Chapter Four

101 5 0
                                    

Mabilis nagdaan ang mga araw at ngayong ay pasukan na.

Medyo excited ako pero medyo tinatamad din kasi paniguradong hindi pa naman magtuturo ang mga instructors.

Hinatid kami ng driver ni Mama sa school.

Abala si Caden na tinitignan ang schedule ko.

"May pareho tayong vacant dito oh."

Siguro sa first week ng semester na ito ay si Caden ang makakasama ko dahil wala naman kaming masyadong kilala.

Nakakahiya naman kung magpapasama kaming dalawa kay Dominic. May mga kaibigan din naman siya.

"Itext mo nalang ako kapag palabas ka na ng room mo."

Magkaiba kami ng building ni Caden.

Dahil Pharmacy ang kurso niya ay sa extension ang madalas niyang classroom.

Samantalang sa E building at N building lang ang mga klase ko.

"Libre mo ba ulit ang lunch ko ngayon?"

Tinignan ko siya ng matalim. Umaabuso na tong isang ito ah. Baka masanay na ayos lang saakin na ilibre siya lagi.

"Just kidding. My treat this time."

Parehong 7:30 ang first class namin kaya sabay kami tuwing MWF pero 9 AM ang una kong klase kapag TTh kaya mauunang papasok si Caden saakin.

Nauna akong bumaba sa sasakyan dahil sa main gate ako papasok samantalang sa extension papasok si Caden kaya naiwan muna siya.

Mabilis natapos ang ilang oras at tuwing may vacant ako ay sa library ako pumupunta. Kung anu-anong libro ang kinukuha ko para masabing busy ako.

Nagkukunwari akong nagbabasa at iniintindi ang mga nababasa ngunit ayokong lokohin ang sarili ko na dahil ni isang salita ay wala akong naaalala.

Wala pa akong kilala sa mga kaklase ko at iba't ibang set ang mga kaklase ko.

Hay, wala ata akong magiging kaibigan kahit isa sakanila.

Ang hirap talaga kapag transferee!

Siguro pagkatapos ng ilang araw ay makakahanp din ako ng taong makakasama ko bukod kay Caden at Dominic.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang may mensahe mula kay Caden.

From Caden:

Heard about the latest news?

Agad akong nagreply sa kanyang mensahe.

To Caden:

Ano?

Huminga ako ng malalim. Konting minute nalang at tutunog na ang bell. Sa oras na yun, may pasok na ulit ako.

From Caden:

ANG BORING NG INSTRUCTOR KO!

Napangiti ako sa mensahe ni Caden. Ang kulit talaga ng isang yun.

Hindi ko na nagawang magreply sakanya dahil tumunog na ang bell hudyat na kailangan ko ng pumasok sa susumod kong klase.

Binigay ko ang card number ko sa baggage counter ng library. Ngumiti ang babae saakin kaya sinuklian ko siya ng ngiti.

Well, dapat lahat ng nasa baggage counter sa library ay katulad niya.

Kinuha ko ang gamit ko para makapasok na agad.

Bumaba ako papuntang E Building dahil doon ang susunod kong klase.

Hindi pa naman ako late pero masyadong marami ng estudyante ang nakaupo sa kanya-kanya nilang upuan.

Umupo ako sa pinakalikod dahil wala ng bakante sa harapan. Sa ganitong pwesto, tiyak na mahihirapan akong makinig sa ituturo ng instructor namin dahil may masamang espirito na laging nasa likod na hahayaan ang patulugin hanggang sa hindi ka na nga talaga makinig sa discussion.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon