"Wala naman akong magagawa, diba?," sabi ko sa nanay ko bago ibaba ang telepono.
Ilang gabi na rin kaming nagtatalo sa isyung ito. Ilang gabi na niya akong pinipilit na umuwi sa probinsya para doon na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral ko.
Ilang gabi ko na siyang pinipilit na dalawang taon nalang naman ang kailangan para makapagtapos ako. Pinipilit niya kaming dalawa ni Caden na sa probinsya na manirahan at ipagpatuloy ang pag-aaral. Huling taon na ngayon ni Caden sa sekondarya at tamang tama ito para sa probinsya na lamang ipagpapatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo.
Tinignan ko si Caden na abala sa pagsusulat ng kanyang valedictory speech para sa nalalapit na pagtatapos niya ng sekondarya sa San Antonio National High School.
Ngumiti ako sakanya kahit hindi niya ako nakikita.
Hindi ko pa nasasabi sakanya ang gustong mangyari ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya dito. Hindi sila close ni Mama pero alam kong miss na miss na niya si Mama. Mahigit isang taon na rin noong huli naming siyang nakita.
"Caden," tawag ko sakanya. "Kain muna tayo bago mo gawin ulit yan." Agad naman niya itong sinunod at nilagay ang papel at ballpen sa gilid.
Sanay na kami ni Caden na kaming dalawa lang. Laging wala si Tita Imelda. Maagang pumapasok sa trabaho at late na rin umuuwi tuwing gabi. Nakakasabay lamang naming siya kapag kaininan na ng hapunan.
"Naku, Caden, paniguradong proud na proud ang Papa mo ngayon sayo sa langit," masayang paninimula ni Tita Imelda. Kapatid siya ni Papa. Isa si Tita Imelda sa nagpapaaral saamin ni Caden ngayon kaya ang laki ng utang na loob ko sakanya dahil pagkatapos maghiwalay ni Papa at ni Mama, siya na ang kumupkop saamin ni Caden dito sa pamamahay niya.
Hindi ko pa nasasabi kay Tita Imelda ang plano ni Mama.
"Tita, baka uuwi kami ni Caden sa Cagayan pagkatapos ng graduation niya." Unti unting nawala ang ngiti sa mukha ni Tita Imelda.
"Ganun ba? Naku, miss na miss ko na rin ang Cagayan. Kaso wala akong time para magbakasyon doon, eh," pilit ang kanyang ngiti.
Hindi nagkaroon ng pagkakataon na maging close si Mama at si Tita Imelda. Sinisisi ni Tita Imelda si Mama sa ginawang pagpapakamatay ni Papa ngunit hindi ko rin masisisi si Mama sa naging desisyon niya.
"Gusto rin ni Mama na doon na kami mag-aral ni Caden sa pasukan," alam kong hindi matutuwa si Tita Imelda sa balita ko ngunit kailangan kong sabihin sakanya ito dahil ngayong oras lamang ang pagkakataon ko.
Napatingin si Caden saakin at yumuko. Alam kong ayaw niyang bumalik sa Cagayan. Dahil kapag nangyari yun, tiyak maaalala niya na naman ang mga sakit na naidulot ng lugar na iyon saaming dalawa.
Bahagyang natigilan si Tita Imelda sa sinabi ko. "Mabuti yan para magkaroon kayo ng time na makasama ang Mama niyo." Pilit ang ngiti niya.
Ngumisi ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.
Kahit sabihing si Tita Imelda ang nagpapaaral saamin ni Caden, alam kong medyo nahihirapan na rin siya. Hindi niya kami tunay na mga anak. Alam kong hindi na rin siya nagkakaroon ng panahon na magsaya para sa sarili niya dahil laging kapakanan namin ni Caden ng iniisip niya. Yoon na lamang ang tangi niyang magagawa para kay Papa.
Inayos ko ang aming pinagkainan at nagsimulang maghugas na ng mga plato.
"Ate," tawag ni Caden saakin. Itinigil ko panandali ang ginagawa ko at tinignan siya. Malungkot ang kanyang mukha ngunit sinuklian ko ito ng ngiti. "Ready ka na ulit makita si Mama?"
Ngumiti ako sakanya. Tinulungan niya ako sa ginagawa ko.
Habang naghuhugas, nagkukwentuhan kaming dalawa. Nakikinig naman siya.
Kahit gaano ako kagalit kay Mama dahil sa mga nangyari, hindi ko pa rin maaaring kwestyunin ang mga ginagawa at mga desisyon niya. Kung para sakanya, yun ang tama, yun talaga ang gagawin niya. Alam ko sa sarili ko na nagawa lang ni Mama lahat ng mga yun dahil mahal niya kaming dalawa ni Caden.
Magkakaiba ang persepsyon ng mga tao. Kung para sa iba ay mali ang ginawa ni Mama, para sakanya ay yun ang nararapat dahil doon siya masaya. Hindi ako bias dahil nanay ko siya kundi dahil alam kong nasaktan lamang siya.
Kalaunan, pumayag din naman si Caden na uuwi kaming dalawa sa Cagayan at doon nalang magsimula ulit. Alam kong mahihirapan kaming dalawa sa panibagong pamumuhay ngunit aaminin ko, miss na miss ko na rin si Mama.
Kahit anong manyari, nanay pa rin naming siya. Kahit minsan ay baluktot ang mga naging desisyon niya, kailangan namin yung tanggapin dahil ina naming siya at dahil mahal naming siya.
Proud na proud ako kay Caden dahil nakapagtapos na siya ng sekondarya. Salitan kami ni Tita Imelda sa pagsabit ng mga medalya sakanya.
Pinunasan ko ang nagbabadyag luha na tutulo mula sa aking mata. Alam ng Diyos kung gaano ako ka-proud kay Caden ngayon.
Sana andito si Mama para makita niya na nakangiti si Caden sa araw ng pagtatapos niya. Sana buhay pa rin si Papa at siya naman ang kumukuha ng litrato habang sinasabit ni Mama ang mga medalya kay Caden.
Ngunit hindi na yun mangyayari. Ngumiti ako kay Caden at kay Tita Imelda habang kinukunan sila ng video.
Masaya ako para sa kapatid ko.
"Bukas na ba ang byahe niyo?" tanong bigla ni Tita Imelda. Tumango ako bilang sagot. Kumakain kaming tatlo ngayon sa Café Ysabel dito sa San Juan. Simpleng salu-salo. Malayo ang pinili naming restaurant dahil alam naming mapupuno ang mga restaurant malapit sa paaralan ni Caden.
Tumawag din kanina si Mama para batiin si Caden pagkatapos ng program sa school.
Hinatid kami ni Tita Imelda sa Florida Bus Terminal. After 10 hours, makakarating na kami ng Tuguegarao ni Caden.
Hinalikan ko sa pisngi si Tita Imelda na halatang malungkot sa pag-uwi namin ni Caden sa Cagayan.
"Thank you, Tita." Kulang ang isang simpleng pasasalamat para sa lahat ng ginawa ni Tita saamin ni Caden. Siya ang tumayong tatay at nanay saamin ni Caden nung nagkadeletche letche ang pamilya namin. Inampon kami ni Tita at dinala sa Taguig para doon na tumira dahil sa paghihiwalay ni Papa at ni Mama.
Nung nagpakamatay si Papa pagkatapos ng ilang buwan na hindi matanggap ang paghihiwalay nila, doon na nagdesisyon si Tita na pag-aralin kami ni Caden.
"Oh, siya. Mag-iingat kayo sa byahe. Iupdate mo ako sa byahe niyong dalawa. Kapag nagutom kayo, bumili kayo sa stopover. Nasa bag mo ba yung bonamine? Alam mo naman yang kapatid mo, hindi sanay sa byahe. Baka bumaliktad ang sikmura habang nasa byahe kayo."
Sunod sunod ang mga paalala ni Tita saamin.
"Tita naman, ginawa mo akong bata," sabi ni Caden kay Tita na mukhang nagpapacute pa.
Bago kami pumasok sa loob ng bus, niyakap muna namin ni Caden si Tita ng napakahigpit.
Alam ko naman na hindi ito ang huling beses na makikita naming siya pero sa tuwing iniisip ko na wala siyang kasama sa bahay pag-uwi niya, kinukurot ang puso ko.
Kung wala si Tita, hindi ko alam kung saan na kami ngayon ni Caden. Ang gulo gulo ng buhay ng pamilya ko apat na taon na ang nakakalipas. Kung wala siya, baka hindi na naming nagawa ang mag-aral ni Caden.
Nakuha na rin ni Caden ang mga credentials niya sa school. Naayos ko na rin ang mga dapat kong ayusin. Nakuha ko na ang mga papeles na kakailanganin ko para sa paglipat ko ng unibersidad sa Tuguegarao tulad ng mga certificate of eligibility to transfer, certified true copy of grades, at certificate of good moral character.
Isa lang ang panalangin ko sa ngayon, sana maging maayos ang lahat kahit labag sa kalooban ko ang pagbalik ng Cagayan at pag-iwan kay Tita mag-isa.
"Mag-iingat ka dito, Tita. Huwag kang mag-alala, kapag may chance, dadalaw kami ni Caden sa Fort Boni. Yung mga gamot mo, huwag mong kalimutan. Wala na ako para magluto ng masasarp na pagkain mo. Huwag kang magpapalipas ng gutom. Okay?"
Hindi pa kami nakakaalis ni Caden, namimiss ko na si Tita. Parang tunay na nanay na ang turing ko sakanya.
Pero may mga bagay na dapat tanggapin.
Sana sa pagtapak naming ni Caden sa Cagayan, maging okay ang lahat.