Hindi ko na alam kung gaano kami katagal sa ganoong pwesto.
Basta ang alam ko na lamang ay gumaan ang aking pakiramdam.
Hindi mapalagay si Byron dahil sa katahimikan ko. Ayoko siyang idamay sa pinagdadaanan ko. Ayokong masali siya sa problema ko.
"Uuwi din ako bago dumilim," ani ko. Ayoko nang makaabala pa ng ibang tao. Ayokong maging pabigat sa ibang tao lalo na kay Byron.
"Scar, hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo pero kahit sa ganitong pagkakataon lang, pagbigyan mo na ako."
Bumuntong hinga ako at umiling.
Hindi na ako napigilan ni Byron na umuwi. Wala siyang nagawa kundi ang ihatid na lamang ako sa bahay.
Kahit nasasaktan ako sa nangyari ay ayokong iparamdam kay Mama na mawawalan siya ng anak. Alam kong kailangan niya ako kahit ang bigat bigat ng pakiramdam ko at halos hindi ko siya kayang harapin.
"Kasama mo ba si Caden?" Tanong ni Mama saakin nang nakauwi na ako.
Hindi pa umuuwi si Caden. Ilang mensahe na ang pinadala ko sakanya pero ni isa ay wala siyang naging sagot.
Noon ay hindi ganito kaapektado si Caden sa mga nangyayari dahil siguro ay bata pa siya.
Pero ngayon, parang nag-iba ang ihip ng hangin.
"Hindi, eh." Maikli kong sagot at umakyat kaagad sa kwarto.
Hindi ko matagalan na makita si Mama dahil pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang pagtataksil na ginagawa ni Mama. Kahit sabihin pa natin na matagal nang patay si Papa ay parang hindi niya man lang nirespeto si Papa.
Nagawa nang magpakamatay ni Papa para sakaya pero parang wala lang iyon sakanya.
"Caden!" Sigaw ko nang sa wakas ay sinagot na niya ang tawag ko.
Hindi siya umimik pero dinig na dinig ko ang lakas ng musika.
"Saan ka?" Mas lalo kong nilakasan ang pagtatanong nang sa ganon ay marinig niya ako sa kabila ng ingay na bumabalot sa kinaroroonan niya.
"Beaufort," maikli niyang sagot bago nawala ang linya.
Hindi ko alam kung paano pupunta doon. Delikado na dahil gabi na.
Ayoko namang pumunta doon na sasakay na lamang ng tricycle. Masyadong delikado para sa babaeng katulad ko.
Inaantay ko na lamang ang mensahe ni Byron na nasa labas na siya ng bahay. Pinadalhan ko siya ng mensahe na nagpapasama na puntahan si Caden kung saan man siya ngayon.
Agad akong sumakay ng kanyang Hilux.
Hinigpitan ko lalo ang aking paghawak sa suot kong jacket.
"Kanina pa ba siya doon?"
"Ewan ko." Kanina pa ako nag-aalala para kay Caden. Baka naparami na iyon ng nainom.
Hindi ko alam kung paano pakalmahin ang aking sarili nang namataan ko ang maraming lasing na nagsisilabasan sa bar.
Nasa loob pa kaya si Caden?
Agad akong pumasok sa loob at nakasunod si Byron saakin.
Ipinikit ko panandalian ang aking mga mata dahil hindi nito nakayanan ang mga naglalarong ilaw. Masyadong nakakasilaw.
Agad kong nakita si Caden na nakaupo malapit sa bartender.
Agad ko siyang dinaluhan at napansin ko ang maraming baso sa kanyang harapan. Marami na siyang nainom.