Sa lahat ng ginagawa ko, pakiramdam ko ay lagi itong tinitignan ni Quinn.
Ang nakakainis pa ay nakihalubilo pa siya sa mga kaibigan ni Ana.
"Close kayo?" Tanong ni Ana saakin nang napansin na nakaupo lamang ako sa isang gilid.
Umiling ako.
Hindi naman kasi kami magkaibigan para maging malapit sa isa't isa.
"Grabe! Sainyo to?" Pasigaw na tanong ng isa sa kaibigan ni Ana kay Quinn na halatang may gusto ito sakanya.
Masyadong nawiwili iyong Quinn na iyon sa mga kasama niya.
Nakita kong nagtatawanan sila. Maging ang mga kalalakihan ay natutuwa sa kwentong sinasabi nito.
Bumuntong hininga ako. Pribadong lugar nga ito. Ang buong akala ko ay kami lamang ang andito.
Hindi ko naman maaaring paalisin ang isang ito dahil tulad ng napag-usapan nila kanina, sakanila ang lugar na ito.
Sinubukan kong ituon na lamang ang aking atensyon sa dalawang bata para malibang naman ako kahit paano ngunit nananadya ata ang isang ito dahil bigla siyang lumapit sa kinaroroonan ko.
"Hindi ka magsuswimmming?" Pormal niyang tanong. Napakaswabe ng kanyang boses at hindi ko iyon maipagkakaila sa aking sarili.
Ipinagpatuloy ko ang pagkuha ng litrato sa dalawang bata at nagkunwaring hindi narinig ang kanyang tanong.
Iisipin ko na lamang na wala siya sa aking tabi.
"Carl, tingin ka dito," utos ko sa mas nakakatandang bata para gumanda ang pagkuha ko sakanila ng litrato ng kanyang kapatid.
Inakbayan ni Carl si Danielle at sabay na ngumiti.
Napangiti ako sa kanilang ginawa.
"Miss Canillas, ang suplada mo," medyo natatawang ani Quinn na parang may nakakatawa nga sa nangyayari.
Umirap ako sa kawalan.
"Hindi nga Canillas ang apilyedo ko," singhal ko sakanya.
"Bakit Canillas ang nakalagay doon sa bookmark mo?"
Biglang pumula ang aking pisngi dahil naalala ko na naman si Byron.
Kahit wala ang presensya ni Byron ay nagagawa niya pa rin akong pakiligin. Ganun na ata talaga ang epekto kapag sobrang mahal mo ang isang tao.
Inirapan ko siya at umalis na doon.
Pumasok na ako sa aming kwarto at nadatnan na natutulog si Nanay Victorina.
Kesa mainis ako kapag nasa labas ako ay mas mabuting matulog na lamang din ako.
May ingay na nagmumula sa labas nang nagising ako.
Nagkakantahan silang lahat. May isang telebisyon kung saan nakalagay ang likirong kanilang kinakanta.
Napansin ako ng isang lalaking kaibigan ni Ana.
"Ana, gising na si Scarlette," pagbabalita niya.
Napangiwi ako. Medyo masakit ang aking ulo dahil iba ang naging gising ko.
"Scar... Kumanta ka!" Pumalakpak si Ana.
Umiling ako.
"Kumakanta ka?" Manghang tanong ni Quinn saakin.
Narinig ko na silang lahat na pinipilit akong kumanta ngunit umirap ako at umiling.
Tingnan ko muna sila ng ilang saglit at umalis na sakanilang kinaroroonan.