Megan's Pov:
Hinila ko ang aking kamay sa pagkakahawak ni James, dinala niya ako parking lot kung saan walang tao.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin at akmang hahawakan ako ng lumaya ako ng kaunti.
"Okay lang ako, bakit naman magiging hindi?" Mapait na sabi ko.
Tinignan ko siya sabay sabing, "Bumalik ka na sa loob."
Akmang papasok na ako sa loob ng kotse ng hawakan niya ako sa aking pulsuhan.
"Kung ano man yung mga sinabi ni Yvette sayo kanina hindi iyon totoo." Sabi niya.
Hinarap ko naman siya sabay sabing, "Totoo naman lahat ng sinabi niya. Lahat ng mga ginagawa mo ay trabaho lang. Baka nga rin totoo yung sinasabi niyang napipilitan ka lang pakisamahan ako." Mapakla kong sabi.
Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin at binuksan ko na ang pinto ng kotse.
"Hindi na pala natin kailangan magpanggap na may relasyon, pinangako na ni Clark na hindi na niya ako guguluhin." Panimula ko.
"Pero huwag kang mag-alala hindi ko i-tterminate ang contract natin, kaya hindi ka mawawalan ng trabaho." Pagpatuloy ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng kotse at nag-drive.
Ramdam ko ang namumuong luha sa aking mga mata na pilit ko inaalis. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa mga sinabi ni Yvette.
Dahil ba totoo lahat ng iyon?
Na talagang pinakikisamahan lang ako ni James dahil trabaho niya iyon?
Natawa naman ako sa naisip, eh ano naman kung pinakikisamahan niya lang ako, diba ganilon naman talaga sa lahat ng klase ng trabaho.
Ako pa nga ang may sabi na purely business lang ang lahat, pero mukhang makakain ko pa ata ang aking sinabi.
Nag-drive ako papunta sa bahay ni Sophie, pagkarating ko doon ay kumatok ako at saktong siya ang nagbukas ng pintuan.
Hindi na napigilan ng mga luha ko na kumawala.
"Huy anong nangyari sayo?" Natataranta na sabi ni Sophie.
Hindi ako sumagot bagkos ay mas naiyak pa ako.
"Halika nga sa kwarto omg ka." Saad niya at inalalayan niya ako papunta sa kwarto.
"Babe, what happen to her?" Rinig kong tanong ng asawa ni Sophie.
"I don't know also, tabi ka nga dyan." Sagot naman niya at umalis sa dinadaanan namin ang asawa nito.
Pina-upo niya ako sa kama at hinagisan ng tissue, kumuha naman ako at ipinunas ko sa aking mata.
Nagtataka naman ako sa kanya dahil bitbit niya ang kanyang ipad at isinaksak ang charger nito, pinwesto niya ang kanyang ipad sa harapan naming dalawa at nakita kong vindeo call niya si Alleah.
"Hehe, dapat updated siya sa balita kahit nasa ibang bansa siya ngayon." Sabi ni Sophie.
"Bakit ka umiiyak girl? Anong happenings?" Tanong ni Alleah.
"Parang alam ko na tungkol kanino ito, pero go ahead girl kwento mo na samin" sabi naman ni Sophie.
"Mukhang mahal ko na yata siya." Naiiyak na sabi ko sa dalawa.
Hindi ako nakarinig ng kahit anong reaksyon sa dalawa. Pero ilang minuto lang ay napuno na ng hiyawan ang buong kwarto, paputol-putol pa ang connection ni Alleah kaya putol-putol din ang naririnig naming sigaw niya.
"Finally! In love na ang kumare natin!" Sigaw ni Sophie habang ako ay niyuyugyog.
"Yes! Parang ang sarap tuloy mabuhay ngayong araw!" Rinig ko namang sabi ni Alleah.
"Hindi pa tapos ang kwento ko kaya huminahon kayo." Sabi ko sa dalawa.
"Hindi mutual ang feelings namin sa isa't-isa." Sabi ko
"Paanong hindi mutual? Eh halata naman sa isa na gusto ka rin niya." Sagot naman ni Alleah.
"Kung ano man yang iniisip niyo, walang katotohanan iyan. At tyaka 'wag niyo na ako paasahin." Sabi ko naman.
Umayos ng upo si Sophie sabay sabing, "Eh malay mo gusto ka rin niya, tapos nag-conclude ka lang diyan na hindi ka niya gusto."
"Yung mga ginawa niya ay parte ng trabaho, dahil may kontrata kaming pinirmahan diba. Malinaw na malinaw sa akin iyon." Sabi ko naman
"Malay mo nga hindi na niya pala ginagawa ang mga bagay na iyon kasi parte ng trabaho, malay mo naman kasi mahal ka rin niya." Saad naman ni Alleah.
Pasimpleng inirapan ko ang dalawa, "Alam niyo mas pinapaasa niyo lang ako eh. At tyaka sigurado akong hindi iyon papatol sa akin. Sa laki ng age gap namin pwede niya na akong maging tita." Saad ko naman
Tinampal naman ako ni Sophie sa balikat, "Hay nako, kung ano-ano na ang naiisip mo. Hindi naman halata na trenta ka na ang fresh mo pa nga tignan." Sabi niya.
"Edi paano yang nagkaroon ka na ng feelings sa kanya, itutuloy mo pa rin ba ang trabaho niya sayo? Hindi mo ba i-tterminate ang kontrata?" Tanong ni Alleah
"Same thought, kasi kung ayaw mo talagang ituloy ang feelings mo sa kanya, kailangan magkaroon kayo ng distansya para mabilis ka makamove-on." Saad naman ni Sophie.
"Pumasok din yan sa utak ko, lalo na at wala nang rason para ipagpatuloy ang trabaho niya sa akin dahil hindi na naman ako guguluhin ni Clark. Pero mawawalan siya ng income, at ayoko namang maging sanhi pa ng problema kaya sabi ko patuloy lang ang trabaho niya." Sabi ko naman
"Eh ano pang ttrabahuin niya eh hindi na kayo magpapanggap diba? Unless, the no strings attached activities ay--" pinutol ko ang sinasabi ni Sophie.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Hindi ko naisip ang parteng iyan, wala na nga siyang ttrabahuin pa unless...
"Syempre hindi na rin iyon tuloy, mag-mmove on na nga ako diba." Sabi ko naman.
"Talaga ba friend?" Pang-aasar ni Sophie
"Pero kung ako sa iyo Megan, huwag mo masyadong pangunahan si James. Tanungin mo siya kung ano ba talagang nararamdaman niya." Sabi ni Alleah.
"Mas okay na sa bibig niya na mismo manggaling kung gusto ka ba niyang tunay o trabaho lang." Dagdag ni Sophie.
May point sila, pero hindi ko kayang kausapin siya sa ngayon.
"Sige kakausapin ko siya pero hindi ko pa kayang gawin ngayon. Masyadong naguguluhan pa ako sa sitwasyon at sa nararamdaman ko." Sabi ko naman.
"Kasalanan kasi ito ni Yvette eh." Biglang sabi ko.
"Ha? Bakit anong meron kay Yvette?" Tanong nila.
At ikinuwento ko na nga ang pag-tatalo namin ni Yvette kanina at halos gusto raw nila sugudin iyon ngayon tanggalan ng buhok.
BINABASA MO ANG
Caught In Your Romance (Completed)
RomanceA self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but her friends do. So they plotted a plan, to have their friend go to the club and get laid. James Coron...