CHAPTER 13

248 8 0
                                    

Megan's Pov:

Dahil tapos ko na naman ang aking mga gawain ay napag-desisyonan kong mag-ikot ikot muna sa mga department, matagal ki na rin itong hindi nagagawa dahil sobrang busy.

"Ay hello, Ma'am pasensya na sa mga kalat." Saad ng isa kong empleyado at pasimpleng nagligpit ng mga kalat sa kanyang table.

"No worries." Naka-ngiting sabi ko sa kanya

Nag-lakad lakad na rin ako sa loob at may mga bumati na tila nagulat sa aking biglaang pagbisita.

"Ma'am, sana po sinabihan niyo ako na mag-iikot ikot kayo para nasamahan kita." Sabi ng aking sekretarya

"Kaya ko na ito at tyaka marami ka pang dapat asikasuhin diba." Sabi ko sa kanya, bahagya naman siyang tumango

"Osya, bumalik ka na doon at maya-maya rin ay babalik na ako sa office." Sabi ko naman at agad itong tumango at umalis.

Nagpatuloy ako sa pag-lalakad ng mapansin ko na tila ibang janitor ang nag-lilinis ngayon, kung tama ang aking pag-kakatanda ay shift ni James ngayong araw.

Wala sa sariling nagpunta ako sa HR department para tanungin kung absent ba si James.

"Ma'am, what can I help you?" Tanong sa akin ngisang staff

"Can I get the attendance of the janitors right now?" Sabi ko sa kanya, tila naguguluhan naman ang reaksyon ng kanyang mukha marahil ay nagtataka kung bakit ako interesado sa attendance ng mga janitor ngayon.

"Wait a second Ma'am." Saad nito, ilang minuto ito nagtipa sa kanyang computer at ng matapos ay tinawag niya ako.

"This is their attendance for today Ma'am." Saad niya at tila ipinapagayak ako malapit sa kanyang computer, sumunod naman ako at isa-isang tinignan ang mga pangalan ng janitors na pumasok ngayon.

Wala ang pangalan ni James sa mga pumasok ngayong araw ngunit ito ay nasa absent list. Nang makumpirma ko na hindi ito pumasok ay agad na akong nag-paalam sa staff at pumunta sa aking office.

Inilublob ko ang aking sarili sa mga gawain ngayong araw ng biglang kumatok ang aking sekretarya, agad naman itong pumasok sa loob.

"Ma'am, I just want to inform you that we need to go in the project place in a minute."

Napahawak naman ako sa aking sentido dahil nawala sa isipan ko na pupunta pala kami sa pagtatayuan ng project kasama si Clark at Yvette.

"Thank you for reminding me, I'll be out in a minute." Sabi ko sa kanya at agad naman itong tumango at umalis.

MATAPOS mag-ayos ay agad akong lumabas sa office at sabay kaming pumunta ng aking sekretarya sa parking lot. Nang makarating sa destinasyon ay agad kong namukhaan ang likuran ni Clark at Yvette.

Naglakad ako palapit sa dalawa at sabay pa nga silang napatin sa akin ng maramdaman ang aking presensya.

"Oh hello dear." Bati ni Yvette at lumapit pa sa akin para maki-pagbeso, nginitian ko lamang ito bilang tugon.

"Hello Meg, nice to see you again." Bati naman ni Clark, babatiin ko na sana ito pabalik ng may pamilyar na bulto akong nakita na papalapit sa amin.

"James, come here." Tawag ni Yvette sa kanya, agad nagtama ang aming paningin, bakas sa aking mukha ang confusion.

Kaya pala absent siya kanina ay dahil nandito siya, kasama ni Yvette. Sa hindi malamang dahilan ay tila nagbago ang aking mood at tila gusto ko nalang umuwi.

"I bring him here, if it's okay with the two of you, we need some quality time kasi eh." Saad ni Yvette

"Oo naman, okay lang." Sabi ko naman habang pilit na ngumiti.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon