Megan's Pov:Gusto ko sabunutan ang aking sarili ngayon, sa dami ng pwedeng idahilan ay talagang pumasok pa sa utak ko na hilahin si James at sabihing boyfriend ko siya. Imbis na lumiit ang problema ko ay tila lumaki pa.
Pero wala na akong magagawa, nasabi ko na kay Clark na boyfriend ko si James, siguro ay mabuti na rin iyon para tantanan na niya ako.
Kung ito ang gagamitin kung dahilan para hindi na ako kulitin ni Clark ay kailangan ko itong magampanan ng ayos. Kaya naman ipinatawag ko sa aking sekretarya si James para papuntahin ngayon din dito.
Ilang minuto ang aking hinintay bago ako makarinig ng katok sa aking pintuan. Nabuksan ang pintuan at inilabas nito si James.
"Seat, we need to talk." Sabi ko sa kanya na siyang sinunod niya.
"Tungkol saan Ma'am?" Tanong niya sa akin, nag-buntong hininga ako bago ulit magsalita.
"Ngayong ang alam ni Clark ay boyfriend kita, dapat na natin iyong panindigan kahit sa panandaliang panahon." Seryoso ko siyang tinignan bago ulit nag-salita.
"Terminate your contract with Yvette." Sabi ko sa kanya
Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat, marahil nagtataka kung paano ko nalaman na may kontratang namamagitan sa kanya at kay Yvette.
"Paano ko nalaman?" Tanong ko sa kanya, tumango ito bilang tugon.
"Basta, hindi iyon importante." Pag-iiba ko ng topic, dahil nahihiya akong sabihin na nalaman ko na nag-ttrabaho siya kay Yvette dahil sa pag-silip ko sa kanyang phone tuwing kausap niya ito, idagdag pa ang pag-uusap nila na nagbigay sakin ng hint na totoo ang aking hinala.
"Back to the topic, I want you to stop working with Yvette, instead I want you to work with me." Sabi ko naman
Naka-kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin, "Alam mo ba kung anong trabaho ang ginagawa ko kay Ma'am Yvette?" Tanong niya
Nag-iwas ako ng tingin, "I think I have a hint of what you're doing." Sabi ko, tila may bara sa aking lalamunan habang sinasabi iyon.
Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya bahagyang nakatingin lamang siya sa akin, tila nababahala.
"You're job is not illegal, I knew it because I've been there in the same club." Sabi ko sa kanya
"Kung naaalala mo, ako yung babaeng sinet-up ng mga kaibigan to get laid with someone. Technically, that someone is you." Pagpatuloy ko
"Akala ko habang buhay mo na kakalimutan yung una nating pagkikita." Sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya, may bakas ng ngiti ang kanyang mga labi.
"Anong ningingiti mo dyan?"
"Wala, ang cute mo lang." Sabi niya, tila nag-init ata ang aking tenga dahil sa kanyang sinabi, hindi ko alam kung anong mararamdaman dahil tinawag lang naman akong 'cute' ng isang lalaking mas bata sa akin.
Inirapan ko siya bilang tugon at narinig ko ang mahina niyang tawa.
"All rounder ang trabaho ko kay Ma'am Yvette. Minsan escort, chaperone at sex worker." Sabi niya, tila napaiwas ako ng tingin sa kanyang huling sinabi.
"I don't care, ang kailangan kong gawin mo ngayon ay i-terminate ang kontrata. Para hindi maghinala si Clark sa atin ay kailangan mong putulin ang koneksyon mo kay Yvette." Sabi ko sa kanya
"Hindi ganon kadali ang pinapagawa mo Ma'am."
"Trabaho ang ginagawa ko kay Ma'am Yvette, may pamilya akong sinusoportahan at hindi ko kaya na mawalan ng income. Bukod pa don, hindi basta-basta ma-tterminate ang contract, may malaking babayaran para mapasawalang-bisa ito." Dugtong niya
"Hindi ka mawawalan ng trabaho dahil i-hhire kita legally sa temptation club. Don't worry about the termination process ako na ang bahala doon." Sabi ko sa kanya
"So are you in or what?" Tanong ko sa kanya
"Payag ako Ma'am." Sabi naman niya at tumango.
"Get-up, pupunta tayo ngayon sa club para ayusin ang lahat." Sabi ko sa kanya at tumayo na. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.
Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa aking kotse, dahil naka-save pa sa gps ko ang address ng club ay madali nalang kami naka-punta doon.
TEMPTATION CLUB, basa ko sa aking isip ang malaking signage sa building. Pumasok kaming dalawa doon at agad akong nagpunta sa front desk para tanungin kung saan ang kanilang office. Iginayak kami ng staff papunta doon at may babaeng kumausap sa amin.
"I want to know what are the process of terminating his contract, also I will gire him for myself." Saad ko dito
"This way Ma'am." Sabi naman nito at pina-upo kami sa upuan.
"What's the workers name po?" Tanong nito, nag-tinginan kami ni James bago siya magsalita.
"James Coronell." Saad niya, nagtipa ito sa kanyang computer saglit sabay may inilabas na mga papeles at inilagay sa aming table.
"From what I see your current employer is Ms. Yvette. I just want to notice you that you have to pay five hundred thousand fpr the termination fee since it looks like both parties did not agree on terminating the contract." Saad nito
Hindi ko na hinintay na sumagot si James, "Yes, we do understand." Saad ko.
"And, a new employer wants to hire you Mr. Coronell. It's Ms. Montefalco right?"
"Right." Sagot ko
"Okay, here's the termination contract first, please fill it up Sir." Saad nito at ibinigay ang papel kay James.
Agad naman niya itong sinulatan at ng matapos ay ibinigay niya ito pabalik.
"You need to pay the fee now before we can approve this po." Saad naman niya.
"What's the bank account number? I'll wire the money."
May binigay itong bank acvount number sa akin at nagtipa ako sa aking phone para ma-itransfer ang pera, matapos i-check ng staff ay agad niya namang nilabas ang panibagong contract.
"This is the new set of contract, for the employer Ms. Montefalco." Sabi niya sunod ay ibinigay sa akin ang papel.
"And the employee, Mr. Coronell." Sunod nitong sabi at ibinigay ang contract kay James.
Matapos basahin ay pinirmahan namin ito, nagbayad na rin ako ng nag-kakahalagang five million pesos para sa paunang bayad.
Nang maisa-ayos ang lahat ay sabay kaming umalis sa establismo. Ngunit bago kami sumakay sa kotse ay kinausap ko si James.
"I know that part of your job is to have a sexual activity with your employer, pero gusto ko malaman mo na hindi iyon ang habol ko at hindi natin kailangan gawin ang mga iyon. I just hired you to have a pretend relationship para hindi maghinala si Clark, at para hindi na niya ako kulitin." Sabi ko bago naunang pumasok sa kotse.
BINABASA MO ANG
Caught In Your Romance (Completed)
RomanceA self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but her friends do. So they plotted a plan, to have their friend go to the club and get laid. James Coron...