CHAPTER 19

235 8 0
                                    

Megan's Pov:

Lubog na ang araw ng makarating kami sa resort, natuyuan na rin ng damit si James sa paglalakad namin.

May mangilan-ngilang tao sa labas pero karamihan ay marahil nasa kanilang kwarto at nagpapahinga.

"Mauuna na ako, thank you pala ulit sa pagkuha sa phone ko." Sabi ko sa kanya.

"No worries." Tugon naman niya

"Mauuna na ako at uhm magpalit ka na rin." Sabi ko bago tuluyang umalis.

Nang makapasok sa aking kwarto ay agad akong dumiretcho sa restroom para maligo, ng matapos ay saglit kong pinatuyo ang aking buhok gamit ang hair dryer at humiga ako sa kama, dahil sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa sunod-sunod na katok na nagmumula sa aking pintuan, tinignan ko ang orasan at halos tatlong oras na pala ako nakatulog. Tumayo ako para pagbuksan kung sino man ito.

"Ma'am, I'm sorry to disturb you pero pinapaalala ko lang po na kumain na kayo dahil malapit na magsara ang cafeteria." Sabi niya

"Ay oo nga pala, masyadong napasarap ang tulog ko eh." Sabi ko naman

"Nakakain na ba sila? Dapat pinauna mo na." Tanong ko sa kanya

"Yes Ma'am, nauna na silang kumain kanina pa."

"Buti naman, thank you ha lalabas na rin ako maya-maya para kumain."

"Welcome Ma'am, eat well." Huling sabi niya bago umalis.

Dahil nakaramdam na rin ako ng gutom ay mabilis akong nag-ayos para lumabas at pumunta sa cafeteria, pero bago iyon ay mabilisan ko ulit tinignan ang aking phone, pinatuyo ko ito bago matulog pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbubukas.

Iniwan ko ito sa aking table at tuluyan ng umalis. Pagdating ko doon ay halos wala ng tao, late na rin kasi malamang ay nagpapahinga na sila.

May isa pang food booth na bukas kaya namana gad-agad akong pumunta doon at nag-order ng kanin at adobong manok. Nang matanggap ko na ang pagkain ay agad akong naghanap ng table at doon ay nagsimula ng kumain, pinagmamasdan ko ang paligid habang nakain.

Ang tahimik, ang payapa. Masarap siguro mamuhay sa ganitong lugar.

Ilang minuto lang ay natapos na ako sa pagkain, agad ko namang niligpit ito at tyaka umalis para maglakad-lakad. Medyo napapalayo na ako ng biglang may humabol sa akin.

"Wait Ma'am!" Sigaw ni James na ngayon nga ay nasa harapan ko na.

Kumunot ang aking noo dahil nandito nanaman siya, "May lahi ka bang kabute? Kanina ka pa pasulpot-sulpot sa harap ko ha."

Bahagya naman siyang natawa, "Hindi ko nga rin alam bakit laging ikaw nakikita ko. Lagi rin kita nasasaktuhan na mag-isang naglalakad sa kung saan." Sabi naman niya.

"Bakit? Bawal ba na maglakad ako ng mag-isa malaki na ako 'no." Sagot ko naman sa kanya, nagpatuloy ulit ako sa pag-lalakad at naramdaman kong sumunod naman siya.

"Pwede naman, pero sabi ng tour guide kanina huwag gumala mag-isa lalo na at masyadong magubat ang area dito."

"Hindi naman ako mawawala, kaya ko sarili ko 'no." Nag-yayabang na sabi ko.

"Ay!" Gulat na sabi ko dahil may dumapo sa aking insekto, ayoko pa naman sa lahat ang madapuan nito.

Napa-atras ako ng lakad para paalisin ito pero naramdaman ko na pumwesto sa harapan ko si James at ibinugaw ang insekto.

"Kaya kailangan mo ng kasama, dahil sa mga ganitong pangyayari." Sabi ni James matapos niya mabugaw ang insekto.

"Ang dami mong alam." Sabi ko nalang dito at nauna nang mag-lakad.

"Saan ba ang punta mo?" Tanong niya sa akin.

"Sa ano, white beach siguro." Sabi ko, kahit na hindi ko naman talaga alam kung paano pumunta doon.

"Alam mo ba ang daan papunta don?" Tanong niya sa akin, napahinto ako at tumingin sa kanya bago umiling.

Nakita ko namang ngumiti siya sabay sabing, "Dito yung daan."

Hindi tulad ng daan papunta sa waterfalls kanina, mas patag at hindi madulas naman ang daan dito. Na siyang pinagpapasalamat ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa white beach, dahil gabi ay hindi ko tuluyan na makita ang kabuuhan nito pero dahil sa ilaw ng buwan at mumunting ilaw galing sa lamp post ay sapat na ito para mapagtansya na maganda ang lugar.

"Wow, ngayon nalang ulit ako nakapunta dito." Sabi ko naman

"May kubo dito, punta tayo don para umupo." Swestyon ni James, tinignan ko kung saan ang tinuturo niya at may maliit na kubo nga na natatakpan ng puno at halaman.

Sabay kaming pumunta doon at umupo habang ang mga mata ay nakatingin sa dagat.

"Pwede bang magtanong?" Sabi ni James

"Nagtatanong ka na." Sagot ko naman, mahina siyang tumawa kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ano ba iyang tanong mo?" Tanong ko

"Gusto mo ba talagang iwan lahat ng ala-ala natin sa club noon, kaya umakto ka na parang hindi mo ako nakikilala nung pumasok na ako sa company mo?" Tanong niya sa akin, napaiwas ako ng tingin dahil doon.

Ilang segundo ang katahimikan bago ako sumagot.

"Sa totoo lang oo, sinadya kong magpanggap na kilala kita noon dahil nahihiya ako. Una, dahil sa club pa talaga ang una nating pagkikita at alam mo naman, kinontrata ka ng mga kaibigan ko para makipag-sex sakin. At pangalawa, hindi ko in-eexpect na magtatagpo pa ang landas natin bilang boss at empleyado, kaya iyon ang naging option ko para hindi tuluyang kainin ng hiya." Mahabang paliwanag ko.

"Wala namang nakakahiya sa mga nangyari. Mas nakakahiya pa nga siguro ang trabaho ko sa club." Saad niya.

"Siguro ay hindi pa socially accepted ang pagiging sex worker sa atin, pero I don't judge people with work like that. It's still a work at kung nakakatulong ito para mabuhay ang pamilya niyo then so be it. Walang mali doon." Sabi ko naman.

"Tama ka, sana lahat ng tao ay ganan kalawak ang pag-iisip."

"Sa kasamaang palad ay hindi, kaya tatagan mo ang iyong sarili." Sabi ko sa kanya, nakita ko naman siyang tipid na ngumiti at tumango.

May katahimikang bumalot sa aming dalawa at malamig ang simoy ng hangin. Dahil naka-shorts lang ako at manipis na t-shirt ay ramdam ko ang lamig, napayakap ako sa aking sarili na siyang napansin ni James.

Nabigla ako ng bigla siyang unusod palapit sa akin sabay lagay ng kanyang braso sa aking balikat at inihawi ako palapit sa kanya.

"Wala akong dalang jacket ngayon eh, okay na siguro ito, body heat, mas natural." Sabi naman niya.

Amoy na amoy ko ang pang-lalaking pabango at naghahalong natural na amoy ng kanyang katawan. Ramdam ko rin na bahagyang gumagalaw ang kamay niya sa aking balikat, marahil pinapainit ito para hindi ako malamigan. Pero iba ang epekto nito sa akin, tila ako nawawala sa sarili sa kanyang amoy at haplos.

Nararamdaman ko ang namumuong init sa aking katawan pati na rin ang pagpintig sa gitna ng aking mga hita.

Tumingin ako kay James sabay sabing, "Have sex with me."

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon