CHAPTER 29

275 10 0
                                    

Megan's Pov:

"Huy bakit parang lantang gulay ka dyan?" Tanong ni Alleah sakin, nandito kami ngayon sa bahay ko.

"Oo nga, parang hindi iyan ang itsura ng inlove. Mukha kang nalanta akala ko ba eh everyday ang dilig mo." Saad naman ni Sophie.

Nakita ko namang siniko siya ni Alleah.

Nag-buntong hininga ako ngunit hindi pa rin ako nagsasalita.

"Ano na girl buong araw mo nalang ba kami papakainin ng hininga mo? Saan na ang chismis." Sabi ulit ni Sophie. Kung hindi lang siya 2 linggong buntis ngayon ay kanina ko pa siya nasabunutan.

"Ngayon ko lang kasi na-realize na wala pala kaming label ni James." Panimula ko.

"Ediba uso naman iyan ngayon?" Sabat ni Sophie, siniko ulit ni Alleah.

"Si James ba hindi in-oopen yung topic about dyan?" Tanong ni Alleah.

Umiling ako sabay sabing, "Hindi eh, nahihiya naman akong i-open, baka hindi pa siya ready."

Napatingin naman kami kay Sophie na tumawa, "Joke time ba kayo, mas nauna pa yung sex niyo kesa sa label tapos hindi pa ready"

"Kung hindi ka lang buntis kanina pa kita sinabunutan." Saad ko dito.

"Pero girl may point naman si buntis." Saad ni Alleah.

"Grabe naman yung term mo, buntis." Reklamo ni Sophie.

"Bakit, buntis ka naman talaga ha." Sabi ko.

"Wait nga!" Awat ni Alleah.

"Naiintindihan ko yung point mo Megan, pero you said i love you's to each other, devour the body of each other. Sa tingin ko you have the right to question kung anong status niyo." Pagpatuloy ni Alleah.

Napa-isip naman ako sa kanyang sinabi.

"Besides, nangyari na ito before diba? Pinangunahan mo yung sitwasyon and ikaw na yung nag-assume sa sasabihin niya before nung hindi ka pa umaamin. Maybe this time, turn the tables around." Saad ni Sophie

"Pero paano kung ayaw niya pa talaga ng label, paano kung pinakikisamahan niya lang ako?" Sabi ko

"You never know the answer unless you ask him yourself. Mahirap na mag-conclude ng kung ano-ano." Sabi naman ni Sophie.

"In conclusion, what we're saying is gather your courage to conftont him. From what we see naman mahal ka niya." Saad naman ni Alleah.

"Sige, babalitaan ko kayo kung anong mangyayari kapag nagka-usap na kami." Saad ko naman.

"That's our girl." Sabi ni Sophie.

Nagpatuloy ang aming pag-kkwentuhan hanggang sa maramdaman kung tumunog ang aking cellphone. Tinignan ko ito at nakita kong nag-message si James sakin.

James: Pwede ba ako pumunta sa bahay mo? May dadalhin akong biko at palabok na gawa ni mama.

"Ay sabihin mo punta na siya now na." Biglang sabi ni Sophie, gulat naman akong napatingin sa kanya dahil nasa gilid ko na siya habang si Alleah ay nasa gilid ko na rin at nagbabasa pa sa phone.

"Hoy!" Suway ko sa dalawa sabay layo ng phone ko.

"Hala ang sarap pa naman ng palabok at biko, gusto ko rin makatikim kaso kailangan namin kayong iwan for now para makapag-usap kayo." Saad ni Alleah at tumayo na.

"Tama, ngayon na ang chance mo para sabihin ang concerns mo sa kanya." Saad naman ni Sophie na ngayon nga ay kinuha na ang bag.

Tumayo naman ako para sana ihatid ang dalawa palabas pero pinigilan nila ako.

"Ops, kaya na namin ito, ang gawin mo ay pumunta ka ng banyo at maligo." Tila nang-aasar na sabi ni Alleah.

"Yup, para fresh kapag mag-aano, you know." Pang-aasar naman ni Sophie.

"Mga bwisit kayo." Natatawang sabi ko.

Tulad ng sinabi nila ay hindi ko na sila hinatid pa sa labas, bagkus ay dumiretcho ako sa aking closet at naghanap ng sexy na masusuot.

Nahanap ko ang hapit na hapit na bodycon dress na pambahay kaya kinuha ko ito, agad naman akong tumingin ng panty at bra at ang naka-agaw ng pansin ay ang red lingerie na manipis. Kaya naman agad ko itong dinala sa banyo at agad na naligo.

Isang oras ang nakalipas, nakarinig na ako ng katok sa aking pintuan. Nag-spray muna ako ng victoria secret na pabango bago tumungo sa pinto.

"Hi." Bati ko kay James.

Hindi agad siya nakapag-salita bagkus busy ang kanyang mga mata na gumala sa aking katawan.

"Pasok ka." Saad ko, doon naman siya nabalik sa reyalidad at ngumiti.

"Ang ganda mo ah." Sabi niya sabay halik sa aking labi.

Napangiti naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"Ito yung biko at palabok na gawa ni mama." Sabi niya sabay abot ng dalawang malaking tupper ware.

Kinuha ko ito at inilagay sa ref para hindi agad masira.

"Tell your Mom that I said thank you." Sabi ko naman.

"Sige makakarating." Tugon naman niya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at iginayak papunta sa sala at umupo kaming dalawa doon.

Binuhat niya ako paupo sa kanyang hita sabay niyakap.

"Nakikiliti ako." Sabi ko sa kanya dahil inaamoy niya ang aking leeg.

"Bango mo naman Miss." Nakangiting sabi niya bago ako dinampian ng marahang halik sa collar bone.

Ilang minuto may namuong katahimikan sa aming dalawa.

"May problema ba?" Tanong niya sakin.

Ilang segundo akong nanahimik bago sumagot, "May kailangan akong itanong sayo."

"Hmm? Ano yon?" Tanong niya, umayos ako ng upo at hinarap siya.

"Ano ba talagang status natin? Label ganon." Kunot-noong tanong ko.

"Girlfriend kita, boyfriend mo ako. Hindi ba ganon na naman tayo?" Saad niya.

Nabigla ako sa kanyang sinabi. Hindi ko inaasahan na ganito siya kadali kausap.

"Pero, hindi ka nanligaw." Sabi ko.

Ngumiti naman siya sabay sabing, "Alam kong gasgas na ang salita na kapag naging tayo araw-araw kitang liligawan. Pero ayon ang totoo, araw-araw ko sayo ipaparamdam na nanliligaw ako, pero akin ka na agad baka may umagaw pa sayo eh." Paliwanag niya.

Naoangiti ako sa kanyang sinabi, marahil nga ay hindi naman ganoon ka- big deal ang panliligaw sa isang relasyon. Lalo na at kung nararamdaman mo naman na para kayo sa isa't-isa.

"Hmm sige." Nakangiting sabi ko at yumakap sa kanya.

"Pero gusto kong ma-meet ang parents mo." Saad ko.

"Para naman pormal na makapag-pakilala ako." Dugtong ko.

"Sige gagawin natin iyan." Saad niya.

"You should meet my mom too." Sabi ko.

"Eh papa mo?" Tanong niya.

"Hiwalay sila, Dad cheated on mom. Pero in casual terms naman kami ni Dad so ipapakilala din kita don't worry." Tugon ko naman.

"Okay, kung kelan ka ready sabihan mo lang ako." Sabi niya.

Segundong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa habang magka-yakap ng biglang itaas ni James ang aking dress at lumuhod.

Alam na kung saan mapupunta ang araw na ito.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon