Nakita ko ang College Student Handbook na nakapatong sa mesa ni Attorney Soriano.
Ginapangan ako ng hindi maipaliwanag na nararamdaman.
"Attorney, bakit niyo po ako pinatawag?"
Agad na sumeryoso ang kanyang mukha.
"Regarding to that, gusto ko sanang basahin mo itong handbook," malalim ang boses ni Attorney.
Kumunot ang aking noo. Hindi ko alam kung anong meron. Pinapunta ba ako dito sa SAO para lang basahin ang student handbook?
Tinignan ko ang handbook. Medyo may kakapalan ito.
Tumaas ang aking kilay kay Attorney.
"I'm not asking you to read the whole student handbook, just a portion."
Inabot ko ang handbook sakanya.
"Just read Appendix E," aniya at umupo na ulit siya sa kanyang upuan. Bumalik siya sa pagbabasa ng mga papeles na nakatambak sa kanyang mesa.
Umupo ako at hinanap ang sinasabi niya.
Anti-Sexual Harassment Implementing Guidelines
Bigla akong kinabahan sa aking nabasa.
Ano ang ibig sabihin nito?
Tinignan ko muli si Attorney Soriano na abala pa rin sa kanyang ginagawa.
Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.
Statement of Policy
The University strongly condems any form of sexual harassment, exploitation and intimidation. In keeping with this declaration, any act or conduct constituting work-, education- or training-related sexual harassment shall render the perpetrator liable for administrative sanctions to be enforced in a manner as herein provided.
Maraming nakasulat. Binasa ko na rin ang Scope at Acts of Sexual Harassment.
Isa lang ang naiintindihan ko sa mga binasa ko, patungkol ito sa sexual harassment. Ang ibang mga salita ay hindi ko na maintindihan.
Umabot ako sa pagbabasa ng Specific Classification of Sexual Harassment at sa Administrative Sanctions.
Tumaas ang aking balahibo sa katawan nang nabasa ko ang mga penalty na maaaring ipataw sa isang estudyante at sa isang personel na nahuling nilabag ang nakasaad.
"Attorney, pwede bang ipaliwanag mo na lamang saakin lahat ng ito?" Hindi pa ako tapos sa pagbabasa ng Appendix E.
Nayayamot na ako.
Tinignan niya ang handbook saaking kamay.
"Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa," aniya at binalingan na naman niya ang mga papel sa kanyang harapan.
Preventive Suspension.
Criminal / Civil Prosecution.
Nanlaki ang aking mga mata nang nakita ko ang mga katagang: Romantic Relationships
Romantic relationships between personnel and students who are both single, especially when the former directly supervises the education or training of the latter, are strongly discourage.