CHAPTER 12

256 9 1
                                    

Megan's Pov:

Hinihilot ko ang aking sentido matapos gawin ng ilang oras ang aking trabaho, nag-hahabol kasi ako ng deadlines na dapat ipasa dahil nitong mga nakaraang araw ay na-distract ako at hindi maayos nakapag-trabaho.

Tatayo na sana ako para pumunta sa cafeteria para kumain ng may biglang kumatok sa aking pintuan at pumasok ang aking secretary.

"Ma'am, you have a visitor." Saad niya, kumunot naman ang aking noo dahil wala naman akong ine-expect na bisita o business clients.

"Sino raw siya?" Tanong ko

"He's Mr. Clark Montes and he's outside waiting." Sabi niya

"Anong ginagawa niya dito? Sa pagkakaalam ko ay wala ka namang nabanggit na may meeting tayo with him today."

"That's right Ma'am, we don't have any scheduled meeting with him today. That's why I'm also wondering bakit nandito siya ngayon." Sabi naman niya

"Sige ako na ang bahala kumausap sa kanya, you can go back to work. Thank you." Sabi ko at nauna na siyang umalis.

Ilang segundo lang ay lumabas na rin ako at nakita ko siyang naka-upo sa may upuan, lumapit ako dito at nung makita niya ako ay agad itong tumayo at ngumiti.

"Hello." Nakangiting bati niya sabay ngiti.

"Hi, uhm may meeting ba tayo na nakaligtaan ko?" Tanong ko dito, kahit na naitanong ko na sa sekretarya ko kanina at confirm na wala kaming any meetings.

"Actually no, but i just went here para sana ayain ka mag-lunch." Sabi niya, agad namang kumunot ang aking noo sa sinabi niya pero agad ko rin itong pinawi.

"Ha? Bakit?" Tanong ko sa kanya

"I just want to know you, outside the business world atleast. You seem an interesting woman." Saad niya

"But if you don't want to, it's fin--" sunod na sabi niya pero agad ko naman siyang pinigilan.

"Sige sabay tayo mag-lunch pero pwede bang dito na lang sa cafeteria tayo kumain? Kailangan ko kasi agad bumalik mamaya sa office at marami akong dapat gawin." Sabi ko naman, nakita kong tila nagliwanag ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi.

"Yes sure, of course." Naka-ngiting sabi niya.

"So uhm, tara sa elevator punta na tayo sa cafeteria." Sabi ko naman at agad na iginayak siya sa daan.

Sumakay na kami sa loob ng elevator at ilang segundo lang ay nakarating na kami doon, wala nang masyadong tao dahil kanina pa tapos ang lunch.

Naghanap kami ng mauupuan at akmang tatayo na sana ako para mag-order ng pigilan niya ako.

"Ako na mag-oorder para sa atin, what do you want to eat?"

Iginala ko naman ang aking nga mata sa menu board na nasa itaas at naghanap ng pwedeng kainin.

"Yung fried tempura nalang sa akin." Sabi ko sa kanya

"Got it, i'll be back." Nakangiting sabi niya at umalis na para mag-order.

Habang nag-hihintay ay iginala ko muna ang aking mata sa cafeteria at laking gulat ko ng magsalubong ang mga mata namin ni James, na ngayon nga ay may hawak na mop.

Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at nag-simula ng lampasuhin ang sahig, nawala naman ang aking atensyon kay James ng dumating si Clark sa aking harapan at inilapag ang tray na may lamang pagkain.

"Thank you Clark." Saad ko sa kanya.

"Welcome, it's nice." Sabi niya, agad naman umangat ang tingin ko sa kanya

"Ha?"

"I said it's nice that you're calling me by my name." Nakangiting sabi naman niya, nginitian ko lamang siya at agad na nag-simulang kumain dahil sa gutom.

"Thank you for letting me have lunch with you Meg." Sabi ni Clark

Napakunot naman ang aking noo sa huli niyang sinabi, "Meg? Ano iyan may nickname na ako?" Pang-aasar na sabi ko

"Yup, because we're friends? I guess?" Saad ni Clark

Kahit na medyo unsure pa ako sa biglaang pakikipag-kaibigan niya sa akin ay nag-go with the flow nalang ako, "Ano ka ba, starting now friends na tayo, but in business set-up we're proffessionals."

"Right, but it's fun hanging out with you. Maybe, we should try this again next time." Sabi ni Clark, sasagot na sana ako ng makarinig ako ng malakas na kalampag sa bandang likuran ko.

Agad kong tinignan kung ano ito at nagulat ako ng makita na si James ito, habang ang mop niya ay nasa sahig at hawak ang basahan sa kanyang kamay.

"Sorry Ma'am, madulas yung mop." Saad naman niya habang nakatingin sa akin.

"Okay lang, ingat nalang next time." Sabi ko naman dito, tinignan ko naman siya habang kinuha niya ang kanyang mop at inilagay ito sa kanyang cart.

"James is that you?" Biglang saad ni Clark, kaya naman dalawa kaming napatingin sa kanya.

"Ako nga." Matatas na sabi ni James

"I knew it! You look familiar kanina pa, you're Yvette's boyfriend right?" Tanong niya

Nagtama ang paningin namin ni James ngunit ako ang unang umiwas.

"Hindi, escort niya lang ako." Sabi naman niya

"Oh, i see. Iba kasi ang sinasabi ni Yvette, anyways kay Meg ka pala nag-ttrabaho."

"Oo, halata naman diba." Kunot noong sabi ni James, tinignan ko naman ito dahil tila iba ang tono ng kanyang pananalita pero agad naman siyang nag-iwas ng tingin. Nakita ko namang tila kumunot ang noo ni Clark dahil sa sagot ni James.

"Uhm, Clark let's go, kailangan ko ng bumalik sa office." Sabi ko para mabaling ang namumuong tensyon sa dalawa.

"Sure." Saad ni Clark at agad ko na siyang isinama paalis. Hindi ko na nagawang tignan pa si James dahil sa pag-mamadali.

NAKA-ALIS na si Clark, at laking pasasalamat ko na hindi na niya naisipang tumabay sa office ko, marahil siguro ay nawala na ito sa mood dahil sa ginawa ni James kanina. Ipinatawag ko si James sa aking sekretarya upang kausapin dahil sa kanyang ginawangbasal kanina.

Ilang minuto lang ay narinig kong may kumatok sa aking pintuan at agad itong nagbukas.

"Let's talk." Sabi ko kay James, umupo naman ito sa upuan sa harap ng aking table.

"Anong dahilan ng attitude mo kanina sa cafeteria?" Tanong ko sa kanya

"Sa pagkakatanda ko Ma'am, wala akong ginawang mali kanina." Saad naman nito

Napahilot ako sa aking sentido dahil sa kanyang sinabi.

"Tandaan mong mabuti, yung way ng pag-sasagot mo kay Clark kanina."

"Sinagot ko lang naman yung tanong niya kanina." Sagot niya habang nakatingin sa akin.

"Look, I know na bata ka pa at may mga taong kaiinisan ka ng walang dahilan, but please try to control it while you're working." Medyo naiinis na sabi ko

"Huwag niyo akong tratuhin na parang bata Ma'am, dahil aware ako sa mga ginagawa ko." Saad naman niya

"Kung aware ka naman pala eh bakit hindi mo maamin na iba ang tono ng boses mo kanina kay Clark, medyo bastos ang pag-kakasagot mo."

"Kasi gago siya." Sagot niya

"Ano?" Kunot-noong tanong ko dito dahil hindi ko maintindihan ang kanyang pinapahiwatig.

"Iba ang kutob ko sa isang iyon, parang may ibang balak. Parang isang gago." Sabi niya hababg nakatingin sa aking nga mata, tila seryoso siya sa kanyang sinasabi.

Nag-iwas ako ng tingin sabay sabing, "Guni-guni mo lang iyon, you may leave."

Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin at inilagay ko ang atensyon sa computer, ilang segundo lamang ay naramdaman kong tumayo na siya at umalis, napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga nangyari.


Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon