CHAPTER 6

309 13 0
                                    

Megan's Pov:

"Good morning po." Bati ko sa guard na nagbukas ng pintuan para sakin, kakadating ko lang ngayon sa opisina at medyo na-late pa nga ako dahil sa traffic, naglakad lang ako papunta sa elevator na malapit sa lobby pero laking gulat ko ng makita ko doon si james na naglalampaso ng sahig at sa tabi niya ang cart na may lamang iba't-ibang uri ng panlinis.

Bahagya akong napatigil sa paglalakad at nagdadalawang-isip kung maglalakad na ba palapit, paano ba naman ay yung elevator ay nasa bandang likuran niya, kaya naman mada-daanan ko talaga siya. Nasa gitna ako ng pakikipag-talo sa isipan ng magtama ang aming mga mata, sa hindi malamang dahilan ay tila hindi ako mapakali.

"Good morning ma'am." Paunang bati niya sabay ngiti. Hindi ako nakasagot kaya naman tango at isang pilit na ngiti ang naibalik ko sakanya. Matapos iyon ay dali-dali akong naglakad at nilagpasan siya na parang wala lang at agad-agad na pumasok sa elevator.

Huminga ako ng malalim at nakita kong nagbukas na ang pintuan ng elevator kaya naman umalis na ako at dumiretcho sa aking opisina, matapos kong ilagay ang aking mga gamit sa cabinet ay sinimulan ko na ang aking trabaho hanggang abutin ako ng pananghalian.

Dahil nakaramdam na ako ng gutom ay napagdesisyunan ko na sa cafeteria nalang kumain at hindi na sa labas para hindi hassle. Pumasok na ako sa loob ng elevator at pinindot ang 2nd floor kung nasaan ang cafeteria, malapit na magsara ang pintuan ng elevator ng biglang may kamay na pumigil dito kaya naman nagbukas ito ulit. Laking gulat ko ng makitang si James pala iyon habang nasa tabi niya ang cart na may lamang mga panglinis, nagkatinginan kami at halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"S-sorry Ma'am, sa susunod na elevator nalang ako sasakay." Sabi niya sabay hawak sa batok, marahil ay nahiya siyang pumasok dahil sa tulak-tulak niyang cart na may mga panlinis.

"Sumabay ka na, kasya pa naman dito." Sabi ko sakanya ata agd na nag-iwas ng tingin

"Ganon po ba, salamat." Rinig kong tugon niya at pumasok na sa loob kasama nung cart. Pinindot niya ang 1st floor button at tuluyan ng nagsara ang elevator. Nakabinging katahimikan ang namutawi sa loob at tila walang gustong magsalita, alam kong ako ang dapat mag-initiate ng pag-uusap dahil trabahador ko sila pero hindi ko magawa. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang uniporme. Dahil medyo maliit ang nagging espasyo sa elevator dahil nasakop ng dala niyang cat ay medyo malapit ako sakanya, at nagawa kong makita ang ginagawa niya sa kanyang cellphone.

"Okay, see you sa club Ma'am." basa ko sa mensahe na sinend niya. Hanggang ngayon ba ay nagttrabaho pa rin siya sa club na iyon bilang stripper? Hanggang ngayon ba ay nagpapabayad pa rin siya para sa kanyang katawan?

Sa hindi malamang dahilan ay tila may mabigat na bagay ang dumagan sa puso ko at ako ay naiinis, nung nakaraang lingo lang rin ay nakita ko siya sa isang fast food chain na may kasamang babae, malamang sa malamang ay binabayaran siya nito. Bahagya naman akong lumayo sa kanya kahit na maliit lang ang espasyo sa loob. Magkasalubong ang kilay ko habang hinihntay na magbukas ang elevator, bakit tila bumagal ang oras at ang tagal bumukas ng elevator na ito, mukhang may sira, kailangan ko na itong ipa-ayos. Nakita ko sa peripheral vision ko na binulsa na niya yung phone niya at tyaka inayos ang mga gamit sa cart ng biglang madanggi ako ng mop.

"Ano ba yan!" inis na sabi ko.

"I'm sorry Ma'am." Gulat na sabi niya at agad-agad inayos ang mop.

"Ayusin mo next time ang trabaho mo." Sabi ko at sakto namang bumukas ang elevator kaya agad akong umalis.

Habang naglalakad ay doon ako tila natauhan sa ginawa, bakit ko ba siya napagbuntungan ng inis ko.

Ngayon habang naglalakad papuntang cafeteria ay lutang ang isip ko, na-gguilty ako sa mga nasabi ko sakanya. Um-order na ako sa cafeteria at nagsimula na akong kumain. After that, pumunta na ako sa meeting room dahil may project na kailangang pag-usapan.

"And we are expected to complete the project by the end year." Rinig kong sabi ng aking empleyado na nagsasalita sa unahan.

"Noted, please orient the staff regarding the dealine." Sabi ko naman

"And that's the end of the presentation Ma'am." Sabi niya, kaya naman sinimulan ko nang ligpitin ang aking mga gamit upang umakyat na sa aking office.

"Thank you for your efforts, meeting is dismissed." Sabi ko naman at nauna ng umalis.

Naglakad na ako papunta sa elevator ng makita ko si James sa gilid nito habang kinukuha at pinapalitan niya ang basura. Nagkatinginan kami saglit at akmang magsasalita na sana ako upang humingi ng paumanhin sa inasal ko kanina ay agad naman niyang inalis ang tingin sa akin. Sakto namang bumukas ang elevator kaya wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob.

Nang maka-akyat na ako at makapasok sa aking opisina ay ibinaling ko ang aking atensyon sa gawain na kailangan kong tapusin, hanggang sa umabot na ang gabi at kailangan ko nang umuwi.

Sumakay na ako sa aking kotse at nagsimulang magdrive dahil rush hour ay matindi ang traffic at sobrang bagal ang usad ng mga sasakyan. Saktong napahinto ang aking kotse sa tapat ng parisan na nasa gilid lamang ng kalye.

Uusad na sana ako ng makita ko ang pamilyar na bulto, si James. Agad akong nag-park sa malapit na lugar at pumunta sa paresan.

Huli na nang mapagtanto ko kung anong ginagawa ko ng magtama ang mga mata namin ni James.

Halata sa mukha niya ang gulat at halos naka kunot ang kanyang noo.

"Uy nandito ka rin pala hahah" awkward na sabi ko

Agad ko siyang nilagpasan at nag-order ng pares, ramdam ko na sinusundan niya ng tingin ang bawat galaw ko.

"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan." Sabi ko naman, nagbabaka-sakaling mabasag ang awkward athmosphere.

"Ah nagulat lang ako na makita ka dito Ma'am." Sabi niya sabay hawak sa leeg.

"Eto na po ang order niyo." Rinig ko namang sabi ni Manong kaya agad kong kinuha ang pagkain at agad na nagbayad.

"Ah ganon talaga, para lang akong kabute minsan." Sabi ko at nakita kong napangiti siya saglit.

Walang nagsasalita sa amin habang kumakain, tanging tunog ng maingay na kalsada ang aming naririnig. Nang makita kong paubos na ang kanyang pagkain ay agad akong nag-panic.

Kailangan ko nang humingi ng paumanhin sa ginawa ko kanina, oo, ayon talaga ang dahilan kung bakit ako nandito diba.

"Uhm ano James." Tawag ko dito, nakita ko naman siyang napahinto at napatingin sakin.

"Bakit Ma'am?" Tanong naman niya

"Uhm may gusto sana akong sabihin..." panimula ko, hindi naman siya nagsalita at nakatingin almang siya sakin tila hinihintay ang aking sasabihin.

"Yung napagtaasan kita ng boses at nasungitan, sorry ha, hindi ko alam bakit ko iyon nagawa." Sabi ko, nakita kong bahagya siyang napangiti na siyang ikinakunot ko ng noo.

"Ay ayon ba Ma'am, wala lang iyon sa akin, naiintindihan ko naman na baka stress ka lang sa dami ng ginagawa mo sa trabaho." Sabi naman niya

"Pero sorry pa rin, hindi ko dapat inaasal iyon." Sabi ko, bahagya ko naman siyang narinig na tumawa.

"Okay lang talaga Ma'am." Pag-uulit niya

"Oh siya sabi mo iyan." Pabirong sabi ko upang gumaan ang athmosphere sa aming dalawa.

"Uhm, mauuna na ako Ma'am baka kasi ma-traffic pa ako pauwi, mag-iingat ka." Sabi naman niya

"Ay ganon ba, sige salamat ingat ka rin pauwi." Sabi ko naman at nginitian siya. Nauna na siyang umalis habang tinitignan ko naman ang kanyang likod papalayo.

Okay na ang pakiramdam ko ngayon, wala nang guilt na nararamdaman dahil nakahingi na ako ng paumanhin sa kanya.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon