Chapter 35 - about the....

399 11 4
                                    

Chapter 35

*Alex*

“siya naman ung nag-propose, diba? Siya ung nag-aya sa aking magpa-kasal, hindi naman ako, diba? Siya may gusto nito, diba?” i sobs.. “pero bakit parang dehado na naman ako? Bakit ako na naman ung talo?”

Wala pang dalawang linggo nang mag-break – NA NAMAN – kami ni Kai, eh nakita ko na kaagad siyang may kasamang kaladkaring babae sa mall kanina, habang namimili kami ni Mary ng susuotin nya sa company outing ng pinagttrabahuan nya.. hindi sana ako sasama, kundi lang nya ko pinilit lumabas ng bahay dahil sa pagkalugmok ko sa nangyari – at sana, hindi na lang talaga ako sumama dahil iyon ang nakita ko..

Ilang araw na din kasi akong hindi lumalabas ng bahay – except kung may school kami – kaya nag-alala na ng sobra si Mary.. mabuti na nga lang at pasahan na lang requirements sa school kaya hindi na ko masyadong busy.. next week na din ang graduation namin, kaya medyo napapanatag na si tatay..

Mary knew already, at naghihimutok na naman siya sa galit dahil sinaktan na naman daw ako ni Kai..

At lalo pa siyang nagalit kanina, nang makita naming may kalanturan si Kai dun sa isang fast food chain at parang hangin lang kami kung tignan nya kanina..

“T*ng*na talaga!! T*NG*NAAAA!!!!” sigaw ni Mary..

Napayuko na lang ako at naupo sa kama nya.. dito sa bahay nila Mary muna ako tumutuloy dahil naglayas din ako – no, pinalayas ako ng tatay ko, dahil pati sila inaway ko.. sinisi ko silang lahat kung bakit naging ganun sa akin si Kai.. sinabi ko na alam kong kagagawan nilang dalawa kung bakit wala na kami ni Kai..

Oo, alam kong napaka-salbahe kong anak sa kanila.. hindi ko din alam kung bakit nagawa ko un sa kanila.. dala na din siguro un ng galit at pagkalito ko sa mga nangayari, kaya sinagot-sagot ko sila..

Kaya heto ako, nakikitira sa bahay ng best friend ko..

“t*ng*na talaga, Alexis!! Wag na wag mo kong iiyakan dito!” sigaw nya sa akin pagkahagis ng mga paper bag sa kahit saan.. “oo, binubugaw kita ulit sa kanya noon, Alexis, pero hindi ako nagkulang sa pagpapa-alala sayo!”

Napa-hikbi ako dahil naramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko.. nag-flashback sa akin lahat ng mga nakita ko kanina pati ung huling pag-u-usap naming dalawa.. pakiramdam ko, hinihiwa pa-unti unti ung puso ko sa sakit..

Wala akong magawa kundi ang maiyak na lang..

“Alexis.. wag mo ko iyakan – best friend kita, Alexis.. alam ko ang buo mong pagkatao at alam kong matalino ka.. pero, ang shunga shunga mo talaga pagdating jan..”

I sniffed and looked at her.. “h-hindi pa din malinaw sa akin ang lahat kung bakit..” i sobs.. “i’m still puzzled..”

Napahinga siya ng malalim at lumapit siya then she pulled me and hugged me tight.. mas lalo akong napaiyak.. “hindi nya man lang ipaliwanag kung ano o bakit nya ko hiniwalayan.. basta na lang siyang parang saranggola na lumagwa..”

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon