Chapter Fifteen

60 3 0
                                    

Nagpawala siya ng nakakalokang ngiti. Nalunod na naman ako.

Tulad noong nakaraan, pumunta ulit kami sa isang fastfood para kumain ng dinner.

Malapit na kami nang tumunog ang aking cellphone.

"Tita," masaya kong bati kay Tita Imelda. "Kamusta na?"

Miss na miss ko na si Tita.

"Ayos lang. Kayo ni Caden, kamusta na kayo diyan? Magkasama ba kayo?"

"Hindi po. Bakit?"

"Akala ko magkasama kayo. Tumawag ako kanina pero ang sabi niya, may pupuntahan daw kayo," napakunot ako ng noo.

Iniba agad ni Tita Imelda ang usapan. Marami siyang ibinalita saaking nangyayari sakanya lalo na sa kanyang trabaho.

"Congrats, Tita. Deserve mo yan. Ang galing mo kaya," masaya kong sagot sa balita niyang napromote siya sa trabaho.

Marami pang sinabing abilin si Tita saakin bago siya nagpaalam.

May bago siyang kasama sa bahay. Babaeng pinag-aaral niya dahil hindi kayang pag-aralin ng kasamahan ni Tita sa trabaho.

Ang saya ko para kay Tita. Napansin ni Sir Byron na kanina pa ako nakangiti.

"Tita ko, napromote kasi sa work niya," pagbabalita ko.

Naikwento ko na noong nakaraan kay Sir Caden ang tungkol kay Tita Imelda.

"Congrats sakanya. And because of that, let's celebrate," narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. Nakakarelax. Ang sarap sa pandinig.

Ilang beses kong pinilit sakanya na ako ang taya ngayon pero ayaw niyang magpatalo. Kaya naman ay siya pa rin ang magbabayad ng kinain naming dalawa.

Hindi puno ang fastfood na ito, hindi tulad noong nakaraan. Kaya naman ay hindi na ako nag-abala pang maghanap muna ng mauupuan. Marami namang bakante.

Nakangiti ang babaeng cashier na kumukuha ng order ni Sir Caden.

Umirap ako sakanya pero hindi ko pinakita sakanya ang pagkainis ko.

Nakakainis kasi ang taglay na kagwapuhan at kakisigan ng lalaking kasama ko.

Inulit ng babae ang order ni Sir Byron bago inabot ang bayad ni Sir.

Halatang nagpapa-cute ang isang ito at ang manhid naman ng lalaking kasama ko dahil hindi niya man lang mapansin na kumikislap ang mga mata ng babaeng nasa harap niya.

"Wala ka ng gusto?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala na." Halos lahat ata ng maaaring iorder ay naorder na niya. Ang dami dami niyang inorder. Hindi naman niya ako naabisuhan na gutom na gutom pala siya.

Nang nakumpleto na ang mga order ay naghanap na kami ng mauupuan. Medyo may kalayuan ang napili ko.

Hindi ako mapalagay sa mga matang nakatitig saamin lalo na sa kasama ko.

Sana ay walang nakakakilala saaming dalawa dito.

Tulad dati ay nagkukwentuhan kami tungkol sa mga personal na bagay saaming dalawa.

Ang saya saya niya talagang kasama.

"Tignan mo yung damit nung lalaki," may itinuro siyang direksyon. Pasimple akong lumingon para hindi halata.

Narinig ko ang halakhak niya. Napatawa na rin ako.

"Mapanglait ka," pagsusuway ko sakanya pero hindi ko rin mapigilan ang pagtawa ko. Nakakahawa rin ang kanyang tawa.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon