CHAPTER 26

279 6 0
                                    

Megan's Pov:

Ilang araw ko na rin iniiwasan si James at alam kong nakakahalata na siya. Lahat ng tyansa para maka-usap ako ay kanyang kinukuha pero tulad ng dati ay hindi ko siya binibigyan ng atensyon.

Malapit na ang uwian kaya napag-desisyonan ko ng linisin ang aking table. Nasa kalagitnaan ng pag-aayos ay biglang dumapo ang aking paningin sa kabuuhan ng office, lalong-lalo na sa sofa.

Mga memorya ng nakaraan bumalik sakin lahat, iwingalit ko ang isipan at agad na itinapon sa basurahan ang mga kalat. Kinuha ko ang aking bag at lumbas na sa office, agad akong sumakay ng elevator para pumunta sa parking lot. Nang makababa ay naglakad na ako papunta doon ngunit naaninag ko ang pamilyar na bulto, nakasandal ito sa pader habang ang mga kamay ay nasa bulsa.

Wala akong intensyon na pansinin si James kaya umakto ako na tila hindi siya nakita at nilagpasan ko siya. Agad ko namang narinig ang ang pagsunod niya.

"Wait, mag-usap muna tayo." Sabi niya, hindi ko siya hinarap bagkos ay binuksan ko ang aking bag at hinanap ang susi ng kotse.

"May importante akong sasabihin sayo." Sabi pa niya, tulad kanina ay hindi ko siya pinansin.

Nang makita ko ang susi ng sasakyan ay pinindot ko ito at tumunog ang alarm ng kotse hudyat na bukas na ito. Akmang papasok na ako sa loob ng biglang humarang si James sa unahan at hinaharang ang daan ko.

Tinignan ko siya ng masama dahil sa kanyang ginawa.

"Ano bang problema mo? Hindi mo ba napansin na ayaw kitang kausap." Inis na sabi ko.

"Kaya nga nandito ako para makapag-usap tayo eh, hindi ko alam kung anong nagawa kong mali sayo at ganito ang trato mo sakin ngayon." Saad naman niya.

Ilang segundo akong hindi nakapag-salita.

"Ganito naman talaga dapat ang pakikitungo ko sayo diba, kasi empleyado kita at hindi kaibigan." Saad ko.

Nakita ko naman na tila nalungkot ang kanyang mukha.

"Okay, sige. Iyan pala ang dahilan." Sabi niya, tila nakonsensya naman ako sa aking sinabi pero ipinagsawalang bahala ko ito.

"Ano nga pala yung sasabihin mo ng matapos na tayo dito?" Tanong ko

"Dalawang araw nalang." Panimula niya.

"Na ano?" Kunot-noong tanong ko.

"Bago matapos ang kontrata nating dalawa sa temptation club." Dugtong niya, tila napahinto naman ako dahil ngayon ko lang naalala na matatapos na ang aming kontrata.

"Dahil hindi na naman natin kailangan magpanggap na may relasyon, ipapa-confirm ko na sa club na aprubahan ang pagtatapos ng kontrata natin." Saad niya

Wala sa sariling tumango naman ako. Tila nakahinga ako ng maluwag dahil mababawasan na ang dahilan para makita ko siya pero tila may tinik na tumusok sa aking dibdib ng mapagtanto na maari na siyang ma-hire ng ibang customer sa club ngayong tapos na ang trabaho niya sa akin.

Kunot-noong napatingin ako sa kanya.

"I-renew natin yung kontrata." Wala sa sariling sabi ko, bakas sa mukha niya na tila naguguluhan ito.

"Para saan pa? Hindi na natin kailangan magpanggap diba?" Saad niya, hindi mapakali ang aking mata sa paligid tila mahahanap ko ang pwedeng masabi sa ginagawa.

"Gusto ko lang i-renew yung contract bakit ba." Sabi ko

"Pero wala na nga akong ttrabahuin sayo, ayokong bayaran mo ako ng walang ginagawa." Saad niya naman.

"At tyaka, hindi mo nga ako pinapansin nitong nakaraan." Dagdag pa niya.

"Huwag mo ng isipin iyon, basta i-rrenew ko contract natin." Pagmamatigas ko.

Kunot-noo siyang tumingin sakin.

"Sabihin mo nga ang dahilan bakit ayaw mo akong pakawalain sa kontrata natin." Saad niya habang naglakad palapit sakin.

"Trip ko lang, bakit ba." Sabi ko at umatras ng lakad.

"Kasi kung sex ang dahilan para i-renew ang kontrata. Kayang-kaya ko gawin iyon para sayo kahit walang kabayaran." Sabi niya, agad naman nanlaki ang aking mata at dali-daling tinakpan ang kanyang bibig.

Tumingin-tingin ako sa paligid kung may nakarinig ba, mabuti nalang at wala pang taong dumadaan.

Dahil sa taranta ay binuksan ko ang kotse at itinulak siya papasok sa passenger's seat. Umikot naman ako at pumasok sa loob ng driver's seat.

"Pwede bang i-filter mo yang mga salita mo." Inis na sabi ko, nakita ko naman na nakangisi siya.

"Megan." Tawag niya sakin, nabigla ako dahil ngayon ang unang beses na tinawag niya ako sa aking pangalan.

"Ano bang totoong dahilan at ilag ka sakin nitong mga nakaraan. Para magawan ko ng paraan kung may nagawa akong mali." Sabi naman niya.

Hindi ako makasagot. Nakatingin lang ako sa kanya dahil alam kong hindi siya ang may problema kundi ako.

"Come on, tell me." Sabi niya bago kinuha ang aking isang kamay at marahan itong hinaplos.

Tila nagbabadya naman ang aking mga luha sa hindi malamang dahilan.

"Mahal kita." Sabi ko, agad kong nakita ang pagkagulat sa kanyang mukha kasabay ng pagtulo ng aking luha.

Pinunasan naman niya ang aking pisngi at marahan na ngumiti.

"Mahal din kita Megan." Saad niya.

Gulat na napatingin ako sa kanya, hindi ako makagalaw at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Kung ginagago mo ako tigilan mo na iyan." Saad ko, bago tinanggal ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kamay.

Ibinalik niya ang pagkakahawak dito at ngumiti, "Totoo yung sinasabi ko. Mahal kita kaya nasasaktan ako nung iniiwasan mo ako." Sabi niya.

"At nagselos ako nung nakita kong yinakap ka ni Clark sa event nung nakaraan. Bakit ka ba niyakap nung hinayupak na iyon?" Halos magdikit na ang kanyang kilay sa sinabi.

Natawa naman ako dahil sa kanyang ekspresyon.

"For closure lang daw iyon." Sabi ko naman

"Masyadong niya naman ni-literal ang closure." Inis na sabi niya.

Napangiti ako sa kanyang sinabi.

"Pero bakit gusto mong ituloy pa ang kontrata natin?" Biglang tanong ni James.

Lumikot naman ang aking mata at hindi makatingin sa kanya.

"Hindi ko kasi kayang makita ka sa iba. Na may iba pang babae na makakakita sa kabuuhan mo. Ikamamatay ko iyon." Pag-amin ko.

Hinawakan naman niya ang aking mukha gamit ang kanyang dalawang palad at nagtama ang aming paningin.

"Wala na akong balak pa bumalik at mag-trabaho sa club pagtapos ng kontrata natin. Hindi ko maaatim na makasama ang ibang babae lalo na at ikaw lang ang hinahanap-hanap ng buong sistema ko." Saad niya.

"Edi papayag ka nang i-renew ang contract natin?" Tanong ko naman.

"Hindi." Sagot niya, tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa kanyang tugon.

"Kasi gusto ko na ang relasyon na namamagitan na ay wala ng kontrata. Dahil hindi na purely business ang relasyon natin. Gusto ko na purely made of love." Dugtong niya.

Tila namula ako dahil sa kanyang sinabi.  Nakita naman niya ang pagbabago ng ekspresyon sa aking mukha at agad niyang hinalikan ang aking noo.

"I love you Megan, sobra sobra." Saad niya.

Nginitian ko naman siya sabay sabing, "I love you more."

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon