Chapter Twenty Three

62 2 0
                                    

Pumunta ako sa lugar kung saan madalas ang gig namin ni Justin. Walang masyadong pagbabago sa lugar na ito.

Kilala ako ng sekyu kaya't pinapasok niya ako agad at hindi na nagtanong ng aking ID.

Konting kamustahan ang naganap sa pagitan namin bago ako nagpaalam para hanapin si Justin.

Nalulula ang mata ko dahil sa mga naglalarong mga ilaw. Nakakasilaw sila sa paningin. Ngunit kahit ganoon ay sinikap kong hanapin si Justin.

Napansin kong may bagong mang-aawit ang nasa entablado. Makinis ang balat at maputi. Lumuluwa din ang kanyang hinaharap. Napangisi ako sa nakita.

Nakita kong nakaupo si Justin sa stool, kausap si Kenjie. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

"Justin!" Maligaya kong bati. Napatingin silang dalawa saakin. Unti unti akong lumapit sa kanilang kinauuupuan. "Hi, Kenjie."

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap saakin ni Justin. Hinagkan ko rin siya pabalik habang natatawa.

Kumawala siya sa yakap. "Kailan ka pa bumalik?" Nahihimigan ko ang gulat sa kanyang tinig.

Tumawa ako at pinalo siya sa dibdib. "Kanina lang."

Nasunod lahat ng plano ko. Parehong nagulat si Tita Imelda at Justin sa pagbabalik ko ng Taguig.

Tulad noon ay hindi ako pinayagan ni Justin na uminom ng kahit anong klase ng alak, kahit mahina lang ang tama.

Binigyan niya ako ng isang baso ng pineapple juice. Hindi na ako umalma dahil paniguradong magtatalo lang kami. Ayaw niyang mangyari iyong nangyari saakin noon kung saan hindi ko nakontrol ang aking sarili.

"Alam niyo, bagay talaga kayo, bakit hindi kayo magbalikan," komento ni Kenjie. May mga ilang kaibigan na namin ang nagsabi niyan ngunit tinatawanan na lamang namin.

"Hindi lahat ng bagay, nagkakatuluyan. Masaya na kaming magkaibigan kaming dalawa," ani Justin at nilagok ang isang baso ng Hennessy.

Sumalang na sa entablado si Kenjie dahil siya na ang magpeperform sa oras na ito. Naiwan kaming dalawa ni Justin.

Kwinento ni Justin ang mga kaganapan sa kanyang buhay habang nasa Tuguegarao ako, at ganon din ang aking ginawa. Gustong gusto kong ikwento kay Justin ang tungkol kay Sir Byron ngunit natatakot ako na baka magalit siya saakin.

Alam kong pagbabawalan niya ako.

"May kaibigan ako, nasa isang bawal siyang relasyon," paninimula ko kay Justin bago sumimsim muli sa aking juice.

Minasamaan niya ako ng tingin. "At yang tinutukoy mong kaibigan mo ay ikaw mismo. Sige, iisipin ko nalang na hindi ikaw."

Basang basa na talaga ako ni Justin.

"Okay," pagsuko ko sa kanyang komento. "Paano kung pumasok ako sa isang bawal na pag-ibig?" Yumuko ako. Hindi ata kaya ng sistema ko ang mga talim na itinutusok saakin ng mga tingin ni Justin.

Nilaro ko ang straw sa aking juice.

"Magiging kabit ka? O kabit ka ngayon?"

Agad akong napatingin kay Justin. Masama ang kanyang tingin saakin.

Umiling ako.

Ang iniisip kong bawal na pagmamahalan ay ang pagiging estudyante ko at ang pagiging guro ni Sir Byron. Alam kong wala pa talagang kasiguraduhan itong mga ginagawa namin pero sa kaloob looban ko ay alam kong may namamagitan saaming dalawa, sadyang hindi ko pa natutuklasan kung anong tawag doon.

Umiling ako.

"Si Mama mo..." Hindi niya madugtungan dahil nilagok niya ang panibagong baso ng Hennessy.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon