Mabilis na natapos ang dalawang lalaking kasama ko na kumain.
Hindi na ako tumingin muli sa pwesto nila Sir Byron at ng babaeng kasama niya pagkatapos magbayad ni Caden sa mga kinain namin.
Nasa labas naman iyong driver ni Mama at hinatid kami muli sa USL dahil may pasok pa kami mamaya.
Kailangan ko pang kitain ang mga kagrupo ko sa Economics dahil may group report kaming gagawin mamaya.
Ako ang nakaatas na mag-eexplain tungkol sa 'Demand' at 'Supply.'
Nakapagbasa na ako kagabi at alam na alam ko na ang mga dapat kong sabihin. At kung sakali mang magtanong ang aming instructor ay malaki ang kumpiyansa ko sa aking sarili na masasagot ko ito. Sapat na siguro ang mga nabasa ko kagabi.
Nagkita kita kami ng aking mga kagrupo sa 3rd floor ng library dahil puno na ang 2nd floor.
"Ate Scarlette, okay na ba yung irereport mo mamaya?" tanong ni Abegail na abala sa pagsscan ng librong hawak niya ngayon.
Hindi batid sakanila na mas matanda ako sakanila ng dalawang taon kaya ayos lang saakin na tawagin nila akong 'Ate.'
"Oo, nakapagbasa na ako kagabi."
Tumango naman si Abegail at ipinagpatulo ang pagbabasa.
Nagpatulong si Jewel sa aking tungkol sa topic na irereport niya mamaya. Hindi niya kasi nagawang makapagresearch kagabi dahil may inasikaso raw siya.
Inexplain ko ang topic niya. Sana ay nakatulong ako sakanya.
Biglang tumunog ang bell na hugyat na kailangan na naming mag-ayos dahil kailangan na naming pumasok sa Economics class namin.
Nang natapos ang unang grupo sa pagrereport ay tumayo na ako kasama ng mga kasama ko dahil kami na ang susunod.
"In microeconomics, supply and demand is an economic model of price determination in a market." Paninimula ko sa aming report.
Iexplain ko sa buong klase ang four basic laws of demand.
"If demand remains unchanged and supply decreases, a shortage occurs, leading to a higher equilibrium price."
Iginuguhit ko ang ilustrasyon ng huling basic law nang biglang may kumatok sa pintuan. Agad akong lumingon doon at agad pinagsisihan ang ginawa kong desisyon.
Nakita ko si Sir Byron na nakangisi habang pinapanood akong nasa platform na nagdidiscuss.
"Continue your discussion," sabi ng aming instructor habang patungo siya sa pintuan ng aming silid.
Tumingin ako sa pintuan at nakita ko silang dalawa na may pinag-uusapan.
Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.
Hindi ko alam kung paano ako nakaraos sa sitwasyon na yun. Basta ang alam ko ay si Abegail na ngayon ang nagsasalita at tuloy tuloy ang mga sinasabi.
Nakita ko si Sir Byron na nakatingin saakin ngunit nang namataan akong nakatingin rin sakanya ay agad siya umiwas ng tingin. Tinignan niya si Bb. Cristobal na mukhang importante ang sinasabi.
Yumuko ako.
Inaantay ko na lamang na matapos ang aming grupo sa pagrereport nang sa gayon ay makaupo na ako sa upuan ko.
Para na rin hindi na ako ulit magbalak na sumulyap pa kay Sir Byron.
Agad namang bumalik si Bb. Cristobal sa kanyang pwesto kanina. Hugyat na tapos na siyang makipag-usap kay Sir Byron.
Lumingon ako sa pintuan at nakikita ang magandang pangangatawan ni Sir Byron kahit na nakatalikod na siya.
Naramdaman kong uminit ang aking pisngi kaya't agad kong ibinalik ang buong atensyon sa kasalukuyang nagrereport sa harapan.