Chapter Twenty Four

49 1 0
                                    

Gumihit sa kanyang mukha ang isang mapait na ngiti.

"Anong ginagawa mo rito?" Pag-uulit ko sakanya sa aking katanungan.

Ano nga ba ang ginagawa ng isang Byron Emil dito dahil sa pagkakaalam ko ay dapat nasa Tuguegarao siya habang abala siya sa pagcecheck ng aming test papers.

"Ayaw mo ba na andito ako?" Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

Sa totoo lang ay tuwang tuwa ako, nagdiriwang ang puso ko ngayon. Ngunit paano ko maisasagawa ang plano kong paglayo sakanya kung sinusundan niya ako.

Tahimik lang kaming dalawa nang nagbayad na ako sa counter. Bigla niya akong hinigit palabas ng mall pagkatapos.

Hindi masakit ngunit hindi ako makawala sa mahigpit niyang pagkakahawak. "Teka, saan tayo pupunta?"

Hindi siya nagsalita hanggang sa nakarating kami sa parking lot ng mall.

"May problema ka ba saakin?"

"Wala!"

"Sa pagkakatanda ko, bago ka bumalik dito, maayos pa tayo," mariin niyang sabi. Tumigil kami sa tabi ng isang sasakyang kulay puti.

Pumikit ako. "Anong gusto mong gawin ko?" Naghimigan ko ang pagiging frustrated ng aking boses. Sinapo ko ang aking noo.

Mabilis ang paghinga naming dalawa.

"Bakit ganyan ka makitungo saakin?"

"Bakit? Paano ba dapat makitungo ang isang estudyante sa kanyang guro?" Natigil siya sa aking tanong. Bumuga ako ng isang malakas na hininga. "Ano, Sir Byron, sagutin mo nga ako. Paano ba dapat?"

Hindi siya makasagot saaking tanong. Kalahati ng aking sistema ay nanlumo dahil umaasa akong may maisasagot siya saakin. Umaasa ako na baka maaaring pwede ito, na baka pwede kami.

Gusto kong tumakbo palayo sakanya. Gusto kong hindi makita ang kanyang mukha. Nawawala ako sa sarili ko sa tuwing andyan siya. Hindi ako yung Scarlette tuwing nakapaligid siya saakin, parang panibagong tao ako.

Ngumisi ako. "Tignan mo, wala kang maisagot. Hindi naman kasi katanggap tanggap ang sagot na mali, diba? Hinding hindi matatanggap ang isang kamalian lalo na sa mapanghusgang lipunan."

Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Napangisi ako nang naalala ko ang sinabi ko sakanya.

"Manong, dito na," inabot ko ang bayad sa taxi drayber na sinakyan ko.

Agad akong bumaba at pumasok sa bahay.

"Ang aga mo ata," nakita ko si Tita Imelda at si Ana na nanonood ng telebisyon.

"Nakakapagod gumala." Agad akong pumasok sa aking kwarto.

Nilulunod ko na naman ang aking sarili sa pag-iisip habang sinasabayan ng tugtuging nagmumula sa aking iPad.

Gusto kong itulog ang lahat. Gusto kong kumala sa mga iniisip ko.

Hindi ko alam kung paano ako napasok sa ganitong sitwasyon. Ang sarili ko ba ang dapat kong sisihin dahil sa simula't sapul ay hinayaan kong umusbong itong nararamdaman ko para kay Sir Byron?

Aaminin ko, hindi mahirap magustuhan ang katulad niya lalo na sa mga ipinakita niya saakin. Sa palagay ko nga ay sobrang nahulog na ako sakanya, yung sobrang lalim na hindi ko kayang umahon.

Naninikip ang aking dibdib habang pinagmamasdan ang screen ng aking cellphone, nakikita ang pangalan ni Sir Byron na kasalukuyang tumatawag.

Bumuntong hininga muna ako bago ko ito sinagot.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon