Chapter Forty Four

53 2 0
                                    

Masyado akong frustrated dahil wala talaga ang aking cellphone sa bag.

Kinailangan ko tuloy pumunta sa library para makapag-aral sa major ko.

Siguro ay naiwan ko iyon sa bahay.

Halos patapos na ako sa pagbabasa ng librong hawak ko nang biglang may naramdaman akong tumabi saakin.

Nilingon ko sa pag-aakalang si Caden iyon o di kaya si Ana.

"Hi, Miss," maligayang bati ng isang lalaki saakin.

Tinaasan ko lamang ng kilay at inirapan. Binalik ko ang aking atensyon sa aking binabasa.

Pero naramdaman kong hindi pa rin siya umaalis.

Hindi ko pinahalatang naiinis ako sa kanyang presensya. Naramdaman ko ang mga mapanusok niyang tingin saakin.

"Ang sungit mo naman," aniya.

Hindi ko siya pinansin pero hindi na ako makapokus saaking binabasa, wala na akong maintindihan.

"Makinis ang mukha mo...." Hirit niya pa. Nilingon ko na siya.

"Mister, kung wala kang magawa sa buhay mo, pwede bang huwag ako ang ginugulo mo. Iba nalang," pabagsak kong binalik ang aking atensyon sa librong hawak ko.

Hindi ata natinag ang lalaking tumabi saakin dahil nararamdaman ko pa ring nakaupo siya saakin.

Sa sobrang inis ko ay binalik ko na ang libro at nagmartsa palabas ng library. Tutal ay malapit naman na ang susunod kong klase, mas magandang pumasok na ako.

Ngunit nakakainis dahil hanggang sa pagpunta ko sa aming silid ay sinusundan niya ako. Ang mas nakakainis pa ay pumasok rin siya saaming silid. Lahat ng aking kaklase ay nakatingin saaming dalawa.

Hindi, sakanya lamang pala sila nakatingin.

Umupo siya sa aking likuran.

Dumating ang aming instructor at napansin atang may ibang tao sakanyang klase.

"Mister Bamba, pwede po bang maki-seat in?" Maligayang sabi ng lalaking nasa likuran ko.

Napatingin na naman ang aking mga kaklase sakanya.

"May quiz sila, Quinn," tumaas ang kilay ng aking instructor.

"Hindi po ako mag-iingay. Dito lang po ako sa likod." Tumingin na ako sa aking likuran at nakitang nakataas ang kanyang kanan kamay.

Inirapan ko siya at binalik ang aking tingin saaming instructor.

Halos murahin ko na ang aking papel dahil sa hirap ng mga tanong. Bilang lamang saaking mga daliri ang mga sagot na sigurado ako.

Kung hindi siguro ako ginulo ng lalaking ito kanina sa library ay nakapagbasa ako ng maayos.

Dapat talaga hindi ko na lamang nakaligtaang dalhin ang aking cellphone.

Halos kalahati na sa aking mga kaklase ang tapos na nang ipinasa ko ang aking papel.

Nang pabalik na ako sa aking upuan ay nakita kong nakangiting nakatingin saaking ang lalaking kanina pa ako sinusundan.

Inirapan ko siya at agad na umupo saaking upuan.

Tinignan ko ang aking wrist watch. Konting minuto na lang ay uwian na namin. Konting minuto na lamang ay makakawala na ako dito sa lalaking kanina pa ako sinusundan.

Kinikilabutan ako sakanyang ginagawa. Kung wala siyang hitsura ay kanina pa ako sumigaw ng 'rape' pero alam kong wala naman maniniwala kung sakali.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon