Chapter Six

85 4 1
                                    

"Ang tagal naman ni Sir Byron dumating," naiinip na sabi ng katabi ko.

"Gaga, wala pang time," sagot naman ng katabi niya na kaibigan niya.

Umirap na lamang ang katabi ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa ring Sir Byron na nagpapakita.

Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang pangalan ni Sir Byron dahil hindi pa talaga siya pormal na nagpapakilala sa aming klase.

Ang galing kumalap ng impormasyon ng mga kaklase ko.

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone at nakatanggap ng isang mensahe mula sa isang hindi kilalang numero.

Miss Arnaiz, tell the class that I won't meet you today. Thanks! :)

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong rason ang ginagawang reaksyon ng puso ko.

God! It's just a simple text message.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga kaklase ko na hindi kami imimeet ng instructor namin.

Kinalabit ko ang katabi ko at ngumiti. "Nagtext si Sir saakin. Hindi niya raw tayo mamimeet."

Napakabigat ng kanyang buntong hininga bago sumigaw sa buong klase na hindi kami imimeet.

Nagsimula ng mag-ayos ng mga gamit ang ilan.

"Sana saakin nagtext si Sir para maisave ko yung number niya." Rinig kong sabi ng isa ngunit hindi ko kilala kung sino ang nagsabi.

Agad akong napatingin sa cellphone ko at tinitigan ang numero ni Sir Byron.

Dali dali ko itong sinave.

Sir Byron

Baka sakaling sa susunod na magkaroon siya ng emergency ay itext niya ako. Nabuhayan ng kaunti ang puso ko sa simpleng ideyang naiisip ko.

To: Caden

I don't have a class. Punta lang ako sa book store.

Kailangan kong maghanap ng bagong book series na maaaring basahin. Tapos ko na kasi kagabi iyong librong binabasa ko.

Lumabas agad ako ng school at pumara ng tricyle.

Nang makababa ako ay agad akong pumasok sa book store at naghanap ng maaring libro na pwede ko nang simulan mamayang gabi kung sakali.

Habang abala ako sa pagsuri ng mga libro sa shelves ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Agad ko itong nilingon at nakita si Sir Byron na nakatingin saakin.

Ang lapad ng ngiti niya kaya mapangiti rin ako. Nakakahawa ang ngiti niya.

"Hi, Sir," bati ko sakanya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang nakatingin sa librong hawak hawak ko.

Napatingin ako sa kamay kong hawak ang isang libro na may book cover na isang mata.

"Bookworm," bulong niyang sinabi ngunit dinig na dinig ko.

Yumuko ako at ibinalik ang libro sa dati nitong pwesto.

Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya kami mineet sa klase kanina? Urgent ba masyado ang pagpunta niya dito sa book store. Baka ay may hahanapin siyang libro ng Accounting.

Ngunit bakit andito siya sa fiction section?

Inangat ko ang ulo ko para tignan siya ngunit nagulat ako nang nakatingin pa rin siya saakin.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon