CHAPTER 23

272 6 0
                                    

Megan's Pov:

Nasa kalagitnaan ako ng pag-rreview ng mga papeles ng kumatok at pumasok ang aking sekretarya.

"Ma'am, paalala ko lang na kailangan mo ng pumunta sa salon para sa event mamaya."

Napahawak ako sa sentido dahil nakaligtaan ko na may annual event party pala, "Thank you for reminding me, aayusin ko lang itong mga kalat sa table ko then I will go."

"Sure Ma'am." Sabi naman niya at umalis na.

Makikita ko nanaman pala si Yvette at Clark dahil lahat ng mga business owners ay imibitado sa event. Inayos ko na ang aking mga gamit sabay kuha sa aking bag at umalis na.

Pagdating sa salon ay agad akong inayusan ng make-up artist doon habang may isang nag-aayos sa aking buhok. Dahil ready na beforehand ang look na gagawin sa akin ay naging mabilis nalang ang paghahanda.

"Ang ganda mo madam." Sabi ng sataff matapos akong ayusan. Tinignan ko ang sarili sa salamin at oo nga, ang ganda ko ngayon. Tila nag-iba ang aking anyo dahil sa ginawa nila.

Matapos ay pinagbihis na nila ako ng cocktail dress, taas ng tuhod ang style nito at nude ang kulay. Tamang-tama ang kulay sa aking balat.

Nang mag-text ang aking driver na maghahatid sa akin sa lugar ay agad na akong nag-paalam sa staff para umalis. Ilang minuto lamang ang tinagal ng byahe, ng makarating ay bumaba na ako at naglakad papunta sa entrance.

Magarbo ang buong lugar at talagang pinaghandaan ng mga organizer.

"May I see your invitation Ma'am?" Tanong ng staff.

Kinuha ko naman sa aking purse ang invitation at binigay ito, ng masigurado niyang totoo ito ay hinayaan na niya ako makapasok.

Tinitignan ko pa lamang ang lugar na puno ng tao ay tila gusto ko na umuwi.

Isang araw ng ka-plastikan at kapaguran ang mangyayari sa akin ngayon.

Naglakad ako papunta sa designated seat ko at kung minamalas-malas nga naman ay katabi ko pa si Yvette, na ngayon nga ay nakiki-pagkwentuhan sa kanyang katabi.

Nang makalapit ako ay napansin niya agad ang aking presensya at dali-dali niya akong inirapan. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at umupo, mabuti nalang din at may waiter na dumaan na may bitbit na champagne. Kumuha ako ng isang baso at ito ay ininom.

Ilang minuto lang ay may nagsalita na na host sa unahan para magsimula ang programa.

"I would like to thank you all for attending the 40th annual anniversary. I know that you're all busy so we appreciate the effort of attending here." Sabi ng host.

"This event will let you all have fun and maybe make some friends along the way. So please, enjoy the rest of the night." Sabi naman ng isa.

May mga iba pa itong sinabi na halos hindi ko na napakinggan dahil na-ddistract ako kay Yvette sa panaka-naka niyang pagtingin sa akin sabay iirap kapag nagtama ang aming paningin.

Dahil baka masira pa ang buong gabi ko ay napag-desisyonan ko na umalis muna at magpalibot sa paligid. Meron palang parang terrace doon banda, pupunta ako doon mamaya pero kukuha muna ako ng macaroons na paborito ko.

Kumuha ako ng platito at excited na tumingin sa mga macaroons.

"Anong gusto mong kainin Ma'am?" Tanong sa akin ng staff, napakunot ako ng noo dahil tila pamilyar ang boses na iyon.

Tinignan ko kung saan nanggaling yung boses at nakita ko si James sa gilid ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon