Chapter Forty Six

60 2 0
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil tatlong araw na ako dito sa Tuguegarao ay hindi ko pa rin nakikita si Byron.

"Kailan tayo pupunta ng Sta. Ana?" Hindi pa rin nawawala sa isip ni Ana ang dagat.

Biglang tumawa si Caden. "Pupunta si Ana sa Sta. Ana," pinipigilan niyang lumakas ang tawa niya dahil nasa harap kami ng hapag ngayon.

Napangiti ako. Inirapan ni Ana si Caden.

"Bukas makalawa nalang tayo pupunta," pagpapagaan ni Mama sa loob ni Ana.

Lagi kasing niloloko ni Caden si Ana na walang dagat dito sa Tuguegarao at mas lalo siyang nainis ng nalaman niya mula kay Mama na wala talaga.

Hindi niya alam kung paano ibubuhos lahat ng galit niya kay Caden dahil lagi niya itong niloloko.

"Tita, may iba pa bang  pwedeng puntahan na malapit lang dito sa Tuguegarao?" Tanong ni Ana bago isinubo ang kanyang pagkain.

Tumango si Mama. "Sa Callao," simpleng sagot ni Mama. "Sakto, hindi pa nakakapunta si Caden at Scarlette doon."

Bigla akong nasamid sa kapeng iniinom ko. Shit! Ang init!

"Ayos ka lang?" Tumango ako sa katanungan ni Ana habang hinahagod niya ang aking likod.

"Ayokong pumunta ng Callao, Ma," agap ko nang nahimasmasan na ako.

"Bakit?"

Wala akong mahanap na maaaring maging sagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ayokong pumunta dahil maaalala ko lahat lahat ng ginawa namin ni Byron doon at mapapaamin ako sakanila na miss na miss ko na siya.

"Tinatamad akong pumunta," biglang sabi ni Caden.

Inirapan ni Ana si Caden. "Lahat naman ng gusto ko, ayaw mo!" Padabog siyang kumain.

Napangiti si Mama sa naging reaksyon ni Ana. "Mga kabataan talaga ngayon."

Napangiti na rin ako dahil ang gandang tignan na nakabusangot si Ana habang nakatingin ng masama si Caden sakanya.

Ngayon ko lang ulit nakita si Caden na nagpapapansin sa ibang babae.

"Huwag kang sasama sa Sta. Ana!" Tinuro ni Ana si Caden.

"Walang magmamaneho. Hindi ka rin makakapunta kung hindi ako sasama."

"Duh! May drayber naman si Tita Helga!"

Natawa si Caden. "Sige, hanapin mo yung drayber ni Mama."

Umuwi sakanila iyong drayber ni Mama dahil magtatapos ng elementarya iyong panganay niya.

"Tumigil na nga kayo. Maghanda na kayo para makapunta na tayo ng St. Louis mamaya," ani Mama.

Ngayon kasi ang pagtatapos nila Dominic.

Bigla akong ginapangan ng kaba sa aking dibdib.

Ilang buwan na ba ang nakakaraan noong huli akong nakaapak sa St. Louis? Nakakamiss pala sa pakiramdam.

Sa high school gate idinaan ni Caden ang sasakyan. Pareho kaming nakaupo ni Ana sa back seat at si Mama naman ang nakaupo sa passenger seat.

Walang masyadong nagbago sa lugar. Parang nararamdaman ko para kay Byron, walang nagbago. Ganun pa rin. Mahal na mahal ko pa rin siya.

Umiling iling ako at napatingin si Ana saaking gawi. Nakakunot ang noo na wari'y nagtataka sa mga kinikilos ko.

Pakiramdam ko ay ang bagal bagal ng oras dahil ang tagal matapos ng programa.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon