CHAPTER 25

269 9 0
                                    

James's Pov:

Pumasok ako ng trabaho na lantang gulay, hanggang ngayon kasi ay nag-aalala ako para kay Megan. Simula kasi nung huli naming pagkikita sa parking lot ay hindi ko na ulit siya nakita o naka-usap man lang.

Tulad ng dating gawi ay pumasok ako sa staff room at kinuha ang cart na may dalang mga panlinis. Kinuha ko ito at sumakay ako sa elevator para pumunta sa 3rd floor kung saan ang toka ko ngayon.

Nagsimula na akong maglinis maglampaso ng sahig ng marinig ko ang mga boses sa aking likuran.

"Good morning Ma'am."

"Good Morning po."

"Have a great day ahead Ma'am."

Ilan sa mga bati na narinig ko, hudyat na dumating na si Ma'am Megan. Agad akong lumimgon para tignan siya, nagtama ang aming paningin at pasimple ko siyang nginitian pero tila wala siyang nakita at pumasok diretcho sa kanyang office.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa nangyari. Mukhang galit pa rin siya sa akin ngayon.

Pinagpatuloy ko pa ang paglilinis hanggang mapunta ako sa stock room, ito kasi ang sunod na lilinisin ko. Sinimulan ko munang walisin ang bawat sulok ng sahig at pinunanasan ang mga alikabok sa mga lalagyanan.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng biglang may pumasok, naglakad ako papunta sa pintuan para tignan kung sino at napangiti ako ng makita si Megan.

Lumapit ako sa kanya pero hindi ako nagsalita. Hindi niya ako tinignan pero alam kong napansin niya ang presensya ko dahil bahagya siyang nagulat.

"Anong kukunin mo?" Tanong ko sa kanya, pero hindi niya ako sinagot at naglakad palayo.

Sinundan ko naman siya, "Bond paper ba kailangan mo?" Tanong ko pero tulad kanina ay hindi pa rin niya ako kinakausap.

Bahagya siyang yumuko para tignan ang mga container sa ibaba, bahagyang umupo naman ako at sinundan kung saan nakatingin ang kanyang mga mata.

"Puro hardware supply lang ang nandito. May kailangan ka bang ayusin sa office mo?" Tanong ko sa kanya, tinignan niya naman ako ng masama at naglakad ulit papalayo sa akin.

"Galit ka ba sakin?" Tanong ko ulit, dahil mukhang wala nanaman siyang balak lingunin ako ay ibinuwelo ko ang aking ulo palapit sa kanya para makita niya ako.

Effective naman dahil naagaw ko ang atensyon niya, yun nga lang ay masama ang tingin niya sa akin ngayon.

"Can you please stop bothering me and do your job." Mataray na sagot niya.

"Tapos ko na linisin itong kwarto." Sabi ko kahit na hindi pa ako nangangalahati sa paglilinis.

"Edi pumunta ka sa ibang lugar at doon maglinis." Sagot naman niya, patuloy pa rin siya sa paghahanap ng kung anong hinahanap niya.

"Ano ba kasing hinahanap mo para matulungan na kita." Sabi ko, pero wala akong nakuhang sagot.

"Hello, kausapin mo ako." Sabi ko pa, pero dedma pa rin ako sa kanya.

"Ma'am?" Tawag ko pa, nakita ko naman siyang napahinto saglit at mas kumunot ang noo.

Mukhang alam ko na kung paano siya mapapagsalita.

"Ma'am, tulungan na kita maghanap."

"Ma'am?"

"Ma'am baka abutin ka ng taon sa paghahanap kung hindi mo sasabihin sa akin anong kailangan mo hanapin."

Sunod-sunod na sabi ko, agad naman siyang humarap sa akin at halatang naiinis.

"Puro ka Ma'am Ma'am dyan, nakakairita ka." Sabi niya at umalis ng stock room.

Mulhang nasobrahan ako sa pagtawag ng Ma'am sa kanya. Pansin ko kasing tila naiinis siya kapag tinatawag ko siyang Ma'am. Tuwing nag-ssex kami at natatawag ko siya non ay nawawala siya sa mood. Kaya napagtanto ko na minsan ay ayaw niyang matawag ko siya ng ganon.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ng kwarto hanggang matapos ako para mananghalian.  Pumunta ako sa cafeteria at nag-order ng makakain ng bigla akong tabihan ni Kate.

