"May kakilala ka na taga-dito?" Tinatahak namin ang isang malaking tulay nang tinanong ko iyon sakanya. Tumango naman siya.
Ako ang napapagod para sakanya.
Mapupungay ang mga matang nadatnan ko nang inihinto niya ang sasakyan sa labas ng isang mall.
Tinignan ko lamang siya at pinagtaasan ng kilay.
Ngumiti siya at iniliko sa pakanan.
Gusto ko pa sanang magtanong ng patungkol dito sa ginagawa namin ngunit nararamdaman ko ang kanyang pagod.
Itinigil niya ang sasakyan sa labas ng isang bahay. Wala na ring buhay ang makina.
"Dito na tayo," aniya. Bumaba siya agad at pinagbuksan ako.
"Salamat," sabi ko.
Kinuha niya na rin ang aming mga bag na nakalagay sa back seat.
Sinundan ko siya sa kanyang pinuntahan, inaantay ang kanyang susunod na gagawin.
"Ivon," tawag niya sa kung sino. Agad naman bumukas ang pintuan ng bahay kung saan nakatayo kami sa labas.
Maraming halaman na nakapaligid dito at ang mga bahay sa paligid ay halos magkakatabi, walang pader na naghihiwalay sakanila. Sa tingin ko ay nasa isang compound lamang sila. Sa palagay ko rin ay magkakamag-anak lang din sila.
Malapad ang ngiti ng lalaking nagbukas ng pintuan. "Byron," tawag niya. Pinasadahan niya ako ng saglit na tingin ngunit agad niya ring binalingan si Byron.
May pinag-uusapan sila na kung ano habang pumapasok kami sa loob ng kanilang tahanan. Sumunod naman ako.
"Upo ka muna diyan," turo ni Byron sa isang sofa kung saan nakalagay malapit ang isang malaking telebisyon. Agad ko naman itong sinunod.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong tanggapan, at napansin ko na maraming mwebles na nakapalibot, maraming babasagin na bagay na naka-display na kung saan ay konting galaw mo lamang ay baka mabasag mo ang mga ito.
"Ivon, si Scarlette pala. Scar, si Ivon, kaklase ko nung kolehiyo," pagpapakilala saakin ni Byron sa kaibigan. Naglahad ng kamay ang binata ngunit agad na tinapik ito ni Byron.
Hindi ko nagawang makipagkamayan kay Ivon.
Narinig ko ang halakhak ni Ivon. "Chill, By. Di ko aagawin ang girlfriend mo," natatawang aniya.
Uminit naman ang aking pisngi kaya't napayuko na lamang ako. Hindi naman kasi ako girlfriend ni Byron.
Matapos magkwentuhan ang dalawa sa kung anu-anong bagay patungkol sa mga ginagawa nila ngayon sa kanilang mga buhay ay hinatid na rin kami sa kwartong tutulugan namin.
Dala ni Byron ang aming mga bag paloob.
Nailang ako nang napansin kong isang kama lamang ang naroon.
Lumunok ako. "Byron," tawag ko sakanya na abala sa paglagay ng aming mga bag sa kung saan. "Iisa lamang ang kama."
Pinasadahan niya ang buong lugar.
"Sa baba nalang ako matutulog, diyan ka na lamang sa kama," agap niyang sagot.
May kumurot saaking puso nang nakita kong abala si Byron sa paglapag ng comforter sa ibaba. Hindi ata kaya ng aking konsensya na makitang sa baba siya matutulog. Alam kong hindi siya sanay.
"By, dito ka na matulog sa tabi ko. Wala namang mangyayari," huli na nang napagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ng aking binulalas.
Shit! Mag-isip ka nga muna bago ka magsalita, Scarlette!