Megan's Pov:"Ano yung nabalitaan namin na may boyfriend ka raw?!" Hindi mapakali na sabi ni Alleah
"At yung sumugod daw si Yvette shokoy sa office mo! Tell us girl!" Sabi naman ni Sophie.
"Huminahon nga kayong dalawa, para kayong mga kiti-kiti dyan eh." Saway ko sa kanila.
Nandito kami ngayon sa bahay ko, dahil weekends at wala akong pasok ay napagdesisyonan naming magkita-kita.
"Medyo totoo na hindi ang nasagap niyong balita." Panimula ko, bakas sa mukha ng dalawa na naguguluhan ito.
"Totoong sumugod si Yvette sa office ko nung nakaraan at totoo rin na may boyfriend ako, well sort of." Pagkasabing-pagkasabi ko ay agad kong narinig ang nakakabinging tilian ng dalawa.
"Omg! May boyfriend ka na?!"
"Since uhm when! At who is this!"
"Nakakatampo ka girl, why are you just telling this to us right now."
"True, siguro may iba ka nang friends na pinag-kkwentuhan, tampo na kami sayo."
Halos marindi ang aking pandinig dahil sa sabay-sabay nilang pag-sasalita.
"Kumalma nga kayo! Ngayon ko lang nasabi kasi ngayon lang nagka-time, kailangan ko rin ayusin ang sarili ko dahil ang daming nangyari this past months." Sabi ko naman
"Go on with your story, nakakabitin masyado." Saad ni Alleah, pabiro ko naman itong inirapan.
"Ang punot-dulo talaga nito ay si Clark, kilala niyo naman iyon diba since business partners ng mga asawa niyo iyon." Kinuha ko ang aking juice at saglit uminom.
"Masyado kasing makulit ang isang iyon, gustong manligaw kuno eh ayaw ko nga sa kanya. Eh saktong nandon si James ng araw na iyon, ewan ko rin anong pumasok sa utak ko at hinila ko sita sabay sabing siya ang boyfriend ko." Pagpatuloy ko
"Omg! Si James ang boyfriend mo?!" Sigaw ni Alleah
Sinundan naman ito ni Sophie, "The guy that we set you up with sa bar?! The guy who works in your company? That James?!"
Tumango-tango ako sa kanila sabay sabing, "Oo, oo yun nga."
Matapos ko iyon sabihin ay sabay silang dalawa na tumili at nag-tatatalon pa.
"I knew it girl! Tama ang kutob namin na magiging kayo!"
"I'm glad that we really pushed her before na pumunta sa club! Kung hindi edi sana hindi nila nakilala ang isa't-isa." Salitang sabi nilang dalawa.
Napahawak naman ako sa aking sentido dahil sa kanilang sinabi, "Kumalma nga kayo, hindi pa tapos yung kwento ko!"
Agad namang umupo ang dalawa at tumingin sa akin, tila hinihintay ang aking susunod na kwento.
"So ayon nga, front act lang iyon para layuan ako ni Clark. At kaya sumugod si Yvette sa office ay dahil pina-terminate ko yung contract nila ni James ng hindi niya alam." Sabi ko sa kanila
"Oh, James is working with Yvette?" Tanong ni Alleah
"Oo, kaya nanggalaiti si Yvette non." Sagot ko naman
"Oh God, edi they're having sex?" Walang preno na sabi ni Sophie, nakita ko namang pasimpleng siniko siya ni Alleah sabay tingin sakin.
"Oo, si James na rin nagsabi. Wala lang naman iyon dahil trabaho niya iyon bilang stripper." Sagot ko naman
"Talaga bang wala lang?" Tila nang-aasar na sabi ni Sophie, sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa sinabi.
"Hindi ko naman siya gusto at talaga business matter lang ang namamagitan sa amin, kaya huwag na kayong mag-create ng kung ano-anong eksena sa utak niyo." Sabi ko sa kanila.
Although, bakas sa kanilang mga mulha na hindi sila naniniwala sa aking sinabi ay hindi na nila ako inasar pa.
"So, you hired him right? Edi parang inagaw mo nga siya kay Yvette." Saad ni Alleah
"Of course not! In fact mas binigyan ko siya ng magandang opportunity, mas magaan ang trabaho niya sa akin dahil magpapanggap lang siyang boyfriend ko. At hindi na niya kailangan pang gumawa ng any sexual contact."
Gulat ang ekspresyon ng dalawa sa akin habang nakatingin.
"You refuse to have sex with him?!" Sigaw ni Sophie.
"Gaga ka! You missed the chance! Bakit mo pa sinabi na ayaw mo makipag-sex sa kanya!" Sabi naman ni Alleah.
"Ano ba kayo! Masyadong maingay ang bibig niyo!" Saway ko sa kanila.
"Girl, what we're you thinking?! Who doesn't want sex?!" Hysterical na sabi ni Sophie.
"Pwede ba pakinggan niyo muna ako!" Sabi ko sa kanila.
"I take the sexual activities out with him dahil hindi ko naman iyon kailangan, ang dahilan lang naman bakit ko siya hinire is to have Clark out of my sight." Paliwanag ko sa kanila.
"I get your point Megan, but still sayang." Sabi naman ni Alleah.
"Right, you should grab the chance besides employer/employee lang naman relasyon niyo, treat it as no strongs attached relationship." Wika ni Sophie.
At some point, habang pinapakinggan ko ang mga suwestyon nila ay na-kkwestyon ko rin ang desisyon ko.
I'm a grown woman, heck I'm even 30. At time na rin siguro para mag-explore explore sa mga bagay-bagay, like sex.
"If I want to explore on sexual things guys, I should do it with older men. James is too young for me." Sabi ko naman
"Bakit ayaw mo sa mas bata? Dahil hindi magaling? Less experience? Iba naman si James, sure akong pro na iyon sa ganong bagay dahil parte ng trabaho niya iyon." Saad ni Alleah
"Hindi dahil doon. Na-iinsecure kasi ako dahil masyado na akong matanda para sa kanya, he's 22 and I'm 30 the age gap is big. Besides, wala naman sa plano ko na makipag-sex doon, sadyang talagang kailangan ko lang siya para paalisin yung isa." Sabi ko naman.
"Well, if that's what you feel about him then so be it. But Megan, please don't belittle yourself dahil 30 ka na." Sabi ni Alleah
"Tama! Being 30 is not the end of the world, it doesn't mean na you're not allowed to explore and try new things just because the society tells you that you're already old enough." Saad naman ni Sophie.
"Whatever decision you make, andito lang kami." Sabi naman ni Alleah.
"Thank you guys, it really meant a lot to me. I'm glad that God gave me two bestfriends." Wika ko naman pagtapos ay niyakap ko sila.
BINABASA MO ANG
Caught In Your Romance (Completed)
RomanceA self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but her friends do. So they plotted a plan, to have their friend go to the club and get laid. James Coron...