CHAPTER 18

224 7 0
                                    

Megan's Pov:

"Ma'am? Sasabay po ba kayo sa mga employee papunta sa Salas Place or hindi na po." Tanong sa akin ng aking sekretarya.

"Nope, ako nalang pupunta doon make sure that all our employees are accomodated properly." Sabi ko sa kanya.

"Okay Ma'am, take care po." Saad naman niya.

Matapos ko mag-paalam ay pinatay ko na ang tawag at inayos ang aking maleta. Ngayon kasi gaganapin ang team get-away namin, at napagdesisyonan kong maya-maya na pumunta dahil ngayon pa lamang ako nag-iimpake ng mga gamit.

Matapos ko masigurado na nailagay ko na ang aking mga kailangan sa maliit na maleta ay agad na akong pumunta sa aking kotse para mag-drive. Medyo malayo-layo rin ang Salas Place, kaya tila pinagsisisihan ko na hindi ako sumabay, edi sana pwede akong matulog habang nasa byahe.

Ilang oras ang nakalipas at tanaw ko na ang malaking signage ng lugar, pumasok ako doon at agad ko namang nakita ang bus at van na mula sa aking kumpanya. Matapos ko mag-park ay natanaw ko ang aking sekretarya at akmang lalapit na ako sa kanya ng magtama ang paningin namin ni James.

Tipid ko naman siyang ngitian, gayon din siya sakin. Simula kasi nung nangyari sa office ay hindi na kami nagka-usap pa, wala rin namang dahilan dahil wala namang pangyayari na kailangan naming magpanggap.

Nilagpasan ko siya at dumiretcho ako sa aking sekretarya.

"I'm glad you're safe Ma'am." Sabi niya sakin.

"Thanks, na-distribute na ba ang rooms ng bawat-isa?" Tanong ko sa kanya.

"Yes Ma'am, they each have their own individiual rooms. And here is your key in your room." Sabi niya sabay abot sa akin ng susi.

"Thank you, mauuna na muna ako at napagod ako sa byahe." Sabi ko naman at nauna na, nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng aking kwarto ng marinig king may tumawag sa akin.

"Meg!" Napatingin ako sa aking bandang likuran.

Laking gulat ko ng makita si Clark.

"Anong ginagawa mo dito?" Nag-tatakang tanong ko sa kanya.

"I'm with my friends, I didn't know that you're here too." Saad niya

"Dito gaganapin yung team get-away namin." Malamig kong sabi.

Tila naramdaman naman niya ang tono ng pakikipag-usap ko sa kanya, "Look Meg, I'm sorry for what I did before, I shouldn't done that." Pag-papaumanhin niya.

"Sana talaga hindi na maulit Clark, ayoko na rin maapektuhan pati ang trabaho natin." Sabi ko naman sa kanya.

"I'm really sorry, so is your boyfriend here too?" Tanong naman niya at luminga-linga pa.

"Ah oo, nandito rin siya." Kinakabahang sagot ko naman.

"Oh i see. Meg, if it'd okay with you can we talk later? Maybe have some closure?" Sabi ni Clark

Pilit kong itinago ang pagtataka sa aking mukha dahil sa kanyang sinabi, closure para saan?

Dahil business partners pa rin naman kami at may pinagsamahan kahit papaano ay pumayag na ako. "Sige sige, you still know my number right? Text mo nalang sakin kung saan tayo mag-kikita." Sabi ko naman.

"Uhm I gotta go, papahinga lang." Sabi ko sa kanya.

"Sure sure." Sagot naman niya, tinalikuran ko na siya at naglakad na papunta sa aking kwarto para magpahinga, hindi pa nagsisimula ang araw pero parang pagod na ako.

NAGSIMULA ang team get-away event ngayong hapon, tinignan ko ang tour guide sa unahan habang ito ay nag-sasalita.

"So dahil nandito tayo sa Salas Place, na talaga namang maganda at maraming pag-gagalaan. Bibigyan namin kayo ng mga travel  brochure para malaman niyo ang mga places na pwede niyong puntahan." Sabi ng tour guide

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon