CHAPTER 30

327 11 0
                                    

Megan's Pov:

"Pakilagay ito sa likod ng kotse." Utos ko kay James.

"Ang dami mo namang binili."

"Huwag ka nang mareklamo, first time ko na bibisita sa inyo ayokong walang dalhin." Sabi ko at inabot pa ang isang regalo.

Nang masiguradong lahat ay nakalagay na sa compartment ay sumakay na ako sa kotse. Si James ang nag-drive ngayon dahil masyado akong tense para sa pagkikita na magaganap.

"Paano kung hindi nila ako magustuhan?" Kinakabahan na tanong ko kay James.

Hinawakan naman niya ang aking kamay para i-assure.

Nakangiting sabi naman niya, "Sigurado akong magugustuhan ka nila."

Buong byahe ay nanlalamig ang aking kamay, hindi rin ako makausap ng maayos ni James dahil masyado kong in-ooverthink ang mangyayari mamaya.

Isang oras ang nakalipas at nakarating na kami sa tapat ng bahay nila, agad kaming sinalubong ng kanyang nanay at kapatid.

"Oh anak nandito na pala kayo." Sabi ng nanay ni James.

"Hello po." Nahihiyang bati ko sa kanya.

"Ang ganda mo iha, lagi kang ipinagmamayabang nitong anak ko na mala-dyosa raw ang ganda ng gerlpren niya."

"Ganon po ba, salamat po."

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at pasimpleng tinignan si James na ngayon nga ay nilalabas ang mga regalo sa compartment.

"Ma, pa-upuin mo muna siya sa loob i-ppark ko lang itong kotse niya." Sabi ni James.

"Halika iha at hayaan mo na muna siya dyan." Sabi niya at iginayak ako papasok sa kanila.

"Chloe buhatin mo papasok yung mga kaya mong buhatin." Rinig kong utos ni James sa kapatid.

"Okay kuya." Sagot naman ng kapatid.

"Nako pasensya ka na sa bahay namin ha." Sabi ng nanay ni James.

"Ang ganda nga po ng bahay niyo Ma'am." Sabi ko.

Narinig ko namang natawa ito, "Ano ka ba Mama nalang din ang itawag mo sa akin, masyado namang pormal ang Ma'am." Saad niya.

May nakita akong baby picture na nakasabit sa sala, "Si James po ba iyan ng bata?" Tanong ko.

"Si James nga iyan, parang kahapon lang buhat-buhat ko pa siya ngayon ay siya na ang nagbubuhay sa pamilyang ito." Tila malungkot na sabi niya.

"Kung ayos lang po, pwede ko pa ba malaman nasan ang papa ni James?" Tanong ko.

Mapaklang napangiti ang ginang, "Namatay ang papa niya dahil sa hit and run. Simula non ay namulat na sa reyalidad si James at naisipang mag-trabaho sa murang edad para makatulong."

Tila may nabuhay na lungkot sa aking puso dahil sa narinig.

"Kahit gusto ko siyang pigilin para mag-trabaho ay hindi ko magawa dahil hindi sapat ang aking kinikita bilang labandera." Dagdag niya.

Mag-sasalita na sana ako ng marinig na nakabalik na si James.

"Ay nako Ma, ilang beses ko na sinabi na masaya ako na nakakatulong dito sa bahay." Sabi ni James.

Pumunta naman siya sa amin at umupo katabi ko. Idinantay niya ang kanyang braso sa aking balikat.

"Ano Ma, naniniwala ka na na totoo ang sinasabi ko na maganda itong girlfriend ko." Sabi ni James.

"Oo nga, mas maganda ito kaysa sa mga pinakilala mo sa akin dati." Deretchanag sabi niya na siyang ikinabigla ko.

"Ay hindi naman po." Sabi ko.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon