Ang bilis bilis ng takbo ng puso ko. Isang simpleng tawag lang mula sakanya ay naririnig ko na ang lakas ng tibok ng puso ko.
"H-hello..," hindi ko makapa ang mga tamang salita na maaaring sabihin.
"Saan ka?" Mahinahon ang kayang pagkatanong.
"Bahay na. Bakit?" Abot abot ang sayang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako mapakali. Ang daming ideyang pumapasok sa isip ko. Ngunit kailangan ko ng kompirmasyon sa mga ito.
"I thought... Hindi ka aalis ng CWalk. May ibibigay lang sana ako." Narinig ko ang kanyang buntong hininga.
Ngayon, nakuha ko na ang kanina ko pa gustong malaman. Nabuo ang isang ngiti saaking mukha.
"Importante ba yang ibibigay mo?" Pormal na pagkakatanong ko, itinatago ang sayang nararamdaman.
Ako lang din pala ang dahilan kung bakit hindi niya ako napansin kaninang pumasok siya ng eskwelahan. Ako pala iyong pupuntahan niya sa CWalk.
"Hindi naman. Ipunta ko nalang sa bahay niyo..."
"Huwag!" Mabilis kong pag-alma. "Ano kasi... Andito sa bahay si Dominic."
Halata sa tono ko ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"May gagawin ba kayo?"
Hindi ko alam kung bakit ko niyaya si Dominic na bumisita dito sa bahay. Hindi naman pwede na paalisin ko na siya dahil papunta si Sir Byron dito. Hindi rin pwedeng pumunta si Sir Byron dito sa bahay para ibigay ang kanyang sinasabi dahil paniguradong magkikita sila ni Dominic.
Hindi ko pa naihahanda ang sarili ko sa tagpong iyon.
"Catch up lang. Pwedeng mamayang gabi mo nalang ibigay. Unless perishable yan."
"Okay."
Nahimigan ko ang matamlay niyang boses sa kabila ng pagiging malalim nito at malamig.
Bumaba ako agad matapos gawin ang mga kailangan kong gawin.
Naabutan ko si Dominic na nanonood ng telebisyon. May meryenda na rin sa kanyang tabi.
"Pasensya kung natagalan ako."
Tumingin siya saakin ng diretsyo. "Ayos lang."
Dinaluhan ko siya sa sofa at sabay kaming nanonood ng isang palabas tungkol sa mag-asawang mayaman dahil sa langis.
Marami kaming napagkwentuhan. Madalas ang tungkol sa eskwela, sa hirap ng mga subjects niya dahil sa kanyang course at lalong lalo na dahil nasa critical level na raw siya.
"Sana ay nasa ikatlong taon na rin ako kung sakali no?" Naramdaman ko ang barang bumalot sa lalamunan ko. Hindi ito ang tamang panahon para magdrama kay Dominic.
Bumalik ang lahat ng alaala ng nakaraan. Naramdaman ko ang init sa gilid ng aking mga mata.
"Ayos ka lang?" Tumango ako sa kanyang tanong at nginitian siya.
Sa bahay na rin siya naghapunan. Walang Caden na umuwi dahil nagkayayaan daw sila ng kanyang mga kaklase.
Tumawag siya kaninang alas nuebe para sabihing hindi siya makakauwi at sabihin ko na lamang kay Mama. Hindi pa rin sila nagkakaayos na dalawa.
"Huwag na naman marami ang inumin, okay?" Pagpapaalala ko sakanya. "Kasama mo ba si Vince o kayong magkakaklase lang?"
"Walang Vince dito. Tsaka, sa bahay nalang ako ng kaklase ko matutulog. Don't worry, konting alak lang. I love you," agad niyang binaba ang tawag.
Alam ko kung kailan may tama na ba ang isang tao sa alak. Nasanay ako sa mga pinupuntahan kong mga gig sa Taguig.
From: Sir Byron