Chapter Seventeen

59 3 0
                                    

Napahaba ang kwentuhan naming dalawa tungkol sa nanay niya.

Naikukwento niya rin saakin ang mga masasayang panahon na nakasama niya ang kanyang ina.

Masaya ako para sakanya dahil kahit papaano, nararamdaman kong mahal na mahal siya ng kanyang Mama. Kahit siguro nasa kabilang buhay na ito, proud na proud siya kay Sir Byron.

Nakikita ko ang bawat ngiting gumiguhit sa kanyang mukha na alam kong walang filter, walang makakatumbas.

Nang malapit na ang tanghali, napagdesisyunan na naming umuwi dahil mainit na rin.

"Mass?" Pag-aanyaya niya daakin. Agad akong umiling.

Kahit aaminin ko na masaya ako na kasama ko siya at sumasabog na ang puso ko sa kasiyahan dahil sa pag-aya niya saakin ay inisip ko pa rin ang mga maaaring mangyari.

Paano na lang kung may makakita saaming kaklase ko o estudyante niya? Isang malaking iskandalo ito. Kahit ipaliwanag ko sa kanila na magkaibigan lang kami ni Sir Byron ay alam kong sarado ang mga utak nila para intindihin iyon.

Bumagsak ang kanyang balikat. Naisip niya rin siguro ang pangambang maaaring mangyari.

Hinatid niya na ako sa bahay.

"Salamat sa araw na ito," sabi ko.

Mabilis akong pumasok sa loob ng gate para makaalis na siya. Hindi sa ayaw ko siyang umalis agad ngunit baka makita pa siya ni Mama o di kaya ay ni Caden. Malalagot ako sa isang iyon.

Papasok na ako sa pintuan ng bahay nang nakita ko si Dominic.

"Dominic," bakas sa aking pagtawag sakanya ang pagkabigla.

"Saan ka galing?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Diyan lang," maikli kong sagot.

Napatingin siya sa hawak kong mga bulaklak.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Sumunod naman siya saakin.

"May gagawin ka ba?" Tanong saakin ni Dominic nang nasa loob na kaming dalawa.

Tinignan ko siya. Nakaayos siya. "Wala naman pero...," wala akong maisip na pwedeng maidugtong.

Nilapag ko ang mga bulaklak sa mesa. Mamaya ko nalang sila aayusin. Aasikasuhin ko muna si Dominic.

"Yayayain sana kitang magmass at early dinner," tanong niya saakin. Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam ang sasabihin. Hindi naman kasi mahilig si Dominic na mag-ayang lumabas.

Siguro ito na ang pagkakataon na magsama kami para mapunan ang mga araw na hindi kami nakapag-usap dahil sa pagiging abala ng bawat isa sa mga bagay bagay.

Sasagot na sana ako na pumapayag ako ngunit may narinig akong mga yapak galing sa hagdanan. Otowatikong napatingin ako sa direksyong iyon.

Pababa si Caden na walang suot na pang-itaas at magulo ang buhok. Halatang bagong gising.

Kumunot ang kanyang noo nang napansin niyang andito sa bahay si Dominic.

"Anong ginagawa mo dito, Dominic?" Wala akong nahimigang respeto mula kay Caden.

Tinapunan ko siya ng tingin ngunit nagkibit balikat lamang siya saakin.

Tinignan niya muli si Dominic at nag-aabang ng isasagot nito.

"Yayayain ko sana si Scarlette na magmass at early dinner sana," pag-uulit ni Dominic sa kanyang lintanya.

"May family dinner kami mamaya," walang amor na sagot ni Caden kay Dominic. Bumaba na ito at dumiretsyo sa kusina.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon