Chapter Thirty Nine

58 2 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko at hirap na hirap akong imulat ang aking mga mata.

Hindi ko na alam kung anong oras ako natulog dahil iyak lamang ako ng iyak saaking kwarto.

Bumaba ako nang narinig ko na may nagpapalitan nang sigawan.

"Wala kang hiya sa katawan mo!"

Alam kong si Caden iyon.

Nakita kong umiiyak si Mama sa isang tabi. Nasa isang sulok si Manang Lorna at iyong isa pang katulong. Mukhang takot silang lumapit sa dalawa.

"Wala kang alam!" Iyon lamang ang nasabi ni Mama.

Walang alam? Napangiwi ako.

"Walang alam?" Pasigaw na sabi ni Caden. "Alam mo bang yang kalaguyo mo ay tatay ng girlfriend ko? Alam mo ba yun, ha?!"

Napapikit ako dahil sa mga emosyong bumabalot sa bahay.

Napaupo si Caden at biglang umiyak.

Gusto ko siyang lapitan, gusto kong pagaanin ang kanyang loob pero para sa sarili ko ay hindi ko magawa.

"Ngayon, iniwan na niya ako. Sana masaya ka na," mahinang sabi ni Caden para kay Mama.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang bumuhos. Hindi na maayos ang paningin ko dahil sa tubig na nag-ookyupa sa aking mukha.

Kahit gaano ako kadalas magpahid ay parang alon na bumubuhos ang mga ito.

"Hindi niyo ako maintindihan," namamaos na sabi ni Mama.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili.

"Hindi maintindihan?" Wala sa sarili kong bulalas. "Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit nakayang magpakamatay ni Papa para sayo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan na kahit patay na si Papa ay nagawa mo pa ring ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon."

Pinunasan ko muli ang mga luha saaking mukha.

"Masaya ka na ba na pati mga anak mo, nagiging miserable na rin? Hindi ko alam kung deserve ba namin ito."

Hindi ko na nakayanan pa ang emosyon ko. Tumakbo na ako palabas ng bahay.

Nakita ko ang Hilux ni Byron na nakaparke sa hindi kalayuan.

Tinitigan ko lamang ito ng matagal at hindi nagtangkang humakbang palapit dito.

Maraming dumadaang tao sa paligid at nakatingin saakin. Wala na akong pakealam kung anong hitsura ko ngayon.

Napansin ko na lamang na bumaba si Byron sa kanyang sasakyan. Pinili kong ngumiti sakanya pero nagmukha ata iyong pangingilo.

Nang malapit na siya ay agad ko siyang niyakap ng napakahigpit at humagulgol na ako sakanyang balikat.

Naramdaman ko ang paghagod niya ng aking likuran.

"Magiging maayos din ang lahat," pagpapaalala niya saakin.

Umiling ako. Hindi na ata magiging maayos ang lahat. Hindi ako aasa na magiging maayos ang lahat. Wala ng pag-asa pa.

"Pwede bang sa bahay niyo na muna ako tumuloy?"

Hindi ko alam kung anong nakain ko at nasabi ko iyon sakanya.

Tatlong araw na ako dito sa Baey Tako at tatlong araw na niya rin akong sinasamahn. Ibig sabihin, tatlong araw na kaming parehong hindi pumapasok.

"Kailangan mo ng pumasok," sabi ko habang iniinom ang kapeng ibinigay niya saakin.

"Mas kailangan mo ako sa tabi ko," ngumiti ako ng mapait sakanya at ipinagpatuloy ang pag-inom ng aking kape.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon