CHAPTER 10

292 9 0
                                    

Megan's Pov:

Pumasok ako ng wala sa mood sa hindi malamang dahilan, siguro dahil ito sa alak kahapon. Umuwi na rin kasi ako agad matapos makita ng harap-haparan sila James, hindi lang siguro ako komportable na malaman na nag-ttrabaho sa club ang isa sa empleyado ko, ayon lang iyon.

Habang nag-lalakad papunta sa office ay nakita ko siya na nag-lilinis ng sahig. Nilagpasan ko siya at nagtuloy-tuloy ng lakad. Naramdaman ko naman na tila sinundan niya ako ng tingin.

"Ma'am" tawag nito sa akin, magkukunwari na sana akong hindi siya naririnig pero tinawag niya ulit ako.

"Ma'am, wait po."

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Why?" Tanong ko sakanya

"May sasabihin lang sana akong importante." Sabi niya

"Ano iyon?" Sabi ko naman, habang kunot-noong nakatingin sa kanya. Inilagay naman niya ang kanyang mop sa may cart at naglakad papunta sakin.

"Tungkol kagabi Ma'am, nung nakita mo ako sa temptation club.. " Sabi niya, halos nakatingala ako sa kanya dahil may katangkaran siya sakin.

"Pwede po bang palampasin niyo na lang na nakita niyo ako doon?" Pagpatuloy niya

"Wala namang kaso sa akin kung may trabaho ka pa bukod dito, hanggang nagagampanan mo ng maayos ang trabaho mo dito ay wala na akong pakealam kung anong gawin mo outside my company." Marahas na sabi ko dito, kita ko naman sa kanyang mukha na medyo napahiya siya dahil sa sinabi ko, huli na nang maisip ko na nakapagsalita ako ng marahas.

"Tama po kayo Ma'am, ayon lang naman po salamat." Sabi niya at pilit na ngumiti.

"Okay, continue your work." Sabi ko at nauna ng maglakad palayo.

Pagdating ko sa aking office ay ilang minuto lang ay pumasok ang aking sekretarya.

"Ma'am, i just want to remind you that you have a meeting with Ms. Yvette in the afternoon." Sabi nito

"Okay noted." Sabi ko naman, naramdaman ko naman na umalis na yung secretary ko at bumalik na ako sa trabaho.

DAHIL masyadong pa-importante si Yvette ay last minute niyang ipinabago kung saan kami mag-mmeeting na supposed to be ay dapat dito. Pero bigla nalang pinasabi sa secretary ko na sa company nalang niya kami mag-meeting. Kahit naiinis ako sa pagka-unproffessional niya ay um-oo nalang ako dahil impprtante siya para sa project namin.

Kasama ang aking secretary ay nakarating na kami sa loob ng company nila yvette, agad naman kaming sinalubong ng kanyang secretary at iginayak papunta sa kanilang meeting room. Pagkadating ko ay agad kong nakita si Yvette na naka-upo sa loob habang nakatingin sa kanyang cellphone at nakangiti, tila hindi niya ata napansin ang pagdating namin.

"Excuse me Ma'am, here they are." Sabi ng secretary ni yvette

Tuminngin naman ito sa gawi namin at naglakad papalapit.

"Hello dear, i'm really sorry for the inconvenience earlier." Sabi naman niya

Nginitian ko siya ng pilit sabay sabing "Okay lang, let's start our meeting shall we?"

"Yes of course, come on take a seat." Sabi  naman niya at tinuro ang upuan sa tabi niya, naglakad kami papunta doon at umupo. Pumunta naman ang secretary niya sa unahan para mag-start ng presentation.

Habang masinsinan ako na nakikinig sa meeting ay pansin ko na kanina pa siya hindi nakikinig, buong atensyon niya ay nasa kanyang cellphone habang panaka-nakang nakangiti na tila kinikilig. Hindi ko na lamang siya pinansin at pilit na itinuon ang aking atensyon sa unahan ngunit ilang minuto lang ay agad akong na-distract sa kanya dahil bumungisngis ito at nang ma-realize niya na masyado ata siyang maingay ay tinakpan niya ang kanyang bibig ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang pilit na itinatagong ngiti.

Susuwayin ko na sana siya dahil nauubos na ang aking pasensya sa kanya ng makita kong agad-agad siyang tumayo at nag-paalam na mag-rrestroom.

"Omg, I'm really sorry guys, I need to go to the restroom muna." Sabi niya at nagmamadaling umalis.

Naiwan naman niya ang kanyang cellphone sa table at laking gulat ko ng makita ang kanyang wallpaper.

Si James na naka-kiss sa pulang-pulang pisngi ni yvette. Hindi pa doon nagtatapos ang lahat, ng bigla kong makita ang kakadating lang na message galing kay James na sabi...

"Ah okay po, pagkatapos ng shift ko di-diretcho na ako dyan." Basa ko sa message ni James.

Sa hindi malamang dahilan ay tila parang iniipit ang aking sikmura dahil sa mga nakita. Ipinagsawalang bahala ko ito at pilit inalis sa aking utak at itinuon ang pansin sa unahan.

Naramdaman ko naman na dumating na si Yvette at umupo na, kinuha nito ang kanyang cellphone at tulad kanina ay nakangiti ito habang ang atensyon ay nasa kanyang phone. Natapos na ang buong meeting pero tila hindi man lang binigyan ng atensyon ni Yvette ang nasa unahan, tila nawala naman ako sa mood dahil sa kanya, parang hindi niya kasi sineseryoso ang proyektong ito.

"Oh my, tapos na pala ang meeting. Anyways, I'm so glad to have you here." Sabi ni Yvette

"Yes, but I think you have so much fun in your phone than in this meeting." Pabalang na sabi ko sakanya, hoping na mataan siya pero kabaliktaran ang nangyari dahil nakita ko pa siyang nakangiti sa akin na tila kinikilig.

"Ay kasi it's true na may humuhuli at nagpapasaya ng heart ko now. I'm just waitinv for him to court me, I know he likes me too." Kinikilug na sabi niya, pinigilan ko ang sarili na magsalita na delusyonal na siya. Dahil ang alam ko ay pinakikisamahan lang siya ni James dahil binabayaran niya ang services nito sa temptation club tulad ng nangyari sa amin noon. Pero mukhang deprived na ata talaga ang isang ito sa pagmamahal kaya nag-ddelusyon na.

"Ay ganon ba, good for you." Sabi ko sa kanya.

"Thank you, you're a good friend talaga." Savi nuto at nakuha pang magbeso-beso. Hindi na ako nag-salita at ngumiti na lamang, agad naman kaming umalis ng aking sekretarya at tumungo na pabalik.

Nang makarating sa company ay agad akong pumasok sa loob, at sa hindi malamang dahilan ay lagi kong nakikita si James kahit na ang laki laki nitong Company ko.

Dahil siya ay malapit na naglilinis sa may tabi ng elevator ay wala akong choice kundi lumapit sa kanya. Naglakad ako papalapit at naramdaman ko ang kanyang tingin ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Tila na-iimbyerna na ako dahil ang tagal dumating ng elevator kaya naman wala sa sariling naglakad ako para mag-take ng hagdan. Hihilahin ko na sana ang pinto papunta sa hagdanan ng maramdaman ko na may humawak sa aking siko, nang tignan ko ito ay si James ang aking nakita.

"Ma'am, bukas na yung elevator." Sabi niya, kinunutan ko siya ng noo dahil sa sinabi.

"Edi nakasara na iyon ngayon dahil nandito ka." Sabi ko

"Hinarang ko yung cleaning cart sa may pintuan para hindi magsara." Sabi naman niya pabalik

"Halika na Ma'am." Sabi nito at iginayak ako pabalik sa elevator.

Nakita kong iniharang nga niya ang kanyang cart sa may pintuan para hindi ito magsara, agad namang pumunta si James doon at kinuha ang kanyang cart, pumasok naman ako sa loob ng elevator habang siya ay nasa labas. Nagkatinginan kaming dalawa atbakmang mag-sasarado na ang pintuan ng harangin ko ito ng aking kamay.

"Thank you." Sabi ko sa kanya

"And, don't go home yet mamaya, antayin mo ako sa lobby." Dugtong ko, halata sa kanyang mukha ang pagka-lito  at magsasalita na sana siya ng inilayo ko na ang aking kamay sa bukana ng elevator. Huli na nang aking ma-realize ang sinabi at napahilot na lang ako sa aking sentido.

Caught In Your Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon