Chapter Three

128 4 0
                                    

Mabilis natapos ang isang buwan at halos araw-araw si Dominic sa bahay. Hindi nauubos ang mga kwento niya tungkol sa mga nangyari sa buhay niya noong nasa Taguig ako.

Nung unang taon ko sa Taguig, may komyunikasyon pa kami ngunit unti-unting nawala sa hindi malaman na dahilan.

Mahirap makipagsabayan sa lugar na iyon.

Kinailangan kong mag-adjust sa bagong pamumuhay noon at ngayon, ginagawa ko na ulit dito sa mabilis na pagbabago ng pamumuhay dito.

"Ano bang naiisip mong kurso na kukunin?" Busy ako sa pagpupunas ng gitara ko.

"Ewan ko pa. Ano bang maganda?"

Third year na si Dominic at kumukuha ng kursong Information Technology.

Babalik ako sa unang taon dahil iba ang standard ng unibersidad na papasukan ko ngayon kumpara sa PhilsCa.

"Business course daw ang kukunin mo sabi ni Tita Helga," sabi ni Dominic na ngayon ay abala sa pagkain ng mani na nasa mesa.

Nag-inquire ako last week sa USL kung ano ang magandang business course. Siguro ay Marketing Management na lamang ang kukunin ko.

Kaya nung nagpaenroll na ako, yun nga ang kinuha kong kurso. Ilang araw ang naging proseso dahil marami pa ang kailangang ilakad dahil transferee ako.

May mga subject akong nacredit kaya mag-aadvance ako ng ibang subjects. May kailangan akong mga subjects na kailangang ulitin dahil hindi pareho ng descriptive title sa USL.

Nasa Dean's office ako ngayon at ineevaluate ng sekretarya ang mga subjects ko na natapos ko na.

"Miss Arnaiz," tawag ng sekretarya saakin kaya napalingon ako sakanya. Ang sungit tignang ng sekretarya lalo na dahil halatang matanda na ito.

Pumasok ako sa isa pang pintuan kung saan nakaupo sa swivel chair ang isang babae, matanda na at kulay tsokolate ang buhok. Ngumiti ito saakin kaya sinuklian ko rin ng ngiti.

"Please, seat down."

Umupo ako sa upuan na itinuro niya.

Tinignan niya ang mga papel na inabot ko. Saglit niya lang itong iniscan at pinirmahan na.

Nakatingin ako sa mga papel na hawak ko papuntang Registrar Office nang biglang may lumabas na lalaki mula sa HRMO.

Nabitawan ko ang mga papel dahil sa gulat, muntikan na niya akong mabunggo ngunit nakailag ako agad. Pinulot ko agad ang mga papel na nahulog at dali-daling naglakad upang pumunta na sa pupuntahan ko para matapos na ang lahat ng dapat kong gawin.

Ang init init kasi!

Nakakatatlong hakbang pa lamang ako nang bigla kong naalala na hindi ko pala alam kung saan ang Registrar Office! Sana pala ay nagpasama na lamang ako kay Dominic ngayon.

Ngunit busy siya dahil may pinuntahan siyang practice game sa basketball kasama ang mga kaibigan niya.

Tumingin ako sa likod ko at andoon pa rin ang lalaki na abala na tinitignan ang nakapaskel sa bulletin board sa harapan ng HRMO.

Nagdadalawang isip pa ako kung sakanya ako magtatanong. Ngunit wala akong ibang choice dahil wala akong makitang ibang tao na maaaring pagtanungin.

Okay, kakapalan ko nalang ang mukha ko!

"Kuya," tawag ko sakanya. "Pwede po bang magtanong?", hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

My God, Scarlette. Magtatanong ka lang naman pero parang nauubos na ang confidence mo sa sarili mo.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon