Megan's Pov:Ilang linggo ang nakalipas ng simulang official na nag-ttrabaho para sa akin si James, para sa pag-papanggap namin na kami ay nasa isang relasyon.
Sa ngayon, ay hindi naman namin kailangan na umakto na tila mag-kasintahan dahil hindi naman na bumibisita si Clark dito na siyang pinagpapasalamat ko.
Nakarinig ako ng katok sa aking pintuan, "Come in." Sabi ko ng hindi tumitingin kung sinong kumatok.
Ilang segundo lang ay may naglapag ng kape sa aking lamesa, ng tignan ko kung sino ito ay laking gulat ko ng makita si James.
"Thank you sa coffee, inutusan ka ba ulit ng secretary ko?" Tanong ko sa kanya
Tila nahihiyang ngumiti ito sabay sabing, "Hindi Ma'am, talagang gusto ko lang ibigay sa iyo iyan." Sabi niya, pinigilan kong mapangiti dahil sa kanyang tugon.
"Ganon ba." Sabi ko sabay higop sa kape.
"Ang sarap, gawa mo ba ito?" Tanong ko sa kanya habang nahigop pa rin ng kape.
"Hindi Ma'am, galing sa cafeteria iyan." Sagot naman niya. Medyo pahiya ako ng kaunti doon.
"Mauna na muna ako, hinatid ko lang talaga iyang kape." Saad niya, tumango ako bilang tugon. Nang makaalis siya ay napatingin ako sa kape at napangiti.
Patuloy lang ako sa aking pag-ttrabaho, at may files ako na dapat i-print ngunit pagtingin ko ay wala ng bond paper. Lagi kong nakakaligtaan na mag-imbak sa kwarto ko. Tumayo at naglakad papunta sa stock room dahil kailangan kong kumuha ng bond paper.
Bago ako makapasok ay nakita ko naman si James na nag-mmop ng sahig, ng magtama ang aming paningin ay agad niya akong nginitian at lumapit sa akin.
"May kukunin ka ba sa loob? Ako na ang kukuha." Alok niya, kahit nagtataka sa kanyang ikinikilos ay sinagot ko ang kanyang tanong.
"Bondpaper lang ang kukunin ko, kaya ko na ito." Sabi ko at pumasok sa loob, napansin ko naman na sumunod siya sa akin ngunit ipinagsawalang bahala ko ito.
Naghanap-hanap ako kung nasaan ang bond paper at nakita ko na nasa itaas itong parte, bakit ba laging nasa itaas ang mga kailangan kong gamit.
Nagbuntong-hininga ako at tumingkayad para abutin ito, "Kailangan mo ba ng tulong Ma'am?" Biglang tanong ni James sa aking gilid.
"Hindi, kaya ko na ito." Sabi ko, kahit halata naman na kailangan ko ng tulong.
Tumingkayad ako sabay tumalon para makuha ito ng biglang namali ako ng pagkaka-talon at muntik na sumalubsob sa sahig, mabuti na lamang ay nasalo ako ni James.
Nakahawak siya sa aking bewang habang ako ay nakalambitin sa kanyang leeg.
"Okay ka lang?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala o guni-guni ko lang iyon?
"Okay lang, salamat." Saad ko naman
Nagka-tinginan kaming dalawa ng ilang minuto, mata sa mata, habang ako ay nanatili sa kanyang mga braso.
Wala sa sariling napatingin ako sa kanyang mga labi, normal ba sa isang lalaki na may ganyang kapulang labi?
Binasa ko naman ang aking labi at bahagyang napalunok, nakita kong nakasunod ang mga mata ni James sa aking ginawa. Naramdaman kong bahagyang humigpit ang kapit niya sa aking mga bewang, marahan ding humahaplos ang kanyang mga daliri sa aking bewang.
Tila nag-iinit ang aking pisngi sa nararamdaman.
Laking gulat ko ng makarinig ng malakas na pagkalambag, dahilan para maglayo kami sa isa't-isa. Nang tignan ko siya ay namumula ang kanyang tenga at napahawak siya sa kanyang batok..
BINABASA MO ANG
Caught In Your Romance (Completed)
RomanceA self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but her friends do. So they plotted a plan, to have their friend go to the club and get laid. James Coron...