Chapter Forty

69 2 0
                                    

"Scarlette..."

Wala pa rin akong makuhang sagot mula kay Byron.

"Gusto mo bang mag-Law?" Tanong ko sakanya.

"Hindi na. Hindi ko na priority yun," simple niyang sagot habang nakatigin sa telebisyon.

Nafrustrate ako sa naging sagot niya. Napapikit ako dahil alam ko ang ibig niyang sabihin.

"Pero gusto kong ituloy mo..." Pagpupumilit ko sakanya, malay mo kagatin niya

"Scarlette, pwede bang huwag na muna nating pag-usapan ito?"

"Lagi nalang naman ganyan..." Humina ang aking boses.

Sa tuwing may gusto akong pag-usapan tungkol saaming dalawa o kahit tungkol lamang sakanya ay gagawa at gagawa siya ng paraan para hindi namin ito pag-usapan.

Laging ganon. Laging siya ang nasusunod.

Napasinghap ako.

"Ikaw bahala. Pero gusto kong ituloy mo." Pinal kong sabi.

Ang ingay na lamang sa telebisyon ang bumabalot sa buong lugar.

Kung hindi ko naging instructor si Byron, malamang ay nasa ikalawang taon na siya sa pag-aaral ng Law. Malamang hindi siya gumagawa ng mga desisyon ngayon na may naaapektuhang ibang tao.

Marami akong gustong itanong kay Byron dahil hindi ko kayang kakaunti lamang ang alam ko tungkol sakanya.

Parang laging kulang.

Parang hindi ko siya lubusang kilala. Parang hindi ang tunay na Byron ang nakakausap at nakakasama ko.

Iba sa pakiramdam na parang may itinatagong sikreto sayo ang lalaking halos ipakita mo na sakanya ang buong pagkatao mo. Pati ang problema ko saamin ay alam niya.

Pakiramdam ko, napaka-unfair ng ginagawa niya sakin.

"Gusto ko nang umuwi," nagulat si Byron sa aking sinabi.

"Ngayon? Gabi na," napaupo siya sa pagkakahiga niya.

Sabado ng gabi ngayon at ilang araw ko na siyang inaabala. Ilang araw na rin akong walang balita sa kung anong nangyayari sa bahay dahil hanggang ngayon ay nakapatay pa rin ang aking cellphone.

"Naisip ko kasing kailangan din ako sa bahay. Hindi naman habang buhay na tatakasan ko ang mga problema," oo, yun ang una kong naisip kung bakit kailangan ko ng umuwi. Naisip ko rin na kailangan ko nang huwag abalahin pa si Byron. Ilang araw na siyang hindi pumapasok dahil sa pag-aalala niya saakin.

Ni minsan ay hindi niya ako sinabihang kailangan ko ng pumasok dahil alam niyang wala pa akong lakas, hindi ko pa kaya.

Sa bahay at sa eskwelahan ang mga problema ko. Doon ang Pandemonium ko. Sa tabi niya ang Euphoria ko.

Kinabukasan ay hinatid na niya ako sa aming bahay.

Hindi sa kalayuan niya ipinarada ang kanyang Hilux dahil may isang hindi kilalang sasakyan ang nakaparada sa mismong harapan ng aming gate.

Napakunot ako ng noo ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

"Magtext ka kung may problema, okay?" Aniya at hinalikan niya ako.

Tumango ako at binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan.

Nagtataka pa rin ako kung kanino ang sasakyang nakaparada. Ayokong isipin na si Leo iyon.

Uminit ang ulo ko dahil sa naiisip ko.

Ngunit, ibang tao ang nadatnan ko. Isang taong hindi ko inaasahan.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon