Megan's Pov:
Dahil weekends ngayon ay naisipan kong pumunta sa amusement park, that place holds a special place in my heart kasi dito ako dinadala ni Mommy kapag nag-aaway sila ni Dad. This is my comfort place at sa tuwing hindi ako okay, I always come here. Kinuha ko ang aking maliit na sling bag at tinignan ang kabuuhan sa salamin, nakasuot lang ako ng maong shorts at simpleng oversized shirts na tinernuhan ko ng black sneakers. Hindi ko naman balak sumakay sa mga extreme rides dahil takot ako sa heights, siguro ay maglalalad-lakad nalang ako at kakain doon. Umalis na ako ng bahay at sumakay sa kotse para pumunta sa amusement park, pagdating ko doon ay as usual dahil weekends ngayon ay maraming tao. Bumili ako ng ticket sa counter at pumasok na sa loob, napangiti agad ako pagpasok na pagpasok dahil naramdaman ko ang kasiyahan sa lugar na ito, may mga bata na nagtatawanan, meron rin naman na umiiyak at higit sa lahat ay ang mga rides at ang makulay na paligid ng lugar.
Nagsimula na ako maglakad at maglibot sa amusement park, medyo maraming tao kaya may mga oras na may nakakabangga ako pero okay lang hindi naman ako maselan. Sa buong paglilibot ko ay wala akong nasakyan ni isang rides, marahil ay natatakot ako sa mga extreme rides o kaya naman na-aawkwardan ako dahil ang isang trenta anyos na babae ay mag-isang nasakay sa rides. Sa totoo lang medyo awkward na mag-isa lang ako dito sa amusemen park, halos lahat ng andito ay grupo grupo o kaya naman eh magjowa. Hindi ko naman pwedeng abalahin ang dalawa kong kaibigan dahil may sari-sarili na silang asawa at gampanin sa bahay.
Nang makaramdam ako ng gutom sa paglilibot ay may nakita akong food stall ng Korean foods kaya naman bumili ako doon, pina-take out ko nalang yung mga nabili kong pagkain at naghanap ng bench na maaring maupuan, kanina pa kasi nangangalay yung paa ko, sign of aging na rin siguro.
Nakahanap naman ako ng bench at buti nalang eh walang naka-upo doon kaya payapa kong nalantakan ang mga pagkain habang nakatingin sa mga taong naglalakad. Kain lang ako ng kain hanggang may marinig ako na batang babae na umiiyak habang lumilinga-linga sa paligid, mukhang nasa 7-8 years old na ito. Hindi ko na sana papansinin ang pag-iyak niya pero hindi kinaya ng konsensya ko at tinawag ito.
"Hello, bakit ka umiiyak?" tanong ko dito, napaka walang sense diba. Tumingin ito sa akin habang punong-puno ng la ang kanyang mga mata at pilit ito pinupunasan habang papalapit sakin. Nang makarating sa gawi ko ay pina-upo ko ito sa bench at pasimpleng nilapitan.
"Anong pangalan mo?" paunang tanong ko dito
"Chloe po" naiiyak na sabi nito at lumilinga-linga parin sa paligid.
"Nawawala ka ba?" tanong ko dito, kinuha ko naman yung bottled water na hindi ko pa nabubuksan kanina at tissue.
"O-opo, hindi ko po makita si Kuya." Humihikbing sagot nito, binuksan ko naman yung bottled water na hawak ko at inabot ito sa kanya pati na rin yung tissue.
"Uminom ka muna." Sabi ko dito at inalalayan na uminom, matapos iyon ay tinanong ko ulit ito "Paano ka ba nawala?"
"K-kasi po kasama ko si Kuya tapos bumibili lang siya ng pagkain naming, t-tapos may nakita akong malaking hello kitty." sabi nito at uminom ulit ng tubig, mukhang nauhaw kakaiyak itong bata.
"Tapos pinuntahan ko po iyon para mas tignan ng malapit kaso h-hindi ko na alam paano pabalik kay kuya, hanggang dumami na yung tao at nawala na ako." Pagpatuloy nito, hinaplos ko naman ng bahagya ang buhok nito.
"Alam mo ba yung number ng kuya mo? Pwede natin siya tawagan." Sabi ko dito at inilabas ang aking cellphone.
"H-hindi ko po alam yung number ni Kuya." Sabi naman nito.
"Sige ganito nalang, tutulungan kita hanapin yung kuya mo pero sa ngayon kumain ka muna." Sabi ko dito, sa tingin ko kasi ay hindi pa ito kumakain dahil nung nawala siya ay bumibili palang ng pagkain ang kuya niya. Buti nalang at marami akong na-order na pagkain kanina, kinuha ko ang paper bag at inilabas ang pagakain doon at binigay sa kanya.
"Salamat po." Sabi naman nito at nagsimula ng kumain. Pinagmasdan ko lamang ang bata at hindi maipagkakaila na maganda ito, may kaputian ang balat at bilog na bilog ang mga mata, yun nga lang ay may ka-payatan ito at medyo maputla. Nang matapos siya kumain ay itinapon ko saglit ang mga basura at inaya ito na maglakad-lakad na para hanapin ang kuya niya.
"Sabihin mo lang kung nakita mo na ang kuya mo ha." Sabi ko dito dahil hindi ko naman alam anong itsura ng kuya niya. Nakita ko naman siyang tumango sa sinabi ko habang nililibot ang paningin sa paligid.
Matagal din kami naglalakad-lakad at malapit na rin lumubog yung araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikita ang kuya niya. I-report ko nalang kaya sa police ito para mas mapadali ang paghahanap. Akmang sasabihin ko na sana kay Chloe na pumunta nalang kami sa police station ng bigla itong sumigaw.
"Kuya!" sigaw nito at humiwalay ng pagkakahawa sa akin. Agad ko naman ito sinundan.
"Chloe huwag kang tumakbo baka madapa ka!" sabi ko dito habang hinahabot ito. Huminto si Chloe at niyakap ang kuya niya, nagulat naman ako dahil ang kuya pala ng batang ito ay si James.
Binuhat niya si Chloe at mahigpit na yinakap habang haplos-haplos ang buhok nito, habang ako ay naestatwa sa kinatatayuan at nakatingin sa kanila, bakit ba lagi kaming nagkikita ng isang 'to?
Ibinaba niya si Chloe at tumingin sa akin,tinignan ko rin siya at makikita na gulo-gulo ang kanyang buhok at may lungkot ang kanyang mga mata; mukha na rin siyang pagod marahil sa kakahanap sa kanyang kapatid. Naglakad ito papalapit sa akin habang hawak ang kamay ng kapatid.
"Salamat sa pagtulong sa kapatid ko." Sabi nito at pilit na ngumiti.
"Okay lang, next time hawakan mo lagi kamay ng kapatid mo para hindi mawala." Sabi ko naman sakanya, hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at binaling ko ang atensyon ko kay Chloe para magpaalam.
"Chloe, kailangan ko na umalis, humawak ka lagi isa kuya mo para hindi ka na mawala ha" sabi ko dito at ngumiti.
"Opo ate, salamat po." Nakangiting sabi naman nito sakin. Bago ako umalis ay nagkatinginan kami saglit ng kuya nito at tuluyan na akong umalis.
NANG maka-uwi sa bahay ay agad naman akong naligo at sumalampak sa kama at kinuha ang aking ipad at nagbasa-basa ng mga emails. Sa tingin ko ay naka-isang oras rin akong nakababad sa internet ng makaramdam ako ng gutom pero ayoko namang magluto pa kaya naman napag-desisyonan ko na kumain nalang sa labas. Kinuha ko ang susi ng kotse at ako ay nagdrive sa pinakamalapit na fast food dito sa lugar, nang makahanap ay agad akong nagpark at pumasok sa loob nito at nag-order na ng pagkain. Dahil wala nang masyadong tao dito ay mabilis kong nakuha ang order ko at pumunta sa bakanteng table at agad na kinain ang pagkain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng mahagip ng mata ko ang dalawang tao na magkasamang pumasok sa loob, laking gulat ko ng mamukhaan ko ang isa dito; si James. Dumiretcho sila sa counter at siya ang nag-order ng kanilang pagkain, tinignan ko ang kasama nio at sa wari ko ay nasa 30 plus na ang edad nito. Agad naman akong napakunot ng noo dahil sa nakita, akala ko ay dumiretcho na siya kasama ng kapatid niya sa kanilang bahay pero mukhang may date pa ang isang ito. Dumating na ang kanilang order at si James ang kumuha ng mga ito, pasimple kong tinago ang aking mukha ng makita na papunta sila sa gawi ko, nang malagpasan nila ako ay pasimple akong tumingin sa aking likuran at doon ko sila nakitang umupo. Dahil naiirita ako sa hindi malamang dahilan ay agad kung inubos ang aking pagkain at pasimpleng umalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Caught In Your Romance (Completed)
RomanceA self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but her friends do. So they plotted a plan, to have their friend go to the club and get laid. James Coron...