CHAPTER 9

254 11 0
                                    


Megan's Pov:

Birthday ngayon ni Sophie, at sa hindi malamang dahilan gusto niya mag-celebrate sa Temptation club. Wala akong ideya kung paano niya napapayag ang kanyang asawa na payagan siya pero mukhang magaling siya makipa-negotiate dito kaya heto ako at nag-aayos para mamaya.

Dahil weekends naman at importanteng araw ito para sa aking kaibigan ay pumayag na akong pumunta. Nang matapos mag-ayos ay chineck ko ang aking sarili sa salamin habang suot-suot ang nyde bodycon dress, hapit na hapit ito sa shape ng aking katawan.

Nang makadating sa temptation club ay agad akong sinalubong ng malakas na music, hudyat na marami ng tao sa loob  hindi naman ni-rentahan ni Sophie ang buong club kaya naman halo-halo ang mga tao dito. Agad ko naman nakita sila Sophie at Alleah kasama at sa tabi nito ang kanilang mga asawa.

"Megan! Buti dumating ka." Bati ni Sophie

"Oo naman, Happy birthday Sophie" bati ko sakanya pabalik.

"Hi Megan, it's nice meeting you again." Sabi ni Joseph, asawa ni Sophie

"Same here, masyado ng busy kaya minsan nalang magkita-kita." Sabi ko naman

"Tara na at mag-saya!" Sabi naman ni Alleah na halatang medyo tipsy na, nakita ko naman ang asawa nitong si Troy na inalalayan ang asawa habang pabulong nitong kinakausap.

Kumuha naman ako ng alak at isinalin ito sa baso at unti-unti itong ininom, ayoko namang masyadong malasing at walang maghahatid sa akin pauwi.

"Let's dance girls!" Sabi ni Sophie at hinatak kaming dalawa ni Alleah papunta sa dance floor, nakita ko namang sumunod ang kanilang mga asawa sa amin pero nakabantay lamang sila at hindi kami sinasabayan na sumayaw.

"Yung mga asawa niyo parang ang kj, bakit masyadong batay sarado sa inyo." Sabi ko sa kanila habang sumasayaw.

"Ang protective nila masyado sis, kaya kung ako sayo 'wag ka na mag-asawa!" Sigaw naman ni Sophie, halos hindi na kami magkarinigan dahil sa lakas ng music dito.

"Hoy pinagsasabi mo dyan! Diba kaya nga dito tayo nag-celebrate ng birthday ko kasi nandito si James!" Sigaw naman ni Alleah kay Sophie, napahinto naman ako sa pagsayaw at napakunot ng noo habang nakatingin sa dalawa.

Mukhang naramdaman nila ang titig ko at halos sabay pa silang dalawa na tumingin sa akin.

"Care to explain kung anong sinabi niyo?" Naka-taas na kilay na sabi ko.

"Uhm, kasi ano..." panimula ni Sophie pero dahil ang lakas ng sounds dito at tila nakalimutan niya paano magsalita ng malakas ay hinigit ko sila pa-upo sa aming upuan.

"I'm sorry Megan, we've tried to stop them pero hindi talaga sila paawat." Rinig kong sabi ni Joseph nung dumaan ako sa harap nila, tinaguan ko nalamang sila at naramdaman kong hindi sila sumunod sa upuan. Marahil, binibigyan kami ng space para mag-usap.

"Okay, mag-explain kayong dalawa." Sabi ko sa kanila.

Nagtinginan silang dalawa at tila nag-ssenyasan kung sinong mauunang mag-salita.

"Ano, kaya ko napili na dito mag-party eh dahil nandito si James." Sabi ni Alleah

"Nung nalaman namin na nasa company mo siya nag-ttrabaho, nabuhayan kami ng pag-asa na baka magka-developan kayo." Dugtong ni Alleah

"Pero, halos isang buwan na ang nakakalipas wala ka pa rin na-kkwento sa amin kung anong ganap niyo, kaya iyon naisip namin na kung magkita kayo ditong dalawa eh magkaroon ng spark?" Tila hindi siguradong sabi ni Sophie, halos masapok ko na ang dalawa dahil sa sinabi.

Napahilot ako sa sentido sabay sabing, "Ang relasyon lang na meron samin ni James ay work relationship, walang sosobra doon, kaya pwede ba itigil niyo na itong pagset-up niyo sakin."

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumabat si Sophie, "Huy, si James!" Halos pasigaw na sabi niya.

Kunot-noo namang tumingin ako sa direksyon na sinabi niya.

"Pero sino yung kasama niya?" Tanong ni Alleah

Nakita ko si James na nakatayo at tila nakasandal sa may bar counter, habang ang babaeng naka-upo sa harapan niya ay tila naka-yakap sa kanya.

"Omg, nalimutan ko nga pala na trabaho niya ang mag-escort ng mga guest dito." Saad ni Sophie

Laking gulat ko ng biglang hawakan ng babae ang mukha ni James at ilapit ito sa kanyang mukha, napapikit naman si James habang patuloy ang kanilang halikan. Napa-iwas naman ako ng tingin at umayos ng upo sa aming upuan, kinuha ko ang baso na may laman na alak at ininom ito. Naramdaman ko naman na nakatingin ang dalawa sa akin.

"Bakit?" Pasimpleng tanong ko sa kanila.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Sophie sakin

"Oo naman 'no, wala namang rason para hindi ako maging okay." Sabi ko sa kanila

"Eh kasi dahil kay James, nakita mo siyang nakikipag-chukchukan sa iba." Sabi naman ni Alleah

"Ano naman? Wala naman akong pake sa kanya at sa kung anong ginagawa niya sa buhay kaya 'wag niyo na akong ipagdikdikan sa kanya." Inis na sabi ko, hindi ko lang kasi maintindihan bakit nila ipinipilit sakin si James, eh wala naman akong pake sa kanya.

"Okay girl kung iyan ang sabi mo, sorry nga pala at dinala ka namin dito." Sabi ni Alleah

"Sorry din Megan, we will not push you to him again unless ano..." sabi ni sophie, sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa tila pang-aasar niya sa huli

"Okay lang, sorry I kind of ruined yoir birthday Alleah." Paghinigi ko ng tawad sa kanya.

"Ay ano ka ba girl, anong ruined ka dyan ang saya ko nga today!" Masiglang sabi naman ni Alleah.

Ilang minuto lang ay nag-continue na ulit ang birthday celebration ni Alleah at bumalik na rin ang kanilang mga asawa, pasimpleng humingi ng tawad sa akin ang dalawa pero paulit-ulit ko rin sinasabi na okay lang. Kalagitnaan ng kasiyahaan ay pumunta ako ng restroom, pagpasok ko doon ay nakita ko yung babaeng kahalikan ni James kanina, hindi ko talaga nakita ang mukha niya kanina dahil nakatalikod ito sa akin ng naghahalikan sila, pero nag-based ako sa suot niya kanina at eto nga kita ko na ngayon ang kanyang mukha.

Pumwesto ako sa katabing sink at naghugas ng kamay, pasimple ko naman itong tinitignan habang siya ay nag-rretouch ng make-up. Mukhang mas bata ito sa akin ng ilang taon at halatang banat na banat ang mukha.

Nagka-salubong naman ang aming paningin sa salamin pero agad din akong umiwas, inayos ko na ng mabilis ang sarili at nauna nang lumabas ngunit laking gulat ko ng makita si James na nag-hihintay sa gilid ng restroom habang nakasandal sa pader.

"Andito ka n--" sabi niya, ngunit naputol ang kanyang sinasabi ng makita ako.

Parehas kami na hindi maalis ang gulat na tingin sa isa't-isa, walang gusto magsalita sa aming dalawa.

"Hey, you waited for me? you're so sweet hun." Sabi naman ng babaeng lumabas sa restroom ngayon.

Agad nawala ang atensyon sakin ni James at napunta sa babaeng nakayakap sa kanya ngayon na tila linta.

Tumingin ulit sa akin si James at halatang magsasalita ng biglang sumabat ang babae.

"Let's go to our room na, we'll have fun there." Sabi nito, pasimple niya naman nginitian ang babae.

Tinignan ulit ako ni James saglit bago nag-patangay sa kasama niyang babae.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon