niya at siniil ako ng halik.
End.
BINABASA MO ANG
Caught In Your Romance (Completed)
RomanceA self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but her friends do. So they plotted a plan, to have their friend go to the club and get laid. James Coron...