"Hello James." Nakangiting bati niya.

Nginitian ko lang ito at tinaasan ng dalawang kilay, dahil wala ako sa mood para makipag-usap sa kanya lalo na at iniisip ko kung paano makikipag-bati kay Megan.

"Free ka ba sa Saturday?" Tanong niya ulit.

"Wala akong trabaho non." Sagot ko

"Buti naman! Kung pwede sana aayain kitang kumain sa labas." Sabi niya.

"Sorry pero may gagawin na pala ako non, si Jerome nalang ayain mo." Sabi ko.

"Ayoko kay Jerome, gusto kita kasama." Sagot naman niya at sumiksik pa palapit sa akin.

Magsasalita na sana ako ng makita ko si Megan sa cafeteria, agad na nagtama ang paningin namin at dumako ang tingin niya kay Kate na sobrang nakadikit sakin.

Agad naman akong lumayo dito, ng tignan ko ulit kung nasaan na si Megan ay nasa counter na ito at nag-oorder. Gusto ko sana siyang lapitan pero masyadong maraming emoleyado ngayon, baka mas magalit sa akin si Megan kapag nilapitan ko siya ngayon.

Napahawak naman ako sa aking sentido dahil sa nangyari.

"Anong nangyari sayo? May sakit ka ba?" Tanong ni Kate at inilagay ang palad sa aking noo na siyang ikinabigla ko, agad akong lumayo sa kanya.

Tinignan ko ang paligid at nakita ko si Megan na masama ulit ang tingin habang may hawak na kape. Sumakay na siya sa elevator at tuluyang nawala na sa paningin ko.

"Anong problema? Bakit parang natataranta ka?" Tanong ni Kate.

"Sorry si Jerome nalang ayain mo, hindi ako pwede habang buhay." Sabi ko at kinuha ang aking plato para ligpitin.

Andito ako ngayon sa harap ng office ni Megan, nag-dadalawang isip kung kakatok ba o hindi. Hindi ko alam pero may parte sa akin na gustong magpaliwanag sa nakita niya kanina.

Sa huli ay napagdesisyonan ko ng kumatok, "Bahala na." Sabi ko sa sarili.

Akmang kakatok na ako ng biglang bumukas ang pintuan.

"What are you doing here?" Tanong ni Megan

Napalunok naman ako ng bahagya, "Gusto kong mag-explain sa nakita mo kanina sa cafeteria." Sabi ko.

"Wala akong nakita sa cafeteria." Sabi niya bago ako nilampasan.

"Nagkatinginan tayo kanina, 'wag kang magpanggap na wala kang nakita." Sabi ko naman habang sinundan siya ng lakad.

Pumasok siya sa stock room at kumuha ng bond paper.

"At ano naman? Wala naman akong pake sa inyo." Sabi niya at lumabas na habang bitbit ang kaha ng bondpaper.

Muntik niya pa ito mabitawan dahil sa bigat kaya naman kinuha ko ito mula sa kanya, "Kaya ko na." Inis na sabi niya.

"Kaya ko rin." Sagot ko naman.

"Kinausap lang ako ni Kate, nagtatanong kung free ba raw ako sa Saturday." Panimula ko, nakapasok na kami sa office niya.

"Sabi ko hindi ako free at si Jerome nalang ang ayain niya." Sabi ko at inilapag ko ang kaha ng bond paper sa may printer niya.

Tinignan ko naman siya na ngayon ay naka-upo at ang atensyon ay nasa screen ng computer, "At yung paglapit niya kanina sakin, nabigla ako don pero lumayo naman agad ako, nakita mo yon diba." Pagpatuloy ko.

Naghintay ako ng ilang segundo para sa sagot niya pero dahil mukhang wala siyang balak magsalita ay naglakad na ako palabas ng office niya.

"You don't need to bother yourself to explain kasi wala naman akong pake sa personal life mo." Sabi niya.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay umalis na ako sa loob, halatang galit siya at walang matutunguhan ang pag-uusap namin kung hindi pa siya kalmado.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon