Laging inaantay ni Byron na matapos ang klase ko. Gabi gabi niya akong inaantay sa Lace nang sa ganon ay walang makapansin saamin ngunit kahit ganon ay nagpapasalamat pa rin ako na wala pa ring nakakaalam sa kanyang Hilux maliban kay Annabeth.
"See you at my class tomorrow," narinig ko ang pagtawa niya.
Inirapan ko siya. Ilang beses na niya akong tinatawag sa kanyang klase. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari pero mukhang masaya naman siya.
Kaya't wala akong magawa kundi ang mag-advance reading.
"Huwag ka nang magbasa mamaya."
"Bakit?" Tanong ko sakanya. Nakita kong paliko na kami para dumaan sa drive thru.
"Nawawalan ka na ng oras saakin," narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
Ngumuso ako.
Ayaw na ayaw niyang nagbabasa ako tuwing gabi dahil hindi niya raw ako nakakausap ng matagal.
Ayaw na ayaw niya ring nagpupuyat ako.
"Huwag mo na kasi akong tawagin bukas sa klase mo," ani ko.
"Pag-iisipan ko," aniya.
"Sige, magpupuyat ako mamaya para magbasa," pambabanta ko sakanya.
Malapit na kami sa bahay.
"Scarlette," maotoridad niyang pagtawag sa aking pangalan. "Huwag mong susubukan."
Kinilabutan ako sa narinig ko.
Nasa labas na kami ng bahay.
"Masusunod po." At bigla ko siyang hinalikan sa pisngi. Isang mabilis lamang iyon pero nakita ko ang pagkagulat sakanyang mukha.
Napangiti ako sa kanyang reaksyon.
"Byron!" Tawag ko sakanya sabay tawa. "Papasok na ako ng bahay."
Bago pa siya makasagot ay binuksan ko na agad ang pintuan ng kanyang sasakyan at tumakbo papasok ng bahay pagkatapos kong isara ang pintuan.
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa ko. Ngayon ko lamang iyon nagawa sakanya.
Nakakahiya mang aminin pero kinikilig na naman ako.
Bago ko buksan ang pintuan ng bahay ay narinig ko na ang palitan ng sigawan ni Mama at ni Caden.
Agad akong tumakbo papasok ng bahay.
"Nakakahiya yang ginagawa mo!" Sigaw ni Caden kay Mama na umiiyak na.
Hindi nagsasalita si Mama at humihikbi lamang siya.
Nasa gilid naman ni Mama si Manang Lorna na hinahagod ang likod nito.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sakanila pero ni isa ay walang sumagot.
Tumingin ako sa isa pang kasambahay pero yumuko lamang siya.
"Caden...."
"Huwag mo akong matawag tawag na Caden. Putangina!"
Napapikit ako sa pagmumurang ginawa ni Caden.
Mas lumakas ang mga hikbi ni Mama dahil sa pagmumura ni Caden sakanya.
"Caden," lumapit ako sakanya. "Anong nangyari?"
Tinignan niya lamang ako. Mapupungay ang kanyang mga mata. Parang kagagaling niya lamang sa pag-iyak.
May ideya ako kung anong pinagtatalunan nilang dalawa pero hindi ko alam kung paano na naman humantong sa ganito.