CHAPTER 20

289 8 0
                                    

Megan's Pov:

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa katawan ng marinig ang biglaang pagputok ng fireworks, agad akong lumayo kay James.

Siniksik ko ang sarili sa pinaka-gilid ng kubo at hindi siya tinignan. Kung pwede lang maglaho ng parang bula sa harapan niya ngayon ay gagawin ko.

Inaya ko siyang mag-sex! Anong masamang hangin ang pumasok sa utak ko?!

Inalala ko ang ekspresyon ni James nung sabihin ko ang mga katagang iyon, halatang nabigla siya.

Dahil sa kahihiyan napagdesisyonan ko nang tumayo at umakto na parang walang nangyari, tulad nga ng sabi nila fake it till you make it.

Kaya iyon ang aking ginawa, tumayo ako at tinignan siya na ngayon nga ay seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

Tumikhim ako ng bahagya sabay sabing, "Inaantok na ako, babalik na ako sa resort."

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at naglakad na ako, ngunit hindi ko inaasahan ang kanyang sunod na ginawa.

Nang matapat ako sa pwesto niya para umalis ay hinila niya ang aking kamay kaya naman napa-upo ako sa kanyang kandungan.

"Ano bang ginagawa mo?" Gulat sa sabi ko sa kanya.

"Yung sinabi mo kanina, available pa ba yung offer mo?" Bulong niya sa tenga ko,  nakiliti ako dahil sa init ng kanyang hininga.

"Pinagsasabi mo dyan, pakawalan mo nga ako." Maang-maangan na sabi ko at akmang tatayo na ulot ng higpitan niya ang kapit sa aking bewang.

"Huwag kang gumalaw." Sabi niya sa akin, nagtatakang tinignan ko siya.

"May nabubuhay." Dugtong niya, ilang segundo ako kunot-noong nakatingin sa kanya bago na-realize ang kanyang tinutukoy.

Dahil ramdam ko, may nabubuhay nga.

Walang nagbalak mag-salita sa aming dalawa ngayon.

Tila nag-papakiramdaman.

Kahit na malamig ang simoy ng hangin ay nag-iinit ang aming katawan, unti-unting may sensasyon na namumuo sa aking kaloob-looban.

Ang pagitan ng aking hita ay parang nangangailangan, wala sa sariling iginalaw ko ang aking bewang sa bukol na ngayon nga ay buhay na buhay na.

Masarap sa pakiramdam ang bawat haplos kaya ipinagpatuloy ko ito, hindi ko rin maiwasan ang mumunting ungol na lumabas sa aking bibig.

"Tangina." Mahinang mura ni James, napatingin ako sa kanya at nakita kong tila nasisiyahan din siya sa aking ginagawa.

Kaya ipinagpatuloy ko ang pagkiskis ng aming katawan, nang magtama ang aming paniningin ay agad niya akong hinalikan. Napapikit ako at hinalikan siya pabalik, hindi ko alam kung tama ba ang aking ginagawa pero sinabayan ko ang kanyang momento.

Ipinasok niya ang kanyang dila sa akin na siya ko namang tinanggap, habang naghahalikan ay inayos niya ang aking pag-kakaupo sa kanya. Ngayon nga ay naka-upo ako sa kanyang kandungan paharap.

Dahil sa aming pwesto ay mas napadali ang pagkiskis ko ng aking kaselanan sa kanya, sabay kaming napa-ungol.

Lumipat ang kanyang mga halik sa aking leeg, habang naramdaman ko naman ang kanyang kamay sa loob ng aking damit. Nabigla ako ng matanggal niya ang hook ng aking bra kahit na kami ay naghahalikan. Nang makawala ang aking dibdib ay agad niya itong nilamutak, pinisil-pisil.

Nagpapatalo na ako sa sensasyon na nararamdaman ng tumigil si James, napatingin naman ako sa kanya dahil sa ginawa.

"Kung gusto mong itigil ito sabihin mo ngayon pa lang, dahil hindi ko maipapangako na kaya ko pang tumigil kapag nagpatuloy tayo." Sabi ni James habang nakatingin sa akin.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon