Magaling makisama si Byron sa kahit na sino kaya't napapansin ko ang kanyang effort kung paano kausapin si Justin.
"Matagal ka nang tumutugtog?" Nakangiting paninimula ni Byron.
"Oo," maiksi niyang sagot at nilagok ang isang baso ng paborito niyang alak.
Sa mga sumunod na gabi ay ganon ang mga kaganapan. Hindi pa rin makuha ni Byron ang loob ni Justin.
"Anong problema ng kaibigan mo saakin?" Tanong niya isang araw. Umirap ako.
Sinabi ko sakanya na huwag na niyang gugulin pa ang panahon niya para makuha ang loob ni Justin dahil mapapagod lang siya ngunit mapilit kasi siya. Ngayon, magrereklamo siya saakin.
"Ganun talaga si Justin. Ayaw niyang may napapalapit na lalaki saakin," sagot ko.
Tinignan niya ako ng masama. "May gusto pa rin siya sayo," deklara niya. Nahihilo na ako sa pag-irap sakanya.
Ano bang nangyayari sa isang ito?!
"Byron, matagal na kaming wala. Hindi na kami noong nakilala mo ako. Ano bang ipinagpuputok ng buchi mo?" Napasinghap ako. Hindi ko siya maintidihan.
"Hindi ko alam kung bakit nagsasayang ako ng panahon na makuha ang loob ng ex mo. Para bang kailangan ko ng kanyang kompirmasyon para sayo," naramdaman ang ang pagiging frustrated ng kanyang boses.
Sinapo ko ang aking noo. "Sino ba kasing nagsabi sayo na gawin mo iyon? Wala naman, diba?"
"Oo, wala nga. Pero sa tuwing magkasama tayong tatlo, parang ako iyong panira. Ako iyong wala lang," aniya. Sumeryoso ang kanyang mukha. "Kahit nga wala ako, ayos lang. Nakikita ko yung koneksyon niyong dalawa na wala saatin."
Nalaglag ang panga ko. Ayokong mag-assume sa nararamdaman ko pero...
"Nagseselos ka ba kay Justin?"
"Oo! Selos na selos!" Napalakas na sabi niya. Ngumiti ako sa kanyang naging sagot. "Huwag kang ngumiti! Naiinis pa rin ako."
Mas lumapad ang ngiti saaking mga labi. "Bakit ka nagseselos? Ano ba tayo?"
Umigting ang kanyang panga. "Scar..." Tawag niya saakin. Ang sarap sa pandinig ang malalim niyang boses.
"Ano yun, By..." May naglalarong ngiti saaking mga labi.
"Ano nga ba tayo, Scarlette?" Bumagsak ang kanyang paningin sa baba.
"Ikaw...ano tayo?"
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang tawag sa namamagitan saaming dalawa. Wala talaga akong maipangalan sa nararamdaman ko sakanya.
Gusto kong magmula sakanya kung ano ang namamagitan saaming dalawa. Ayokong mag-assume. Masaya na ako sa nararamdaman ko. Ayokong maging mali ang iniisip ko kaya't sasarilinin ko nalang para kung sakaling hindi tunay, ako lang ang makakaalam.
Kung sakali mang pareho kami ng nararamdaman ay mas maganda.
Nag-antay ako ng maaari niyang isagot ngunit parang habang buhay akong mag-aantay sa kanyang kompirmasyon.
Siguro nga ay mali ako. Siguro nga ay walang higit, laging kulang lang.
"Siguro nga ay magkaibigan lang tayo," sagot ko. Maling mali ako. Hindi humigit sa pagkakaibigan ang namamagitan saaming dalawa. Laging kulang.
"Magkaibigan," pag-uulit niya na para bang bagong termino iyon sakanya.
Tumango ako. Sige, magkaibigan lang kami. Hanggang doon na nga lang siguro kami.
Hindi ganun kadalas ang palitan ng aming mga mensahe. Gabi gabi ay lagi kong inaabangan ang kanyang tawag ngunit wala.
Nang dumating ang pasko ay pinadalhan niya lamang ako ng mga bulaklak. Hindi siya nagpakita saakin sa araw na iyon.