Chapter Forty Three

60 2 0
                                    

Lumuwas papuntang Taguig si Mama para kasama namin siyang ipagdiwang ang pasko.

Isang simpleng pagsasalo lang din ang naganap sa bahay noong kaarawan ko.

Napangiti ako. Masaya na ako na kasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko ngayong kaarawan ko.

"Gusto mo na bang magpahinga?" Bumabalik na ang dating maalagaing Caden. Bumalik na ang kapatid ko.

Tumango ako.

Dumiretsyo ako sa aking kwarto at ibinagsak ang aking sarili sa kama.

Isang taon na rin noong ginawan ako ng kanta ni Byron.

Napapikit ako para alalahanin ang mga nangyari.

Ilang beses kong sinabi saaking sarili na kapag naging maayos na ang lahat, babalik na ako ng Tuguegarao. Sa ngayon, kailangan ko munang may mapatunayan sa sarili ko para kapag bumalik ako kay Byron, matutulungan ko na siya upang maging mabuting tao.

Hindi na ako ang Scarlette na magiging abala lamang sakanya kapag nagkita kami muli.

Papakinggan ko sana muli ang kantang ginawa niya saakin sa youtube ngunit napansin kong may bago siyang kanta.

Hindi naman sa sobrang bago dahil dalawang linggo na ang nakakaraan noong pinost niya ito.

Ang nakakagulat nga lang ay ang pamagat na ginamit niya.

Para kay Scarlette

Ganyan na ba siya ka-open ngayon? Ano na lamang ang sasabihin ng ibang tao? Lalo na iyong mga nakakakilala sakanya.

Tinignan ko ang mga komento. Maraming nagsasabing naiyak daw sila dahil sa sinsiridad ng pagkakakanta.

May mga komento ring nagsasabing namimiss na rin nila ako.

Wala akong panahon para tignan ang kanilang profile para alamin kung talagang kilala ko sila ng personal.

Wala nang dating pagtingin

Sawa na ba saking lambing

Wala ka namang dahilan

Bakit bigla na lang nang iwan?

Unang stanza pa lamang ng kanta ay napaiyak na ako.

Alam kong hindi ko binigyan ng pagkakataon si Caden na kausapin man lang ako.

Ang naging mali ko sa paghihiwalay sakanya ay dinaan ko sa isang simpleng sulat. Hindi man lang ako nakipagkita sakanya.

Di na alam ang gagawin

Upang ika'y magbalik sa'kin

Ginawa ko naman ang lahat

Bakit bigla na lang naghanap?

Wala akong iniwan na kahit anong kasiguraduhan na babalikan ko siya. Dahil kapag ginawa ko iyon, ayokong paghawakan niya lamang iyon at hindi na siya uusad sa kanyang buhay.

Kailangan naming pareho ang paghihiwalay na ito kahit ang sakit sakit. Kahit nahihiwa ang puso ko araw araw, kailangan kong magpakatatag at dapat ganoon din siya.

Hindi magbabago

Pagmamahal sa iyo

Sana'y pakinggan mo

Ang awit ng pusong ito

Napansin kong nangayayat si Byron pero makisig pa rin ang kanyang pangangatawan.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon