Chapter Forty Two

63 2 0
                                    

"Scarlette, papasok na ako," pagpapaalam ni Ana saakin.

Nginitian ko siya bago niya naisarado ang pintuan ng bahay.

Hindi ko alam kung nasaan si Caden ngayon. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam kong kailangan niyang maghanap ng pampalipas oras. Masyado nang maraming nangyari at kailangan niyang ipaalala sa kanyang sarili na kailangang niyang maglibang kahit paminsan minsan lang.

Naghahanap ako ng maaaring gawing libangan dahil masyadong nakakalungkot ang aura dito sa loob ng bahay.

Hindi na rin ako nakakatanggap pa ng kung anu anong mensahe sa kahit na sino. Nagpalit na ako ng numero. Isang hakbang para makalimot.

Hindi ko naman kailangang magbura ng social media accounts dahil hindi ako mahilig doon. Hindi ko masyadong iisipin kung sakaling may magparamdam man na kaibigan, mas lalo na kung si Byron.

Nakaramdam ako ng lungkot nang naalala ko na naman siya. Hindi ko siya kailanman nakalimutan. Sadyang gumagawa lamang ako ng paraan para hindi siya masyadong maisip.

Sawa na akong nagmumukmok na lamang sa isang sulok ng aking kwarto.

Mabuti na lamang at lagi akong dinadalaw ni Justin dito sa bahay. Kahit papaano ay gumagaan ang aking loob lalo na tuwing sinasama niya ako sa gig niya.

Naisipan kong magpatugtog gamit ang youtube.

Pagkabukas na pagkabukas ko sa youtube app saaking cellhone ay agad bumungad saaking sa recommended portion ang isang video ni Byron.

Walang pasakalye ko itong binuksan. Kahit gaano ko man itago ang tunay kong nararamdaman, hindi maaalis na talagang namimiss ko na siya.

Sometimes I feel like I'm all alone

Wondering of what have I done wrong

Maybe I'm just misssing you all along

When will you be coming home

Back to me

Hindi mapagkakaila ang pagiging makisig ni Byron. Pero hindi nakawala saakin na hindi mapansin ang nangingitim na gilid ng kanyang mata.

There were times

I felt like giving up

Haunted by memories I can't give up

Wish that I never let you go and slip away

Had enough reasons for you to stay

Parang tinutusok ako sa bawat likiro na nagmumula sa kanyang bibig.

Gusto ko na sanang itigil pero parang hindi ko magalaw ang aking mga kamay.

Can you feel me?

See me falling away

Did you hear me?

I'm calling out your name

Cause I'm barely hanging on

Baby, you need to come home back to me

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nilagay ko ang kamay ko sa aking bibig.

Hindi ko alam kung para saan pa itong ginagawa ko dahil kahit humagulgol ako dito, walang makakarinig.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon