Chapter Forty Eight

61 2 0
                                    

Halos pwersahin ko na ang aking boses na gabi gabi kong pagkanta nang bumalik kami sa Taguig.

"Ipahinga mo naman na yang boses mo," pagrereklamo ni Justin saakin. Nilagok niya ang isang baso ng Hennessey.

Ito na lamang ang paraan ko para makalimot. Ito na lamang ang paraan ko para hindi patuloy ang paglabas ng mga imahe saaking utak.

"Just, isang lagok lang, please?"

Walang nagawa si Justin at Kenjie nang inagaw ko kay Kenjie ang baso ng alak na hawak niya.

Naramdaman ko ang init ng alak na dumaloy saaking lalamunan.

Limang linggo kong pwinersa ang aking boses para lamang makalimot kaya't nang pabalik na kami ng Biñan ay halos hindi na ako makapagsalita dahil sa pamamaos.

Nakalimutan ko kasi ang pakiramdam na sumaya sa tulong ng pagkanta. Umiikot sa pagkanta ang mga nararamdaman ko.

"Saan ka mag-oojt ngayon?" Tanong saakin ni Caden isang araw.

Nagkibit ako ng aking balikat.

Hindi ko alam kung saan ako idedeploy ng eskwelahan. Wala lang naman saakin kung sakali.

Abala kaming kumakain nila Ana at Quinn.

Nakakatawa dahil kahit ilang beses kong ipagtulakan si Quinn ay hindi siya sumukong makipagkaibigan saakin.

Sinabihan ako noon ni Ana na bigyan ko siya ng pagkakataon na mapalapit ako sakanya dahil mukhang mabait naman siyang tao.

Mabait nga si Quinn ngunit maluwang nga lang ang turnilyo sa utak at punong puno ng hangin sa katawan.

"Meron na daw iyong list ng mga companies and agencies kung saan tayo idedeploy."

Pareho kami ng kurso ni Quinn at pareho kami ng year level. Mas matanda nga lang ako ng isang tao dahil delay ako.

"Saan mo ba gusto, private o government?"

"Kahit saan."

Wala lang naman saakin kung saan ako madedeploy para sa ojt ko.

Ang gusto ko lang mangyari ay makapagtapos na ako ng kolehiyo at makapagpatayo ng isang negosyo na dahil sa dugo't pawis ko.

Papunta kami ngayon ni Quinn para malaman kung saan kami mag-oojt.

Pumasok na rin si Ana sa kanyang klase.

Nagkukumpulan ang mga kapwa namin estudyante sa bulletin.

"Swerte nung mga nirequest ng mga mismong kompanya," narinig kong saad ng isang kaklase ko sa kanyang kaibigan.

Hindi na ako nakipagsiksikan sa dami ng mga tao.

"Gusto ko talaga doon sa Adams Jewelry pero sila kasi yung namili ng mga mag-papracticum sakanila."

"Saang kompanya ka nadeploy?"

Puro reklamo ang naririnig ko sa bawat estudyanteng tumitingin sa bulletin. Mukhang dismayado ang karamihan dahil hindi sila nadeploy sa mga kompanyang gusto nila.

Nakabase ang deployment ng isang estudyante dahil sa kanyang grado sa aming mga major subject.

Samantalang ang ibang kompanya naman ay nakagawian nang magpasulit sa mga estudyante at kung sino man ang makapasa ay may pagkakataon madeploy sakanila.

Agad kong nahanap ang aking pangalan at kung saan ako madedeploy.

Hinanap ni Quinn ang pangalan ko at nalaglag ang kanyang panga.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon